Share

Kabanata 76

Author: Shinzanzou
last update publish date: 2026-08-19 04:53:04

"MOMMY! MOMMY!"

Hindi ako nabigyan ng pagkakataong sagutin si Roiden dahil binulabog na kami ng iyak ni Welvorn. Agad na tumakbo sina Irene at Terese, sinasalubong ang papalabas na sina Welvorn. Maging ako ay naitutok ang buong atensyon doon. Umiiyak ang daddy nila habang sugatan. Si mommy ay natatabunan ng basa't puting tela sakay ng stretcher. Binuksan iyon ni Terese at agad siyang nanghina nang nakita ang sunog na katawan ni mommy.

Agad na bumuhos ang mga luha ko.

"Anong ginawa mo?" Agad akong napaangat ng tingin kay Spike na hindi ko namalayang nakalapit na pala sa akin.

"Serra, let's go," ani Yoko.

"Tinatanong kita. Anong ginawa mo?"

"Pinagbibintangan mo ba siya? Serra, sumakay ka na sasakyan."

Hindi ko siya pinansin at sumunod ako sa sinabi ni Yoko. Nilagpasan ko siya't sasakay na sana ako sa sasakyan nang biglang may humawak sa kamay ko't sinampal ako ng pagkalakas-lakas nang lingunin ko kung sino. Akala ko ay si Spike pero si Terese pala.

"Pinatay mo si mommy!"

"Terese!" agad na awat Roiden.

"PINATAY MO SI MOMMY! PINATAY MO SIYA! IKAW ANG SUMUNOG SA BAHAY NAMIN!" umiiyak na sigaw ni Terese habang itinuturo ako.

"Serra, totoo ba?"

Napalingon ako kay Welvorn na ngayo'y umiiyak habang naglalakad palapit sa akin. Nanghihina siya't nang makalapit ay inilagay niya ang dalawa niyang kamay sa magkabila kong balikat.

"Bakit nandito ka? ANONG GINAGAWA MO DITO?!" sigaw niya habang niyuyogyog ako. "DENY IT, SERRA! I-DENY MO 'YONG BINIBINTANG NI TERESE!"

"Fuck! Serra, pumasok ka na," si Yoko na ngayo'y nasa loob na ng sasakyan at hinihintay na lang akong makapasok upang makaalis na kami.

"Please... Sabihin mong hindi ikaw ang may kagagawan nito. Sabihin mong hindi ikaw ang pumatay sa sarili mong Ina. Serra, please!" Yumuyuko siya, umiiyak. Bakas ang pagmamakaawa sa kanyang boses. Lahat ng lakas niya ay naroroon sa balikat ko.

"Pasensya na..." Agad siyang nag angat ng tingin sa akin nang sabihin ko 'yon.

"Bakit humihingi ka ng pasensya?"

Kinagat ko ang labi ko. Sunod-sunod na bumagsak ang mga luha ko pero hindi ko 'yon pinansin. Sinalubong ko ang mga titig ni Welvorn sa akin. Wala pa man akong idinadagdag sa mga sinabi ko ay nagsisimula nang mamuo ang galit sa kanyang mga mata. Alam na niya agad. Naghihintay lang siya ng kompirmasyon.

"Binabawi ko lang 'yong dapat na sa akin, Welvorn."

Agad siyang bumitaw sa akin. "FUCK! AHHHH!"

Muli akong sinampal ni Terese. Habang si Irene ay sumisigaw na ng iyak. Napahagulgol ako. Wala ito sa plano. Hindi ko alam kung paano nila akong napaiyak ng ganito.

"FUCK YOU, SERRA! FUCK YOU!" sigaw sa akin ni Welvorn.

"Putangina!" rinig kong mura ni Spike na nasa tabi ko.

Lumabas na sa sasakyan si Yoko at pilit akong hinihila pero nanatili ako sa kinatatayuan ko.

"What do you expect me to do, Welvorn! Ha? Pagkatapos kong malaman na ang taong dahilan ng pagkamatay ni daddy ay masayang kapiling ang mommy ko. Anong gusto mong gawin ko? Hayaan kayong maging masaya?!"

"KAHIT NA! WALA KA PA RING KARAPATANG GAWIN ITO!"

