FAZER LOGIN"Lennox! I told you not to do that, right?"
"But Levi told me that it's okay!"
Agad na umiling si Levi nang lingunin ko siya. "It's Lois, mom. Not me!"
Nang lingunin ko si Lois ay naka-poker face lang siya habang nakatingin sa mga kapatid niya. Sa kanilang tatlo ay siya itong may pinagmanahan talaga.
Naupo ako upang pumantay sa lebel nilang tatlo. "You already knew that diving is dangerous, right? You can't just dive into the pool just because you know how to. Mababaw ang tubig dito. Pwedeng mabagok ang ulo niyo," marahan kong sabi.
"Mom, you know that we love danger, right?" ani Levi. Agad akong napikon sa sinabi niya. Hindi ko alam kung paano kong kinaya ang apat na taon sa tatlong 'to. E 'yong isa pa nga lang ay gusto ko nang sumuko. Ano pa kaya sa tatlo. My gosh!
"Right, mom! Danger is everywhere. It could be tomorrow or now so why can't we just play with it, right, Lois?" ani Lennox at idinamay pa talaga ang kapatid.
Napapikit ako ng mariin. Hindi ko na alam kung paano pa akong makakasabay sa utak ng tatlong bata na ito. Kung may sakit ako sa puso, malamang matagal na akong nakahiga sa ilalim ng lupa. Mag li-limang taon pa lang sila but they all talked like how the adults talked. Kahit sino sa mga nakakakilala sa amin ay iisiping genius ang mga anak ko. At the age two, hindi pa sila masyadong tuwid magsalita pero nagpapaligsahan na silang tatlo sa paglangoy. At the age of three when Lois learned how to read and teaches his brothers. So at the age of four when they started going to school, nabo-bored na sila tuwing topic sa school ang pagsusulat at pagkilala sa alphabet. Hindi ko sila tinuruan sa lahat ng 'yon. Wala akong panahong turuan sila because I am busy making money for our survival. They manage to learned it on their own. And I'm thankful for it. Iyon nga lang ay minsan hindi ko sila kinakaya. Masyado silang advance mag isip kumpara sa akin. Just like what Levi said, they love to play dangerous things. May isang beses pa nga na kamuntikan ng masunog ang condo unit namin because they were doing some kind of an experiment according to them. In-open ba naman ang gas stove at pinaglaruan ang apoy. Kung ano-anong mga chemicals at mga bagay ang inilagay nila because they want to know kung ano-anong mga kulay ang kayang i-produce ng fire!
"I know. And it's not okay! Definitely not! Kaya tigilan niyo na ang pagda-dive sa pool or else uuwi na tayo."
"But, mom!" Levi said.
Pinandilatan ko sila ng mga mata bago ako tumayo at bumalik sa sun lounger kung saan ako nakahiga kanina habang pinapanood silang tatlo. Nasa bahay kami nina Miles. Dito kami palaging tumatambay kapag wala akong trabaho. Dito kasi ay mas nakakapagpahinga ako ng maayos kasi nga maraming mga mata ang nakatutok sa mga anak ko. Maids and guards are everywhere kaya kung may kabulastugan mang gagawin ang mga anak ko ay agad naming malalaman.
"They already emailed the contract for your next project," ani Miles saka naupo sa sun lounger na katabi ng sa akin. "But the problem is, they want to do it in the Siargao, Philippines."
Nilingon ko siya. "You already know what to do, Miles."
She nodded. "Yes, Serra. I know! But this project is not just a project. Alam mo kung gaano ito kalaki. They were offering you the face of their company! Serra, you know how big this company is! Hindi natin pwedeng palampasin 'to!"
Hindi ko siya kinibo. Pinanood ko lang ang mga anak ko na ngayo'y nag f-floating.
Umiling ako. "Let's not do it, Miles."
"Serra, ang daming naghahabol sa kompanyang 'to. Maraming modelo ang nag-aagawan para sa pwestong ino-offer nila sa 'yo. And here you are? Wasting it? Serra!"
Bumangon ako at hinarap siya. "You know what I went through in the Philippines, Miles. How do you expect me go back there?"
"God, Serra! It was long overdue! Lahat sila nakamove-on na! Ikaw na lang 'yong hindi!"
Bumagsak ang mga balikat ko. Hindi ako makapaniwala sa mga salitang binitawan ni Miles. I can't believe how easy for her to say that everyone has moved on already but here I am... Still not moving on. Sa tingin niya ba ganoon lang kadali ang makalimot?
"How could you be so insensitive, Miles."
She shook her head. "I am not, Serra! I just want you to move on. Tatlong taon na ang lumipas but you still have those nightmares! Pilit mong kinukulong ang sarili mo sa kahapong 'yon na hindi naman na kahit kailan mababalik o magbabago! Their family already forgive you for what you did! Ikaw na lang 'yong hindi marunong magpatawad!"
Tumayo ako at agad na nagtungo sa pool. "Boys, get out of the pool. Let's go home!"
Agad na nagmadali ang mga anak ko sa pag ahon mula sa pool. Kinuha nila agad ang mga gamit nila at nag kanya-kanya ng bihis. Pumasok na rin ako sa loob at nagbihis because I am still wearing my swimsuit. Paglabas ko ay naroroon pa rin si Miles that surely waiting for me.
"Let's go!' sabi ko sa mga anak ko.
"Serra," pigil sa akin ni Miles pero hindi ko siya pinansin so she grabbed my wrist para mapalingon ako.
"I know it's hard. But please... Please fucking move-on, Serra."
Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa akin. "Everything has its own timeline, Miles. You can't just tell me na mag move-on ako kasi hindi 'yon ganoon kadali. You don't know my pain. Hindi mo alam kung gaano akong nagsisisi sa mga ginawa ko. Hindi mo alam kung gaano ako kagalit sa sarili ko! It's easy for you to say kasi hindi naman ikaw ako. Hindi naman sa iyo lahat nangyari 'yon."
"Hindi nga ako, Serra. I was just trying to help you. Kasi kung nasasaktan ka, nasasaktan din kami para sa 'yo. Nasasaktan din kaming makita na hindi ka makaahon at hanggang ngayon lunod na lunod pa rin sa mga nangyaring 'yon. You just have to forgive yourself pero hindi mo pa magawa!"
"Pinatay ko 'yong sarili kong ina, Miles. Sa tingin mo paano ko patatawarin ang sarili ko?"
SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba
SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki
Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi
"What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang
Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam
I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose







