Compartir

Kabanata 87

Autor: Shinzanzou
last update Fecha de publicación: 2026-08-19 05:48:53

"Hindi kami ang pamilya mo, Spike. Kaya bakit kami idadamay? Hindi ba't si Merila na ang asawa mo? Tsaka bakit ka papatayin? Anong nagawa mo?"

"Serra, I'm sorry..."

I shook my head. "Ayaw ko ng sorry mo. Sagutin mo 'yong mga tanong ko. Anong ginawa mo para may magbanta sa buhay mo? At bakit kami idadamay? Nananahimik kami ng mga anak ko!"

Kinagat niya ang labi niya. Tinititigan niya ako na puno ng pagmamakaawa ang kanyang mga mata.

"Spike, kukunin ko na ang mga anak ko. Ilalayo ko sila dito, sayo!" sabi ko saka ako tumakbo palabas ng unit niya.

Papasarado na ang elevator nang iharang ni Spike ang braso niya.

"Serra..."

"Bakit mo pa ba kasi kami ginugulo? Matagal na tayong walang ugnayan sa isa't-isa, Spike!"

"Hindi ito ang plinano ko, Serra. Wala sa plano ko ang masaktan kayo ng mga anak ko!"

"Hindi mo nga sila anak! Ikaw na mismo ang nagsabi, nagpagalaw ako sa ibang lalaki!"

"Kasi iyon ang sinabi sa akin!"

"Naniwala ka naman? Hindi mo man lang ba naisip na baka gusto lang nila akong masira sa iyo? Hindi mo ako pinaniwalaan! Hindi mo ako kinaawaan no'ng nagmakaawa ako sa 'yo para man lang sa kaligtasan ng mga anak ko. Hindi mo ako pinakinggan! Kasi ano? Kasi hindi mo naman talaga ako minahal! Ang mahal mo lang ay ang kayamanan ng pamilya mo... At si Merila. Ginamit mo lang ako. Iyong magiging anak lang natin ang gusto mo. Kaya no'ng malaman mong magkakaanak na kayo ni Merila ay itinapon mo agad ako! Madali agad sa iyong maniwala sa sinasabi nilang anak ko sa ibang lalaki ang triplets. Kaya ano ito ngayon? Anong pakulo ito? Sasabihin mo sa aking may gustong pumatay sa iyo tapos ipinadala mo kami dito para madamay sa gulo niyo? Ipapahamak mo talaga kami? Ano bang ginawa naming masama sa iyo para gawin mo 'to sa 'min? Alam ko namang hindi mo 'ko mahal. Pero kailangan bang humantong sa ganito? Walang kamuwang-muwang ang mga anak ko!"

"Serra, minahal kita. At hanggang ngayon mahal kita!"

"Sinungaling!"

"Ginawa ko 'yon para sa kaligtasan mo! Pinili kitang saktan para lumayo ka. Para magalit ka sa akin at hindi mo na ako balikan. Kasi iyon ang gusto kong mangyari. Kasi ayaw kong madamay ka sa gulo ng buhay ko! But they still manage to find you! Nagawa kang lapitan ni Herrex sa Las Vegas!"

Natigilan ako dahil sa sigaw niya. Ano naman kung nilapitan ako ni Herrex? Pinsan naman niya 'yon.

"Hindi ako ang tunay na anak ni Rosella Guillermo. Hindi ako ang totoong Spike Guillermo."

Parang nanghina ang mga tuhod ko sa narinig ko mula sa kanya. Pero bago pa man ako makapagsalita't humingi pa ng karagdagang impormasyon mula sa kanya ay napasigaw na ako sa biglaang pagyanig ng buong building kasabay ng isang malakas na pagsabog.

"Fuck!" pagmumura ni Spike.

"Spike, anong nangyayari?"

Nasundan pa ulit ng isa pang pagsabog dahilan upang mapaupo ako sa sahig ng elevator.

"SPIKE, ANG MGA ANAK KO!" naiiyak ko ng sigaw kay Spike.

Naupo rin si Spike sa sahig at niyakap ako. Bumukas ang elevator at sinalubong agad kami nito ng isa pang pagsabog at hiyawan ng mga nagtatakbuhang tao.