"HINDI KO PINATAY ANG DADDY MO!" sigaw din ni Terese.

"Ilang taon akong naghintay sa mommy ko. Ilang taon akong mag isa! At dahil 'yon sa inyo! DAHIL SA INYO! KINUHA NIYO NA NGA SI MOMMY! KINUHA NIYO PA PATI SI DADDY! KINUHA NIYO NA LAHAT SA AKIN! BUMABAWI LANG AKO!"

Umamba si Terese ng sampal sa akin pero agad na nasalo ni Spike ang kamay niya. "Roiden, buntis ang asawa mo. Ilayo mo na."

Umalis si Welvorn at nagtungo sa sasakyan niya. Si Irene naman ngayon ang lumapit sa akin. Akala ko ay sasampalin niya rin ako pero niyakap niya ako.

"I'm sorry... I'm sorry if it happened to you. Pero mali ka, e. Mali na ginawa mo 'to. Mali na pinatay mo 'yong taong matagal ring naghintay ng pagkakataon para makasama ka."

Kumunot ang noo ko. "A-anong..."

Halos mapatalon ako sa gulat nang malakas na ibinagsak ni Welvorn sa harapan ko ang isang malaking kahon. Agad na kumalat ang mga piraso niyon at ang mga lamang napakaraming papel.

"Basahin mo. Tapos saka mo sabihin sa amin kung tama ka ba sa ginawa mong ito. Saka mo sabihin kung ikaw lang ba 'yong nagdudusa, Serra."

Ilang sandali akong nakayuko habang nakatitig sa mga papel na 'yon. Sa isang linya, to be exact.

'Kahit sobrang tagal... hihintayin kita, anak.'

Parang ayaw kong basahin. Dahil sa isang linyang 'yon pa lang ay sunod-sunod na ang pagbagsak ng mga luha ko.

"Hindi ka niya iniwan, Serra. Itinago ka ng daddy mo mula sa kanya."

Unti-unti akong nag angat ng tingin sa stretcher kung saan umiiyak ang daddy nila habang yakap-yakap si mommy.

"Makailang beses niyang sinubukang puntahan ka pero laging nakahadlang ang daddy mo. Naghihintay lang din siya ng pagkakataon na makita at makasama ka. Kaya kita hinanap, Serra. Alam mo ba kung anong nangyayari sa loob, Serra? They were having a family dinner, they were at dinner talking about and waiting for you. Kasi tumawag ako sa kanila. Sabi ko nahanap na kita. After a chain of hotels na pinagtanungan ko kung naka check in ka ba doon, finally alam ko nang na kina Yoko ka lang. Pero..." Hindi na niya natapos ang sinasabi niya dahil hindi na niya nakayanan at napahagulgol na siya ng iyak.

Napaluhod na rin ako't humagulgol na. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung hihingi ba ako ng tawad. O hahayaan kong saktan nila ako kasi deserve ko naman. Pagkatapos ng mga nalaman ko, kahit ako hindi ko kayang patawarin ang sarili ko.

Anong ginawa ko? Paano ko nagawa ito?

"M-mommy..."

"Anong nangyari sa iyo? Bakit punong-puno ng galit ang puso mo? Asan na 'yong babaeng minahal ko, Serra?!" ani Welvorn.

Umiling ako. Hindi ko rin alam. Inamin niya sa akin noon na siya ang lalaking nakatira sa katabi ng condo ko noon na naka-one night stand ko. Na buong akala ko ay si Spike. Inamin niya rin sa aking mahal niya ako noon pa.

"Marami naman kaming nagmamahal sa iyo. Bakit hindi mo makita 'yon? Bakit ka nagkakaganyan? Anong ginawa mo sa sarili mo? Pasensya na, Serra pero kailangan mong pagbayaran ito. Kahit mahal kita, ipapakulong kita."

Tumango ako. Ayos lang. Ayos lang kung magdusa ako sa kulungan. Dahil alam kong kahit ang pagkakakulong ay hindi sapat na kabayaran sa kasalanang nagawa ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Uncontrollable Desire   SPECIAL CHAPTER 02

    SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba

  • Uncontrollable Desire   SPECIAL CHAPTER 01

    SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki

  • Uncontrollable Desire   Wakas

    Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 100

    "What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 99

    Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 98

    I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status