Compartilhar

Kabanata 71

Autor: Shinzanzou
last update Data de publicação: 2026-08-18 22:38:22

"And you think it's a right decision? Sigurado ka na ba?" tanong ni Welvorn.

Ipinikit ko ang mga mata ko. Do I have a choice? Paano ko sila bubuhayin? As if I have the capacity. I am no longer the Serra na mayaman, na kahit araw-araw akong mag shopping ay hindi ako nauubusan ng pera. Now, I am broke. Paano ko pagsasabayin ang pagtatrabaho at pag aalaga sa kanila? Ayaw ko rin namang isama sila sa mga paghihirap ko. Their father was already cruel, dadagdag pa ba ako?

"I never wanted them since the beginning anyway," tugon ko.

May kirot akong naramdaman sa dibdib ko nang sabihin ko 'yon pero ipinagsawalang bahala ko. From now on, dapat sanayin ko na ang sarili ko na isawalang bahala ang lahat ng may kinalaman sa mga bata. Dapat hindi ako ma-attach. I shouldn't. Para mas madali ko silang maiwan.

"Ikaw pa rin ang ina nila, Serra."

"Do you want to keep them?"

Hindi siya nakasagot.

"See? Even you don't wanna keep them."

Magiging sagabal lang sila sa mga plano ko. Sa plano kong paghihiganti kay Spike at sa pamilya niya. Pati na rin sa kapatid nitong si Welvorn na si Terese.

Ma-pride akong tao. Mataas ang tingin ko sa sarili ko. Dati ay hindi ako takot na mag isa because I know kaya ko. Because I know that my money can afford all the people I want to have. Pero ngayong inilugmok ako ng Diyos sa pinakaibaba, na walang-wala ako. I realized that It's okay to rely on someone. Na minsan pala kailangan rin natin ng tulong mula sa mga taong nag aalok ng tulong. Na hindi pala kailangang strong independent person tayo palagi. Hindi natin kailangang ipagpilitang ganoon. Kasi hindi ganoon ang buhay. We should have at least one person to survive in this uncertain world.

"Are you okay? Oh! I know you're not bakit pa ba ako nagtatanong?"

Napatingin ako sa screen ng laptop kung saan ka-video call ko si Miles. And you're lucky if you have someone. Just like me. I have Miles.

"Serra, hindi naman pwedeng d'yan ka lang hanggang sa makapanganak ka. Ano? Aasa ka kay Welvorn? E 'di ba nga kapatid niya ang dahilan kaya namatay ang dad mo?"

Nilingon ko ang pintuan ng kwarto ko. Buti na lang, wala si Welvorn at hindi niya narinig itong mga pinagsasasabi ni Miles.

"Oops, sorry! Andyan ba siya?"

Umiling ako.

"You're lucky he's not."

Napabuga siya ng hangin. "So ano na nga? Serra, kung nandito ka kasi you have the chance to get back to work. Hindi pa naman masyadong halata ang tiyan mo! We can hide that! We can work on that!"

Umiling ako. "Maybe I just have to try freelancing jobs or what! Or any sideline na makakatulong para hindi naman ako maging pabigat kay Welvorn."

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Siguro nga ang kapal na ng mukha ko para humingi ng tulong sa taong sasaktan ko din naman balang araw pero I have no choice. I need to live. Hindi ako pwedeng mawala sa mundong ito na hindi man lang nakakaganti. Kailangan ko silang isama lahat sa impyerno kung saan ang tungo ko.

"May alam ka ba sa freelancing? May ibang alam ka ba bukod sa pagiging model? I know you, Serra. Stop acting like you know everything, like you can do everything because we all know na hindi. Bumalik ka na lang dito. Kuya promised to take good care of you and the babies. Kaya dito ka na lang. Sumama ka na kay Welvorn pabalik dito."

"And then what? Hahayaan kong makita ako ni Spike d'yan?"

Sarkastiko siyang natawa. "At umaasa ka pa talagang pupuntahan ka niya matapos ka niyang palayasin?"

Hindi ako nakasagot sa kanya. No. Or maybe yes? I don't know. I am not expecting him to come to us and apologize, explaining things, saying that all of the things that just happened was a mistake. Na hindi niya sinasadya. Pero alam ko sa sarili kong pinapaasa ko lang ang sarili ko dahil maliwanag pa sa sikat ng araw na pinipili niya si Merila at ang pamilya niya kaysa sa amin. Na mas mahalaga ang manang makukuha niya sa pamilyang iyon kaysa sa amin. He was after the money and all the things Guillermo could offer. Wala akong gano'n. I have nothing to offer but my love. Iyong pagmamahal kong wala namang kayang gawin para sa kanya.

"I know it's hard but just move on, Serra. It was all part of your yesterday. Just think of it as a dream. Bumalik ka na sa totoo mong mundo. Dito. Sa Las Vegas."

"You know that I just can't think of it as a dream, right? Bitbit ko ang mga anak niya."

Marahan siyang bumuntonghininga. "If he doesn't want the children. Dalhin mo dito. Kuya Miller wants that, Serra."

Natulala ako't natahimik. Alam ko ang ibig sabihin ni Miles. But Miles and Miller were too good to me. Hindi ko kayang gamitin ang kabaitan nila para dito.

"The truth is... He wants to marry you pagkabalik mo dito. And it's fine with me, Serra. As long as masaya si kuya at masaya ka. Alam mo namang mahal na mahal ko kayong dalawa 'di ba? Kaya't kung iyon ang way para maging masaya kayong pareho then go! Just please bumalik ka na dito."

Malawak ang mundo. Miller is such a good man. And I don't think I deserve him.

Umiling ako. "I don't want him to get involved, Miles. Simula no'ng namatay si daddy naging masalimuot na 'yong buhay ko. Ayaw ko siyang madamay dito. Sapat na sa aking malamang may kakampi ako."

She sighed. "Kung kaya ko lang bumalik d'yan para kunin ka ginawa ko na."

Tipid akong ngumiti. "Mas kailangan ka ng mommy mo, Miles."

May stage 4 lymphoma ang mommy nina Miller at Miles at kasalukuyang nakaratay ngayon sa hospital. And was the reason why hindi ako mapuntahan ni Miles dito sa Pilipinas. I need her pero mas kailangan siya ng mommy niya.

"Please bumalik ka na lang dito, Serra. Mas mag aalala ako kung nandyan ka at hindi namin alam ang mga nangyayari sa 'yo. Iyon pa nga lang nalaman kong isang gabi kang palaboy-laboy sa kalsada ay hindi ko na kinaya. That Spike Guillermo! May araw talaga 'yang lalaking 'yan! Hayaan mo. Gaganti tayo ah? Gaganti tayo, Serra!"

Tumulo ang luha ko nang nakitang umiiyak na si Miles sa kabilang linya.

Tumango ako. "Uuwi na ako, Miles. Babangon ako... At babalik ako dito para gantihan sila."

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • Uncontrollable Desire   SPECIAL CHAPTER 02

    SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba

  • Uncontrollable Desire   SPECIAL CHAPTER 01

    SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki

  • Uncontrollable Desire   Wakas

    Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 100

    "What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 99

    Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 98

    I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status