Compartilhar

Kabanata 74

Autor: Shinzanzou
last update Data de publicação: 2026-08-18 22:41:35

Agad kong narinig ang halakhak niya sa kabilang linya. "So, you're saying na may iba pang galit kay Terese maliban sa 'yo? Aba! Matindi din pala ang babaeng 'yon kung ganoon!"

"Tss! Anong klaseng tauhan meron ka at hindi mo nalaman 'yon? Pati 'yong pagbubuntis niya."

"E, malay ko bang pati 'yon kailangang kong alamin. E, ang utos mo lang naman sa akin ay ihanda ang mga tauhan ko para sa araw na ito."

Umiling ako. Dapat kasali na 'yon. Dapat ay alam niya kung may iba pang nakaplano sa araw na 'yon. Ayan tuloy at may nauna pa nga sa aking bumaril kay Terese.

May biglang huminto na pamilyar na sasakyan sa entrada ng hospital. Kumunot ang noo ko nang nakita 'yon. Hindi rin katagalan ay nakita kong bumaba si Sebastian mula sa driver's seat. Umikot siya at pinagbuksan ang kung sino mula sa back seat. Ganoon na lang ang pagkabog ng dibdib ko nang nakita ang paglabas ni Merila. Sunod na lumabas sa kanya ay ang isang batang babae na siguradong kaedad lang ng triplets ko. Kasabay niyon ang paglabas ni Spike Mula sa kabilang p***o.

Agad akong napahawak sa dibdib ko. Ramdam ko ang agad na pagkirot niyon.

"Bumalik ka na dito para makapagpahinga ka, I'll take care of the rest, Serra," rinig kong sabi ni Yoko sa kabilang linya. Hindi ako nakasagot sa kanya. He keeps calling my name pero hindi ko siya magawa-gawang sagutin gayung naiwan ang buong atensyon ko kay Spike at sa batang karga-karga niya.

"Hospital Ninang Terese, daddy?"

"Yes, baby. Something happened to your Ninang Terese so we're going to visit her," tugon ni Spike sa bata.

Nakagat ko ng mariin ang ibaba kong labi. Gusto kong lumipat sa labi ko 'yong nararamdaman kong sakit sa dibdib ko. Pero bakit ganoon? Kahit anong diin ko na halos nalalasahan ko na 'yong dugo dahil sa sugat ay naroroon pa rin sa dibdib ko ang sakit. Ayaw lumipat.

"She okay? Baby okay?"

"The doctor's will make sure Ninang Terese and her baby were okay, Aila. We don't have to worry about them," nakangiti namang sambit ni Merila.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit at sakit sa paraan ng pagtingin ni Spike sa batang babae. Puno iyon ng pagmamahal. Malayo sa alam kong paraan ng pagtitig ni Spike sa kahit na sino. And his smiles... It was genuine.

Naikuyom ko ang kamao ko. Akala ko si Terese lang ang nais kong patayin dito sa Pilipinas. Pero pakiramdam ko ngayon, gusto ko na ring patayin si Spike kasama ang pamilya niya.

"Serra! Serra, nakikinig ka ba sa akin?"

Pinatay ko ang tawag at tumalikod na ako upang umalis. I need to rest. Kailangang kong magplano. Ipaghihiganti ko ang mga anak ko. Kung wala ang tatay nila sa kanilang tabi, Wala ring kahit sinong bata ang makakatanggap ng pagmamahal mula sa tatay nila.

Paalis na sana ako pero nahinto ako nang narinig ang boses ng mga bagong dating.

"Anong nangyari sa anak ko?! Anong ginawa nila sa anak ko?!" umiiyak na sambit ng babaeng sigurado akong nanay ni Terese.

Lumingon ako at nakitang marami ang dumating. Naroon si Dwayne at Lumina, si Art Griego, si Zoren Russell, ang pamilya ni Terese... Ang kapatid niyang si Irene kasama ang daddy nila at...

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa aking nakita. The woman who's been crying who I assumed her mother... Is also my mother!

"Ano ba kasing nangyari? Bakit may pamamaril?" tanong ng daddy ni Terese sa mga kaibigan ni Roiden."

"Kasalukuyan pa pong nag iimbestiga ang mga pulis," sagot ni Zoren.

"My men were also there. Balitaan ko kayo kapag may update na," ani Art.

"Puntahan na natin ang anak natin, Rupert," Puno ng pag aalala ang boses ni mommy.

Sunod-sunod ang naging paghinga ko ng malalim. Pinipilit kong maging maayos pero para akong mahihimatay. Kusang bumuhos ang mga luha ko. Pinilit kong alisin ang mga 'yon, pero napapalitan lang din ng bagong luha. Pilit akong tumayo ng tuwid pero sobrang nanghihina ako.

