Mag-log inSeptember 20, 2016
Today is your birthday, my princess. Kumusta ka na? Miss mo na ba si mommy? Ako kasi, sobrang miss na miss na kita, anak. Sana payagan na ako ng daddy mo na makita ka no? Kahit isang beses lang. Kahit sa malayo lang. May regalo kasi ako sa iyo. Ginawan kita ng crochet cardigan na lagi mong nire-request sa akin noon. Pasensya ka na, anak ha kung ngayon na lang ulit kita nagawan. Masyado kasing busy si mommy noon sa pag alalay sa daddy mo. Alam mo naman 'yon 'di ba? Kailangan ako lagi ng daddy mo lalo na sa kompanya natin. Pero ngayon , anak Marami na akong oras. Kahit na ubusin ko sa iyo lahat ng 'yon ay ayos lang. Lagi mong tatandaan ha na mahal na mahal ka ni mommy. Walang araw na hindi kita iniisip.
September 21, 2016
Hindi ako pinayagan ng daddy mo na makita ka kahapon sa birthday mo pero ayos lang 'yon, anak. Balang araw magkikita din tayo. Ibinilin ko sa guard na ibigay sa iyo ang regalo ko. Sana natanggap mo. At sana ay magustuhan mo 'yon, Serra. I miss you so much.
November 03, 2016
Nakita kita sa wakas, anak. Ilang oras akong naghintay sa labas ng gate ng school niyo. Pero ang bilis mo namang nakasakay sa sasakyan. Tinawag kita pero hindi mo ako narinig. Pero ayos lang 'yon. Marami pang araw na darating. Marami pa akong chance na mayakap ka.
December 24, 2016
Merry Christmas, anak! Natanggap mo ba 'yong pinadala kong regalo? Bagong labas na bag 'yan ng Soppi. Limited edition 'yan at dalawa lang ang maroon dito sa Pilipinas. And guess what... I bought the two para sa ating dalawa. Para twinning tayo. Di ba gusto mo 'yon?
January 01, 2017
Kumusta ang salubong mo sa bagong taon, anak? Sana masaya ka. Kasi masaya rin ako sa tuwing naiisip ko na masaya ka. Bagong taon na naman. Bagong taon na hindi kita kasama. Sobrang nami-miss na kita. Gustong-gusto ka ng yakapin ni mommy.
August 28, 2017
Lumipat ba kayo ng bahay? Bakit parang wala ng tao lagi sa bahay natin? Wala na rin ang school driver mo? Lumipat ka ba ng school? May ibabalita ako sa iyo, anak. May kapatid ka na! Terese ang ipinangalan ko. Remember what you told me before when I asked you if you would have a little sister, what would you wanna name her? And then you told me Terese because you found out that it has something to do with Summer since you love summer so much. Iyon ang ipinangalan ko because I hope na you'll also love her as much as you love summer.
October 05, 2018
Kung kaya ko lang bilhin ang oras ay binili ko na. Ilang taon na kitang hindi nakikita, anak ko. Halos mabaliw na si mommy kakaisip kung kumusta ka na. Kung kumakain ka ba sa tamang oras. Kung sino-sino ang mga kasama mo. Balita ko ay matagal na pala kayong lumipat ng bahay. Galit na galit ako sa daddy mo. Bakit kailangan ka niyang itago sa akin? Anak din naman kita ah? May karapatan din naman ako sa iyo. Kung kaya lang kitang ilaban sa korte ay ginawa ko na. Gustong-gusto kong kunin ang kustodiya sa iyo, anak. Pero hindi ko magawa kasi iniisip kita. Alam kong masasaktan ka kapag inilayo kita sa daddy mo. At ayaw kong gawin sa iyo, 'yon. Ayaw kitang saktan. I know how daddy's girl you are. I know how much you love your dad. Kaya siguro ay maghihintay na lang ako kung kailan ako mabibigyan ng pagkakataon na makasama ka. Mahal na mahal kita, anak.
"Water?"
Mula sa binabasa kong sulat ni mommy ay naglipat ako ng tingin sa isang baso ng tubig na nasa harapan ko. Nagpunas pa muna ako ng mga luha bago ko 'yon tinanggap at ininom.
Naupo si Spike sa single sofa na kaharap ng sofang inuupuan ko. Kunot na kunot ang noo niya habang tinitingnan akong umiinom ng tubig. At nang ibaba ko ang baso ay Doon lang siya tumuwid ng upo.
"Why did you do it?" agad niyang tanong sa akin.
"Yoko said I didn't," simple kong tugon.
Pursigido si Welvorn na ipakulong ako. At ayos na ayos lang sa akin 'yon. Tanggap na tanggap ko kung anuman ang mga susunod na mangyayari. Handa akong magbayad sa mga naging kasalanan ko. Pero inako ni Yoko ang lahat. Sinabi kong ako ang nag utos pero iginiit niyang hindi. Sa tulong din ni Spike ay napaniwala nila ang mga pulis na wala akong kinalaman sa nangyaring sunog. At hindi ko alam kung paano nila nagawa 'yon. But one thing I am sure of... Money was involved.
Ngayon ay hindi ko rin alam kung bakit nandito ako sa loob ng condo niya. Masyado siguro talaga akong wala sa isip kanina kaya hindi ko na alam kung anong mga pinanggagagawa ko.
"We both know that you did it, Serra. Pati doon sa nangyaring shooting sa simbahan last week... Ikaw din ang may pakana no'n 'di ba?"
Inilapag ko ang baso sa center table pati ang kahon na naglalaman ng mga sulat ni mommy para sa akin.
Huminga ako ng malalim. "I didn't ask for your help, Spike..." Sarkastiko akong napangisi. "Bakit mo ako dinala dito? Aren't you afraid na baka malaman ng asawa mong nandito ako? I'm sure magkakagulo na naman."
"There's nothing to be afraid of, because I'm already talking to my wife."
Sandali akong natigilan sa naging sagot niya. Anong ibig niyang sabihin? Was he talking about me?
Muli kong kinuha ang kahon at saka tumayo na. I don't know what went wrong with me earlier pero natauhan na ako. I shouldn't be here!
"Sinabi ko na 'di ba? Hindi si Terese ang may kasalanan kaya namatay ang daddy mo."
"Pwede ba, Spike huwag kang makialam sa gulo ng buhay ko."
"Kung ayaw mong makialam ako, huwag kang gumawa ng gulo. I already prepared your private plane. Bumalik ka na ng Las Vegas ngayon din."
Agad na tumaas ang isa kong kilay. "Anong karapatan mong mag desisyon para sa akin?"
"You have your kids waiting for you, Serra. You can't stay away from home for too long."
My eyebrows furrowed. How could he talk about my kids?! Anong karapatan niyang ipaalala sa akin ang mga anak ko?
"You don't tell me what to do, Spike. Wala kang karapatang pangunahan ako sa mga desisyon ko sa buhay ko o sa mga anak ko. Because we're completely strangers to each other."
He smiled. Hindi pilit o peke. Totoong ngiti. "Paano tayo naging estranghero sa isa't-isa? E, asawa kita."
SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba
SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki
Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi
"What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang
Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam
I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose







