Mag-log inHindi rin naman nagtagal at wala pang trienta minutos ay dumating na rin agad ang pasta na hinihingi ko. Hindi lumabas si Spike kahit na tinawag ko siya upang masabayan ako sa pagkain. Si Sebastian ang naghatid. Gusto ko sanang siya na lang ang yayain kong kumain kasama ko since ayaw ni Spike pero hindi ko na nagawa dahil nagmamadali rin siyang umalis.
Hindi ko rin maintindihan itong sarili ko, e kung bakit gusto kong kasabay si Spike kahit na hindi naman kailangan dahil hindi naman kami totoong mag asawa. I mean, we're married yes. But were not romatically involved with each other. Pero sana man lang 'di ba? kahit sa bata. Umiling ako. Ano ba itong mga pinagiiisip kong para sa bata? What am I thinking? Kahit na magkasabay kaming kumain ngayon, it won't change the fact na hindi rin naman magkakaroon ng kumpletong pamilya ang batang ito. Dahil pagkatapos ko siyang maipanganak ay aalis din naman agad ako at babalik na sa dati kong buhay. Biglang nanikip ang dibdib ko kaya nahinto ako sa pagnguya. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko. Hindi ako emosyonal na tao. Pero simula no'ng nalaman kong buntis ako ay ewan ko ba at napapadalas ang pag iinarte ko. Bigla na lang ay nag se-self-pity ako. Kinakaawaan ko ang sitwasyon ko, ang buhay ko, ang sarili ko. Pagkatapos kong kumain ay iniligpit ko lang ang pinagkainan ko sandali saka ako umakyat na rin sa kwarto upang makapagpahinga. Sana. Pero hindi nangyari dahil hindi ako makatulog. Nakailang posisyon na ako sa kama pero hindi pa rin ako makatulog. Bumangon ako nang narinig ang pagbukas ng p***o ng kwarto ni Spike. Sunod kong narinig ay ang mga yapak niyang pababa ng hagdan. Kaya imbis na buksan ang pintuan upang sundan siya ay nagtungo ako sa bintana upang panoorin siyang papaalis. Ilang gabi na siyang ganyan. Sigurado ako bukas ng umaga na naman ang balik niya. Pagkatapos ay maliligo't magpapalit lang ng damit, hihigop sandali ng kape at magmamadali na namang umalis papuntang opisina. Ni hindi na nga kami nakakapagusap ng maayos. Gusto ko mang sundan siya ay hindi ko na nagawa dahil pagkaharurot na pagkaharurot ng sasakyan niya paalis ay siya namang pagtakbo ko papuntang banyo upang maisuka ulit lahat ng pastang nakain ko. Matagal akong nagising kinabukasan. Naabutan ko ulit ang lamesang may nakahandang pagkain pero walang tao. Umuwi si Spike para dito pero hindi niya ako hinintay na magising para masabayan akong kumain. Humugot ako ng isang malalim na hininga saka ako umupo upang simulan ang umagahan ko. Buong araw akong nagpahinga at nagkulong lang sa kwarto. Hindi ako binisita ng mama at lola ni Spike kaya wala akong dahilan para tumambay sa sala. No'ng nag lunch time naman ay nagprito lang ako ng manok para may makain ako. Mabuti na nga lang at kahit papaano'y may laman pa ang ref. Pero paubos na rin. Gusto kong lumabas at magpaalam kay Spike na mag go-grocery ako pero siguradong hindi siya papayag at iuutos niya lang iyon kay Sebastian. Bored na bored na ako dito sa bahay. Ni wala akong makausap kahit through my social media accounts kasi wala naman na akong cellphone at sinira nga iyon ni Spike last time. The laptop also got confiscated by him. Nag aagaw ang dilim at liwanag sa labas ng bintana nang narinig kong may nag doorbell sa labas ng bahay. Wala akong inaasahang bisita ngayon. Kaya kabado pa ako habang bumababa sa hagdan. "Sino 'yan?" tanong ko pagkalabas. Malawak ang ngiti sa labi ni Miles habang kumakaway sa akin. "Serraaaa!" "Oh my god!" Napatakip ako sa bibig ko. Bigla ay tumulo ang mga luha ko na agad kong inalis saka ako nagmadali sa pagbukas ng gate. "Miles!" Agad akong niyakap ng kaibigan ko. Mahigpit rin ang naging yakap ko sa kanya pabalik na halos ayaw ko na siyang bitawan. "Pasok ka. Paano mo nalaman ang bahay namin?" tanong ko pagkabitaw ko sa yakap naming dalawa. "Dumaan ako sa opisina ng asawa mo. Actually, ipinahatid niya ako kay Baste," sabay lingon ni Miles sa kanyang likuran kung saan hindi ko namalayan na naroroon pala si Sebastian at may binababa mula sa trunk ng sasakyan. Hindi agad ako nakapagsalita. Hinawakan ko ang braso ni Miles at iginiya siya papasok ng bahay. "Kailan ka pa dumating dito sa Pilipinas?" tanong ko pagkapasok namin sa bahay. "Uhh . . . This morning. May dinaanan pa kasi ako kaya ngayon lang ako nakapunta dito." Naupo siya sa mahaba naming sofa at agad ko naman siyang tinabihan. Hindi ulit ako nagsalita nang pumasok si Sebastian. "Ma'am, idederetso ko na po ito sa kusina ah?" ani Sebastian na tinanguan ko lang. