FAZER LOGIN3 years ago...
"Handa na ang lahat. Naghihintay na lamang kami dito sa labas ng simbahan. Titirahin na ba namin agad?"
Umiling ako kahit pa hindi naman ako nakikita ni Yoko na nasa kabilang linya. "Malapit na ako. Hintayin niyo ako dahil gusto kong ako mismo ang titira sa babaeng 'yan."
"Copy," tugon nito.
Kababalik ko lang ng Pilipinas. Pagkatapak na pagkatapak ko pa lang ng NAIA ay dumiretso na agad ako dito para sa plano kong pagpatay kay Terese. Balita ko'y ikakasal na siya. Kaya nandito ako para i-congratulate siya at siguraduhing hindi siya magkakaroon ng happy ending.
Hindi ako makakapayag na maging masaya sila habang nandito ako't miserable dahil sa kagagawan nila. Hangga't nabubuhay ako, walang magiging masaya! Kung malungkot ako sa buhay ko ngayon, dapat ganoon din lahat ng mga nanakit sa akin. They don't deserve to be happy, neither I. All of us doesn't.
Ipinark ko ang sasakyan hindi kalayuan sa bukana ng simbahan. Pumwesto ako sa kung saan alam kong madali sa akin ang makita si Terese.
It was a fine and a beautiful day. Kulay asul ang kalangitan. And it was very clear. walang kahit anong senyales ng bagyong paparating. Tahimik kong pinanood ang mga taong labas pasok sa simbahan. Lahat sila may kasama. Lahat sila nakangiti at halatang masaya. I see people full of hope. People full of happiness. They enjoyed the views and each other's company. Hindi ko maiwasang ikumpara iyon sa sarili ko. I find it unfair. I find life unfair! May pinapaboran siya. Hindi lahat ng tao pipiliin niyang maging masaya. There are some, na gaya ko'y ibabaon niya sa pinakamababang parte ng mundo.
"Palabas na sila."
Agad na gumalaw ang mga mata ko nang narinig ang boses na iyon ni Yoko. Nakapalibot sa paligid ng simbahan ang mga tauhan niya. There are some na nakikita ko pero 'yong iba ay hindi ko sigurado kung saan nakatago. One thing is for sure... All of them are just waiting for my signal.
Isinuot ko ang shades ko at lumabas ako ng sasakyan with a gun on my left hand. As of this moment I have nothing to fear. Hindi ako takot at wala akong pakialam kung sakali mang may makakita sa akin dito. Hindi rin ako takot na baka hulihin ako ng mga pulis. Ganito pala 'yong pakiramdam no when you have nothing to lose. Hindi ka na nakakaramdam ng takot. Parang wala ka ng pake sa bukas. All that matters to you is what your goal for today.
Agad akong tumayo ng tuwid pagkakita kay Terese at Roiden. Ikinasa ko ang baril ko at ipinosisyon iyon. Itinutok ko kay Terese. Sinigurado kong tatamaan ko siya kahit na alam kong kung hindi ko man siya matamaan ay sigurado namang tatamaan siya ng mga tauhan ni Yoko. Pero bago ko pa man iyon mapaputok ay may nauna ng magpaputok at agad na tinamaan si Terese. Shit! Wala pang go signal ko pero bakit gumalaw na sila?
Agad kong inilibot ang paningin ko sa paligid. Hinahanap ko kung sino ang walangyang nang agaw ng eksena ko. Pero sunod-sunod na ang pagpapaputok ng mga tauhan ni Yoko kaya hindi ko na alam kung sino pa sa kanila ang nauna.
Pumasok ako sa loob ng sasakyan. Kunot noo at tiim bagang kung pinanood si Terese na ngayo'y pinoprotektahan ni Roiden. Aww! Her knight and shining armor is making her safe. Tingnan lang natin kung makakaya niyong takasan ang mga tauhan ni Yoko.