"Serra, let's go," ani Spike at ipinatayo ako. Hinila niya ako palabas ng elevator.

"Spike, hindi ito ground floor."

"Nasa ikaapat na palapag pa tayo. Nasa ibaba nito ang playroom. Maaaring nandoon sina Sebastian at ang mga anak natin."

"Boss!"

May agad na pumalibot sa aming mga lalaki. Lahat sila may hawak na baril at pino-protektahan kami mula sa kung sino.

"No signs of enemy, boss. Mga bomba lang ang sumasabog. Isa mula sa unit niyo."

Parang tumayo lahat ng balahibo sa katawan ko nang sabihin iyon ng isa sa mga tauhan ni Spike. Ibig sabihin kung hindi kami umalis doon ay malamang sumabog na kami kasabay ng bomba.

Tumulo ang mga luha ko. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko. Marahil ay nakita iyon ni Spike kaya agad niya akong hinawakan ng mahigpit.

"Hanapin niyo ang mga anak ko. Secure their safety."

"Opo, boss."

Ilan sa mga tauhan niya ang umalis. May mga tao pa ring nagtatakbuhan. May narinig ulit kaming pagsabog pero hindi ko sigurado kung saan iyon nanggaling. Sumasakit na ang dibdib ko sa sobrang kaba. Wala na ring tigil ang mga luha ko sa pagbuhos.

"It's okay, Serra. It's okay..."

"Nothing's okay, Spike!" bulyaw ko sa kanya sa kabila ng pag iyak ko.

Dumaan kami sa hagdan para makababa sa 3rd floor. Pinapagitnaan kami ng mga bodyguards niya. They were trying to secure and protect us pero kahit ganoon ay labis-labis pa rin ang kaba ko. Lalo pa nang pagkababa namin ng 3rd floor ay mangilan-ngilan na lang ang mga taong nandoon. Sa playroom ay may mga sugatan. May mga bata ring nadamay at wala ng malay. Nanlumo ako. Nanghina ang mga tuhod ko at hindi na ako makahakbang. Bumagsak ako sa sahig.

"Serra..."

"Anong nangyayari?!"

Nakarinig na naman ulit kami ng pagsabog.

"Spike, anong nangyayari?!" umiiyak ko ng tanong habang hawak siya sa magkabilang balikat at niyuyugyog.

"Let's go, Serra. Kailangan nating makaalis sa building na 'to. Kasi hindi natin alam kung kailan ito guguho."

"Iyong mga anak ko..."

He nodded. "Hahanapin natin sila. Okay?"

Naniniguro ang boses ni Spike. I don't trust him anymore but this time... Nakuha na naman niya ulit ang loob ko.

Dire-diretso kaming bumaba sa hagdan hanggang sa makababa kami sa ground floor. Lumabas kami ng building kasama ang iba pang mga taong takot at nagsisipag iyakan.

"Nasaan ang mga anak ko?" tanong ni Spike sa kaninang tauhan na inutusan niya upang hanapin ang triplets.

And to my horror ay umiling ito.

Sunod-sunod na malaking pagsabog ulit mula sa loob ng building ang nagpalingon sa amin doon kasabay ng pagguho nito at pagguho ng mundo ko.

"No! No! Ang mga anak ko!" Agad akong tumakbo papalapit sa building upang subukang pumasok doon pero agad akong niyakap ni Spike ng mahigpit upang pigilan.

"Serra!"

"NOOO! Nasa loob pa ang mga anak ko! Nandoon ang mga anak natin, Spike!" iyak ko sa kanya. Pilit akong kumakawala sa mahigpit niyang yakap pero masyado siyang malakas.

"I'm sorry, Serra. I'm sorry..." iyak niya.

Umiling ako. "Iligtas mo ang mga anak natin, please..." hiling ko sa kanya kahit pa kitang kita naman na halos maging abo na ang buong building.

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • Uncontrollable Desire   SPECIAL CHAPTER 02

    SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba

  • Uncontrollable Desire   SPECIAL CHAPTER 01

    SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki

  • Uncontrollable Desire   Wakas

    Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 100

    "What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 99

    Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 98

    I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status