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa kusina. "Serra, nag aalala kami sa 'yo, kami ni kuya. Especially kuy—" Agad na natahimik si Miles nang hawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. Papalabas na si Sebastian ng kusina. "Ma'am, alis na po ako. Miles," pagpapaalam pa nito pati kay Miles. Pinanood lang namin si Sebastian na tuluyang makaalis bago ko hinarap si Miles. "Don't trust him too much, Miles. Right hand siya ni Spike." Ilang sandali pa bago marahang bumuntonghininga si Miles at tumango. "I understand, Serra. Ano na bang nangyayari? Kuya is so worried lalo pa at no'ng huling paguusap natin ay sinigawan siya ni Spike over the phone. I was literally shaking that time. Takot na takot ako sa asawa mo." "I'm sorry pati kayo nadadamay." "Kaya pinauna ako ni kuya dito to help you. Itatakas ka namin mula dito, Serra." Agad akong umiling. "I really want to escape, Miles. Pero hindi pwede. Lalo pa ngayon na buntis ako. Sigurado akong kahit saang lupalop ng mundo ako magtago ay mahahanap at mahahanap pa rin ako ni Spike. May pera siya, Miles." "May pera din kami," matigas na sabi ni Miles. "I know. Pero hindi ako pwedeng basta na lang umalis." "Serra, disidido na si kuya na bayaran ang lahat ng pagkakautang ng daddy mo kay Spike Guillermo. He also wants to marry you and own your baby." Bahagyang namilog ang mga mata ko sa mga sinabi ni Miles. "Miles, I'm sorry pero tama ba itong naririnig ko? Marry me? Marraige? Coming from you na hindi ako gusto para sa kapatid mo—" "Suportado ko na siya, Serra. If that's what he wants at kung iyon ang makakapagpalaya sa iyo mula sa impyernong sitwasyon na ito then why not? I want you to have your freedom back." Ilang sandali akong hindi nakapagsalita. Pilit na pinoproseso ng utak ko ang mga salitang binitawan ni Miles. I shook my head. "I appreciate you helping me, but I am so sorry, Miles. I am not interested in switching from one marriage to another."Inaya ako ni Miles na lumabas pero dahil naka-schedule kami ni Spike na lumabas ngayon ay tinanggihan ko na muna. Gusto ko sana siyang isama pero ayaw naman niya. Aniya ay ayaw niyang makita si Sebastian. Hindi ko alam kung anong meron sa kanilang dalawa. Basta ang alam ko lang ay may something pero ayaw niyang ipaalam sa akin o hindi pa siya handang mag kwento. Kaya pinipili kong manahimik kahit na pinapatay ako ng kuryusidad ko."I'm sorry I have to take this call," pagpapaalam sa akin ni Spike. Pasakay na sana kami sa sasakyan pero dahil may tumawag ay bumalik siya sa loob ng bahay.Nagkusa na lamang akong pumasok sa loob ng sasakyan at doon siya hinintay. Hmp! Hindi naman niya kailangan pang lumayo. Ayos lang naman kung marinig ko kasi hindi ko naman siya papakialaman. Pero ano bang pake ko kung ayaw niyang iparinig ang usapan nila ng kung sino mang tumatawag? Baka naman talagang pribado at sekreto iyon na hindi pwedeng marinig ng contracted wife na gaya ko.Napabuntonghininga ako
Marahan siyang tumango. Ilang saglit bago niya ako nagawang bitawan mula sa pagkakayakap niya."Gutom ka na? Nagluto na ako ng breakfast natin," aniya sabay padausdos ng palad niya mula sa balikat ko paibaba sa aking mga kamay.Hindi ko dapat iyon pinapansin. Pero hindi ko mapigilang hindi iyon punain. Paanong hindi? E, parang kinuryente ang braso ko sa ginawa niya."Let's go," dagdag niya pa.Tumango ako at nagpatianod na sa kanya nang hilain niya ako palabas ng kwarto.Mapili ako sa pagkain nitong mga nakaraan. Nakita kong beefsteak ang inihanda niyang ulam. I already tried it last time na nagpa-deliver ako and I end up throwing it all on the toilet bowl. Habang iginigiya niya ako sa aking upuan ay nanatili naman ang paningin ko sa ulam. I don't want to eat it. Katatapos ko lang sumuka, ayaw ko pang sumuka ulit ngayon. But I don't want to disappoint him either."Anong problema?""Ha?" Napaangat ang tingin ko sa kanya. "Uh, wala.""Ayaw mo ba sa inihanda ko?""Of course not!" mabilis