Sinusundan ko ng tingin sina Roiden at Terese nang nahagip ng paningin ko sa di kalayuan sa kanila ang isang babaeng umiiyak habang may hawak-hawak na baril sa kanyang kamay. And by the looks of it, siya ang nakatama kay Terese. She's the scene stealer. Terese's bestfriend, Gwyneth.
Napangisi ako. "Now look at that... Hindi lang pala ako ang may galit sa iyo, Terese Flores!"
This just proves na masamang tao nga itong si Terese. Kasi kung mabuti siyang tao, walang may galit sa kanya, walang magtatangka sa buhay niya. Pero Marami... Maraming gaya ko. Gaya kong galit at gustong pumatay sa kanya.
Binuhay ko ang makina ng sasakyan at agad itong minaniobra nang paharurutin ni Roiden ang sasakyan nila paalis ng lugar. Sinundan ko sila. I just wanna make sure na talagang napatay si Terese ng kaibigan niyang si Gwyneth.
"Terese's friend. Si Gwyneth. Gusto kong ligpitin mo siya, Art. Kamuntikan na niyang patayin ang mag i-ina ko."
Naabutan ko si Roiden sa labas ng operating room na may kausap sa telepono. And he was calling his mafia friend, Art. Naikuyom ko ang mga kamao ko. Fucking Pundales! And wait, mag i-ina? Is Terese Flores pregnant?
"Yes... Salamat pero wala ako sa mood magdiwang. Nasa emergency room siya dahil nabaril. At alam kong kagagawan iyon ng Gwyneth na iyon. Kaya sinasabi ko sa iyo. Patayin mo na! Kapag hindi mo napatay, ako ang papatay!"
Sarkastiko akong natawa at napailing na lang. Alam na niya agad na si Gwyneth. So may issue nga between Terese and her bestfriend. Bakit hindi ko alam 'yon? Kung alam ko lang, edi sana hindi na ako umuwi pa dito sa Pilipinas para lang patayin siya. Tumalikod ako at lumabas ng hospital. I called Yoko and made sure na malinis ang naging trabaho nila.
"Asan ka ba?" Yoko asked.
"Nasa hospital," tipid kong sagot.
"Putcha naman, Serra! Anong ginagawa mo d'yan? Ipapahamak mo ba ang sarili mo? Umalis ka na d'yan! Ngayon din! Magpapadala ako ng mga tao d'yan para siguraduhing patay na siya."
Agad akong napabuntonghininga ng malalim. "You think I'm bobo enough para gawin 'yon? At hindi na kailangang magpadala ng tao. I'm already here."
"You have to fly back to Las Vegas ASAP, Serra! You'll missed your flight if you'll going to stay there. Ako na ang bahala. I'll make sure Terese Flores won't survived this."
"Kakatapak ko lang ng Pilipinas 'di ba? Mamaya pa ang flight ko pabalik."
Yes! I booked a same day ticket paalis at pauwi ng Las Vegas. Kasi wala naman talaga akong balak magtagal. Si Terese lang naman talaga ang inuwi ko dito.
I took a deep sigh. Hindi ko pa alam kung gaano kalalim ang tama o kung saang banda tinamaan si Terese. All I know was hinimatay siya kanina. And she's pregnant. Fuck!
"Yoko, she's pregnant."
"What?"
"She's pregnant! She's pregnant, Yoko! Buntis siya!"
"And so?"
"Anong so? Ibig sabihin lang nito idinamay natin ang bata!"
"And that doesn't concern you, Serra."
Hindi ako nakasagot kay Yoko. I am just distressed by the fact that she's pregnant. And I might be one of the reasons that the baby won't see the world.
"You didn't kill the baby, Serra. You just killed the mother. Si Terese mismo ang pumatay sa anak niya."
"I didn't kill her either. I am not the one who shoot."
"What? Anong ibig mong sabihin? Hindi ikaw ang bumaril? Hindi ikaw ang nagbigay ng go signal sa amin?"
"Terese's bestfriend did."
SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba
SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki
Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi
"What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang
Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam
I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose







