INICIAR SESIÓNHindi ako matigil sa pag iyak. Kahit pa ilang oras na kaming nandito sa harap ng gumuhong building and the rescuers were still on the site trying to rescue anyone who might survive ay hindi pa rin ako matigil-tigil sa paghagulgol.
"Serra, I'm sorry..."
Kanina pa ring sorry nang sorry si Spike pero hindi ko siya pinapansin. Hindi rin ako nagsasalita at tanging pag iyak lang ang ginawa ko. Hindi ko rin naman kasi alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Gusto ko siyang sisihin pero anong magagawa ng paninisi ko? Nangyari na ang lahat. Kahit anong sisi pa ang gawin ko sa kanya ay hindi niyon maibabalik ang mga nangyari. Hindi niyon maiibsan ang sakit na nararamdaman ko. Hangga't hindi ko nakikitang ligtas ang mga anak ko ay hindi mababawasan ang sakit na nararamdaman ko.
"MERON DITO! DITO! DITO!"
Agad akong tumayo nang marinig ang sigaw na iyon ng isang rescuer. Sinubukan kong lumapit pero agad akong hinarangan. Kaya nakuntento na lamang muna ako sa pagtanaw mula sa malayo.
Nakita kong may mga sunog na katawan silang inilalabas. May ilan na sigurado akong mga bata ayon na rin sa taas ng mga ito.
Iyong ibang mga magulang na kasama namin dito sa labas na nag aabang din ay nagsimula na ring mag iyakan. Naiiyak na naman ulit ako pero pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Kasi pakiramdam ko kung hindi ako magpapakatatag ngayon ay siguradong hindi ko makikita ang mga anak ko. Kung magpapadala ako sa panghihina ng loob ay talagang itatapon ako nito sa impyerno.
"Spike, sorry. Ngayon lang kami nakarating." Napalingon ako sa gilid ko nang narinig na may kumausap kay Spike. Nakita kong si Art ito at ang iba pa niyang mga kaibigan.
"May balita na ba?" si Dwayne.
"Serra..." si Marga na agad akong niyakap. Ilang taon kaming hindi nagkita. Kita mo nga naman at asawa na siya ni Art ngayon.
Nagkatinginan kami ni Terese habang yakap ako ni Marga. Malungkot siyang ngumiti sa akin at pagkakalas na pagkakalas ni Marga mula sa mahigpit niyang yakap sa akin ay lumapit si Terese at niyakap ako.
"Ate..." nanginginig ang boses niya nang banggitin niya ang isang katagang iyon. Hindi ko alam kung anong ire-react ko. Kusa na lamang tumulo ang mga luha ko.
"It's okay... Pakatatag ka. Mahahanap natin ang triplets ha?"
Napayakap na rin ako sa kanya at napahagulgol. Isinikskik ko ang mukha ko sa balikat niya at doon ako umiyak nang umiyak.
"It's okay... Shh..." she tried to comfort me. And somehow... Naibsan ang bigat na nararamdaman ko.
Isa-isang inilabas ng mga rescuer ang mga katawang nakita nila. Agad akong bumitaw kay Terese at sinubukan na namang sumalubong sa mga rescuers. Pero muli ay hinarangan ako. Lumapit si Spike at niyakap ako.
"They'll let us see the bodies later, Serra. Maghintay na muna tayo."
Lumapit din si Terese at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. "Don't worry, ate. Naniniwala akong makikita natin sila."
Huminga ako ng malalim. Tahimik akong naghintay. May iba na agad ginamot ng mga nurse. May iba na wala ng malay. Some rescuers and nurses were trying to save people.
"Boss, may mga bata po silang nakuha. Kaso..." Napatingin pa muna sa akin ang tauhan ni Spike bago siya muling tumingin kay Spike at umiling. "Sunog na po ang mga katawan, e."
"Then they're not our children!" bulyaw ko dito kaya agad siyang napayuko.
"Serra..." Rinig ko ang mabigat na pagbuntonghininga ni Spike. Hinarap niya ako at inilagay niya ang mga kamay niya sa balikat ko. "We should at least see it okay?"
Umiling ako. "Wala ang mga anak ko doon."
Naiwan panandalian sa akin ang kanyang mga mata. Ilang minuto pa ay pinagdikit niya ang mga labi niya saka siya tumango.
"Ako na lang muna ang titingin," aniya saka ako iniwan sa kinatatayuan ko.
Gusto ko sana siyang pigilan pero huli na dahil nakalayo na siya sa akin.
"Ayaw mo ba talagang tumingin? Ikaw 'yong mas nakakaalam sa mga anak mo, Serra. Mas mapapadali kung ikaw ang magko-kompirma," ani Marga.
Agad akong napalingon sa kanya. "What do you want me to do?" Are you saying na I should confirm those bodies na mga anak ko 'yon?"
Mabilis siyang umiling. "No! Of course not! You just have to confirm na hindi mo mga anak ang nandoon. Na wala sila doon. Kasi kung si Spike lang ay baka sabihin niyang mga anak niyo 'yon pero hindi naman pala talaga edi you lose the chance na mahanap 'yong totoo niyong mga anak."
"Marga's right. You should see it for yourself, Ate Serra," Terese said na nakapagpalingon din sa akin sa kanya.
Kinagat ko ang labi ko. Natatakot ako pero tama sila. Ako ang ina. Ako dapat ang magku-kumpirma.
Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko bago ako naglakas loob na pumunta sa kinaroroonan ni Spike at ng mga katawang sinasabi nilang halos hindi na makilala dahil sunog na lahat.
Malayo pa lang at natatanaw ko pa lang ang mga nakahilerang katawan ay unti-unti nang bumagal ang paglalakad ko. Kahit na malayo pa lang ako ay pakiramdam ko, pinipiga ang dibdib ko. Parang ayaw kong lumapit. Parang may pumipigil sa akin. Panay ang subok ko na huminga ng malalim pero kahit anong gawin ko ay pakiramdam ko may nakabara na sa lalamunan ko. Naiiyak na naman ako.
"Parang hindi ko kaya," sabi ko nang sobrang lapit na namin at ang pinakauna ko pang nakita ay ang katawan ng bata na may kaparehong suot na gold necklace ni Levi.
Umiling ako... "I-it's not the gold necklace my son owned right?" nanginginig ang boses na sabi ko.
"Saan?" agad na sabi ni Spike at lumapit sa akin. Nang nakita niya marahil kung saan nakatutok ang atensyon ko ay agad niya itong nilapitan at tiningnan.
Alam ko na agad ang sagot sa tanong ko nang narinig ko ang pagmumura ni Spike na agad sinundan ng malakas niyang paghagulgol.
It was confirmed. He might read Levi's name engraved on that gold necklace.
Natulala na lamang ako. Sobrang sakit na parang hindi ko na alam kung paano pa akong iiyak o paano ko ito ilalabas. Sunod ko na lang naramdaman ay ang pag ikot ng aking paligid at ang pagdilim nito.
SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba
SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki
Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi
"What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang
Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam
I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose







