FAZER LOGIN"Ano? Anong nangyari?"
Agad akong sinalubong ni Yoko pagkarating ko ng mansyon niya. Agad rin akong nilingon ng mga tauhan niya at kahit pa hindi sila lumapit ay sigurado naman akong nakikinig sila at interesado sa kung anumang sasabihin ko.
"Make a new plan. Let's kill everyone. I want all the Guillermo's and Flores's dead."
"Why? Ano ba kasing nangyari? Bakit nadamay pati ang mga Guillermo? Akala ko ba si Terese Flores lang ang nais mong patayin?"
"I found out na hindi lang si Terese ang pumatay Kay daddy. Pinagplanuhan pala talaga 'yon ng pamilya niya. They want my daddy dead so they can have my mother. Let's give it to them. Hayaan natin silang magsama-sama. Iyon nga lang sa impyerno na."
"And what about the Guillermo's?"
"Theirs is a different story." I give him a cold stare. "Sundin mo na lang ang inuutos ko."
Sumimangot siya. "Makautos. Akala mo naman malaki binabayad. Discounted na nga kasi mahal, nagdadagdag pa ng trabaho," pabirong reklamo niya habang naglalakad palayo sa akin.
Right. I have three men chasing me pero bakit si Spike pa rin lagi ang gusto ko? Bakit hanggang ngayon siya pa rin? Dalawang taon na ang nakakalipas pero mahal ko pa rin. Ganito ba talaga kapag unang beses na nagmamahal? Ang sakit makitang masaya siya. Doon pa sa babaeng ayaw ko. Ang sakit makitang masaya siya kasama ang anak nila samantalang 'yong mga anak namin ay itinakwil niya't ayaw kilalanin.
Isang mahigpit na yakap ang naramdaman ko mula kay Yoko.
"Magiging maayos din ang lahat, Serra. Handa akong ipaghiganti ka sa kanila hanggang sa maging masaya ka. Shh... Kaya tahan na..."
Doon ko lang nalamang bumubuhos na naman pala ang mga luha ko. Pang ilang iyak ko na ba ito? Simula no'ng bumalik ako ng Las Vegas kasama si Welvorn ay hindi na ako matigil-tigil sa pag iyak. Sa buong panahon na ipinagbubuntis ko ang mga anak ko ay lagi na lang pag iyak ko ang naririnig nila. Makailang beses akong pabalik-balik ng hospital kasi pilit kong sinusubukang ipalaglag ang mga bata pero pilit din silang kumakapit. Now, I feel sorry for them. Kasi Hindi kumpleto ang pamilya namin. Welvorn and Miller even Yoko offered to be their father pero ako itong ayaw. Bakit? Kasi ang totoo, sa kailaliman ng puso ko umaasa akong pagbalik ko dito ay naghihintay lang sa amin si Spike. Umaasa akong mahal niya rin ako at bubuuin namin ang pamilya namin. Pero hindi. Umasa lamang ako sa wala. Ang tanga ko para umasa at isipin ang mga bagay na 'yon.
"Pare-parehas lang silang lahat. Lahat sila iniwan ako para sa iba."
"Nandito ako, Serra... Nandito ako. Sabi ko naman Kasi sa iyo ako na lang."
Hindi ako sumagot at tanging pag iyak lang ang ginawa ko. Kailan ba matatapos ito? Kung magiging maayos din ak, bakit hindi ngayon? Bakit kailangan ko pang maghintay ng matagal para lang makalimutan ang sakit?
Kinausap ko si Miles at sinabing hindi ako agad na makakabalik ng Las Vegas. Nag tanong siya kung bakit pero hindi ko siya mabigyan ng sagot. Ayaw kong ipaalam sa kanya ang tungkol kay mommy at sa bago nitong pamilya. Ni hindi nga niya alam ang totoong dahilan kung bakit ako umuwi dito sa Pilipinas. Ang alam lang niya ay inaayos ko ang iniwang kompanya ni daddy.