Pero hindi pa man ako tuluyang nalululong sa halik niya ay marahas ko na siyang itinulak."What are you doing?" mahina kong bulyaw."Kissing you?" sarkastikong patanong niyang tugon."Sagutin mo ang tanong ko. Anong nangyari sa 'yo?"Pinagtaasan niya ako ng isang kilay."Sa tingin mo ano?"Hindi agad ako nakasagot. Ilang minutong nanatili ang tingin ko sa kanya, na m-mental block. Hindi ko alam ang sasabihin ngayong napatunayan kong may kinalaman nga si Spike sa nangyari sa kanya."I-I'm sorr—""You're pregnant," nakangising aniya sabay baba ng tingin sa tiyan ko.Bigla ay napayakap ako sa aking tiyan na tila pinoprotektahan ang kung anumang nasa loob nito."I just hope inaalagaan ka niya ng mabuti," sabi pa niya at basta na lang akong iniwan sa aking kinatatayuan.Gusto ko man siyang habulin pero natulala ako sa kawalan. I didn't even know what to say kung mahabol ko man siya. Anong sasabihin ko? Na tuloy pa rin ang mga plano namin? Na kung may balita na ba doon sa inuutos ko sa kani
"So payag kang kasal kayo ni Spike?"Umiling ako. "No. Ipapasawalang bisa din naman ang kasal pagkatapos kong maibigay sa kanya ang anak niya, Miles. Ayos na ako. Sa ngayon ay susunod ako sa lahat ng gusto niya. I can wait. Kaya kong maghintay hanggang sa kaya ko nang makapaghiganti sa mga Flores."Agad na kumunot ang noo niya. "Anong paghihiganti ang pinagsasasabi mo?""Gusto kong bigyan ng hustisya ang pagkamatay ni daddy. Gusto kong ipadama sa taong dahilan ng paghihirap kong ito ang poot at galit na nararamdaman ko.""A-akala ko aksidente ang nangyari sa daddy mo."Umiling ako. "No. He was killed."Isang mahabang paghugot ng hininga ang ginawa ni Miles habang titig na titig sa akin."I can't believe this. Kaya ba ayaw mong umalis dito?"I nodded."Kaya please. Hayaan niyo na muna ako. But please be with me, Miles." Inabot ko ang dalawang kamay niya't hinawakan ko ang mga ito ng mahigpit. "Wala akong kasama. Ramdam na ramdam ko 'yong pag iisa dito. Mag stay ka man lang sana kahit i
Hindi rin naman nagtagal at wala pang trienta minutos ay dumating na rin agad ang pasta na hinihingi ko. Hindi lumabas si Spike kahit na tinawag ko siya upang masabayan ako sa pagkain. Si Sebastian ang naghatid. Gusto ko sanang siya na lang ang yayain kong kumain kasama ko since ayaw ni Spike pero hindi ko na nagawa dahil nagmamadali rin siyang umalis.Hindi ko rin maintindihan itong sarili ko, e kung bakit gusto kong kasabay si Spike kahit na hindi naman kailangan dahil hindi naman kami totoong mag asawa. I mean, we're married yes. But were not romatically involved with each other. Pero sana man lang 'di ba? kahit sa bata.Umiling ako.Ano ba itong mga pinagiiisip kong para sa bata? What am I thinking? Kahit na magkasabay kaming kumain ngayon, it won't change the fact na hindi rin naman magkakaroon ng kumpletong pamilya ang batang ito. Dahil pagkatapos ko siyang maipanganak ay aalis din naman agad ako at babalik na sa dati kong buhay.Biglang nanikip ang dibdib ko kaya nahinto ako sa
Ang mga sumunod na araw ay hindi ko inaasahan. Spike's in a mood lately. Halos hindi niya ako kinakausap. Kahit tingnan man lang ako ay madalang niyang gawin. Para bang nandidiri siya sa akin. Pero isinawalang bahala ko 'yon. Lalo pa at wala akong panahong isipin pa siya gayong iba ang pakiramdam ko lately.Ayon sa doktor no'ng nagpa-checkup kami ay magdadalawang buwan na akong buntis. Wala naman akong nararamdamang masama pero nitong mga nakaraang araw at linggo ay panay ang pagsusuka ko at hinang-hina ako. Nagiging malakas lang ako kapag nandito si Spike sa bahay at naaamoy ko siya.Yeah! Nakakahiya mang aminin kahit sa sarili ko pero iyon ang totoo. Spike brightened up my mood whenever his here. Pero kung anong ikinaganda ng mood ko kapag narito siya ay siya na mang ikinapangit ng sa kanya."Bakit kung kailan nasa second trimester ka na ng pagbubuntis mo ay doon ka pa lang nagsususuka ng ganyan, hija? Akala ko pa naman ay hindi ka maselan magbuntis!" kuda ni Mama Rosella habang him