"Hindi ka dapat nagpapabasa sa ulan, baka magkasakit ka. Makakasama sa anak natin."

Ang linyang iyon ng lalaki ni mommy. Ibig Sabihin si Terese ang binubuntis niya no'n? Ang kabit ni mommy... Ay ang daddy nina Terese?

Ang pagkamatay ni daddy... May kinalaman ba si mommy at ang daddy ni Terese dito? Ibig bang sabihin, hindi lang si Terese ang may kasalanan? Pinagplanuhan nilang lahat ang pagkamatay ni daddy?

Naitakip ko ang aking mga kamay sa aking bibig. Kumakawala ang hikbi ko. Kagatin ko man ang labi ko ay talagang nagsisimulang mag ingay ang pag iyak ko.

"D-daddy..."

Papasok na silang lahat sa hospital nang nalingunan ako ni Spike. Nagpang-abot ang aming mga mata. Nakita niya ang pag iyak ko. And all the expression I receive is the cold expression he used to give me. Nothing's new. Ganoon pa rin. Hindi ako nag iwas ng tingin. Nanatili akong nakatitig sa kanya. Siya itong nag iwas at tuluyang pumasok ng hospital.

Wala na nga siyang pake. E, ano naman? Umaasa pa rin ako?

"Serra?"

Napalingon ako sa bagong dating na si Welvorn. Agad siyang tumakbo palapit sa akin nang magpang abot ang aming mga mata.

"What are you doing here? What happened to you? Why are you crying?"

Galit ko siyang tinitigan. Inalis ko pa muna ang mga luhang nagkalat sa aking pisngi bago ako huminga ng malalim.

"Tell me... Are you also an accomplice?"

Kumunot ang noo niya. "Accomplice? Accomplice of what?"

"Pinatay niyo si daddy!"

Nanlaki ang mga mata niya. "Serra, what are you talking about?"

"Kayo ng pamilya mo! Pinagplanuhan niyo ang lahat ng ito. Pinatay niyo si daddy para tuluyan niyong maangkin ang mommy ko!" iyak ko habang hinahampas-hampas siya ng mga kamao ko na sinasangga niya naman.

"Serra, hindi kita maintindihan."

"Mommy ko 'yon! Mommy ko 'yong nandoon!"

Naibaba ko ang mga kamay ko. Tuluyan nang nanghina ang mga tuhod ko at napaupo ako sa semento.

Niyakap niya ako. "Serra..."

"Inagaw niyo sa akin ang mommy ko," hagulgol ko.

"What are you..."

"Mommy ko 'yon, Welvorn! Mommy ko 'yong umiiyak at nag aalala para sa kapatid mong si Terese! Inagaw niyo siya sa akin!"

Sobrang sikip ng dibdib ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Naalala ko kung paano akong nabasa ng ulan at nilagnat noon mahabol lang si mommy at magmakaawang huwag niya akong iwan. Naalala ko kung paano bumagsak ang mundo ko no'ng iwan niya ako at pabayaan ako ni daddy. Naalala ko ang mga araw na binibilang ko habang naghihintay sa pagbabalik niya pero hindi nangyari. Ang masakit lang ay ganoon siya kung mag alala kay Terese samantalang ako ay tila ba hindi na niya naaalala.

"Serra..."

"Walang araw na hindi ako umasang babalikan niya ako. Araw-araw gigising ako na laging siya ang inaasahan kong bubungad sa akin pagmulat ko ng mga mata ko. Pero ipinadala na lamang ako sa Las Vegas ni daddy ay hindi pa rin siya umuwi. Kaya pala. Kaya pala hindi na siya nakabalik kasi may iba na siyang pamilya. Winasak niya 'yong pamilya namin para mabuo 'yong pamilya niyo!"

"Serra, hindi ko alam."

"Sinira niyo 'yong pamilya ko! Sinira niyo 'yong buhay ko! Kayo ang dahilan ng lahat ng mga miserableng nangyari sa buhay ko! Kasalanan niyo 'to! KASALANAN NIYO LAHAT NG ITO!"

Tumayo ako't agad na tumakbo papasok sa sasakyan ko. Nagmadali agad ako sa pag alis. Habang nasa daan ay pilit kong kinakalma ang sarili ko.

"Serra! What happened? Bakit mo ako pinatayan ng tawag kanina?" bungad agad sa akin ni Yoko nang sagutin niya ang tawag ko.

"Yoko..."

"Ano?"

"Patayin na natin silang lahat."

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • Uncontrollable Desire   SPECIAL CHAPTER 02

    SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba

  • Uncontrollable Desire   SPECIAL CHAPTER 01

    SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki

  • Uncontrollable Desire   Wakas

    Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 100

    "What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 99

    Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 98

    I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status