Magkabilaang tunog ng mga sasakyan ng bumbero at sigaw ng mga kapitbahay ang naririnig ko habang palaki nang palaki ang apoy sa bahay ng mga Flores. Nakatayo ako sa gilid ng sasakyan ko kaharap mismo ang bahay nila. Gusto kong saksi ako sa unti-unting pagkatapos ng lahat ng ito.
Matagal ang naging pag responde ng mga bumbero kaya pagkarating nila ay malaki na ang apoy.
"Malinis ang pagkakatrabaho nila, Serra," mahinang sabi ni Yoko sa tabi ko.
Tumango ako.
"Magaling."
Napagalaman kong buhay si Terese at nadaplisan lang pala siya ng bala kaya siniguro kong nandito siya mismo sa bahay na ito para magkakasama silang aalis.
"Sana lang buhay pa sila," narinig kong sabi ng isa sa mga kapitbahay nila.
Napaayos ako ng tayo nang nakitang isa-isang inilalabas ng rescuer ang mga tao sa loob. They were having a family dinner kaya sigurado akong lahat sila mamamatay ngayon. Pero bakit isa-isa silang lumalabas?
Napatingin ako kay Yoko. "Akala ko ba?!"
"Shh! Huwag kang papahalata," bulong niya.
"Palpak!" Iritado kong sambit saka muling nilingon ang naglalakad palabas na si Terese kasama ang ate niya at asawa't anak nito.
"Sandali. Bakit wala si mommy at daddy?!" ani Terese nang nalingunang wala ang mommy at daddy niya sa kanilang likuran.
"Nakasunod sila sa atin kanina," sabi naman ni Irene.
Naikuyom ko ang mga kamao ko. Hindi ko alam pero ramdam ko ang makailang beses na pagkabog ng dibdib ko.
"Ate, si mommy at daddy!" umiiyak na tawag ni Terese sa ate niya.
Napapalunok ako. Hindi ko alam pero unti-unting namumuo ang mga luha sa mga mata ko.
Napalingon ako sa mga sasakyang bagong dating. Nagmamadaling lumabas doon sina Welvorn, Roiden, Art at Spike. Bakit nandito na naman siya? Oo at kaibigan siya ni Roiden pero bakit lagi siyang naroroon kapag may nangyayari? At si Welvorn. Bakit nandito siya at wala sa loob ng bahay?
"Anong nangyari? Bakit nasusunog ang bahay natin?! Si mommy at daddy?" ani Welvorn.
Umiling si Irene. "Nasa loob pa sila."
"Ayos ka lang?" tanong ni Roiden kay Terese.
"ANO?!" si Welvorn na puno ng pag aalala. Agad siyang tumakbo papasok ng bahay kahit pa malaki pa ang apoy.
"KUYA/WELVORN!" sabay na sigaw ni Irene at Terese. Pero hindi napigilan ng mga sigaw nila si Welvorn. Tuloy-tuloy itong pumasok sa nasusunog na bahay.
"Anong... Anong nangyari kasi bakit nagkasunog?" tanong ni Roiden.
Umiling si Terese. "Hindi namin alam. Bigla na lang napalibutan ng malaking apoy ang bahay."
Nalingunan ako ni Art at agad na itinuro.
"Oh!" aniya sabay lingon kay Spike.
"Serra, umalis na tayo," bulong ni Yoko sabay hawak sa siko ko.
"Hindi."
"Serra!" ani Yoko.
Kunot-noo rin akong tiningnan ni Roiden. Maging si Terese at Irene ay napatingin na rin sa akin.
"Hindi ako aalis hangga't hindi ko nakikitang wala na ang mommy ko, Yoko!"
"Serra? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Roiden na ngayo'y lumalapit na sa akin.
Hindi ko alam kung bakit siya naman itong lumalapit at nagtatanong pero lumalagpas ang paningin ko kay Spike na nasa likuran niya. Pero hindi tulad no'ng sa hospital na walang emosyon niya ako kung tingnan, ngayon ay nag aapoy sa galit ang mga mata niya.
SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba
SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki
Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi
"What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang
Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam
I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose







