Se connecterKanina, pagkaalis ni Nigel ay saglit na natigilan si Lexie. Inaasahan na niya na ganito ang magiging reaksyon ng nobyo pero animo'y hindi pa rin siya nakapaghanda. Parang may sampung sabay-sabay na sampal ang lumagapak sa kanyang pisngi at namanhid ang buong katawan niya.Inangat pa niya ang kanyang kamay upang hipuin ang sariling pisngi—walang pasa, walang bakas ng physical na dusa, ngunit ang kirot na nananalaytay sa kanyang dibdib ay mas matindi pa sa kahit anong sugat. Marami silang mga pangarap, ngunit sa loob lamang ng sampung minuto ay natibag ang lahat nang dahil sa isang katotohanang hindi na niya kayang itago pa.Ang lamig ng ospital na nagmumula sa central aircon ng pagamutan ay kasing lamig ng katahimikan at kirot na iniwan ng binata. Nanatiling nakatayo siya sa mahabang hallway—sa labas ng ICU, nakatunganga kung saan tuluyang umalis ang katipan. Ang lungkot, ang pait at resignation sa mga mata ng binata, gayon din ang basag na tono nito kanina'y tila ba paulit-ulit na nag
Habang pabalik siya, tila bawat hakbang ay may dalang mabigat na timbang na pumipigil sa kanya. Nang paliko na sana siya sa hallway, doon pa niya eksaktong nakasalubong ang kanyang ama.Napahinto siya nang bigla. Bahagyang nagulat pa siya—para bang nahuli siya sa isang posisyong ayaw niyang makita ng kahit sino, lalo na ito. Ayaw niyang makita ng kanyang ama kung gaano siya kahina sa sandaling ito. Ngunit sa gitna ng mabilis na pagtibok ng kanyang dibdib, agad din siyang natauhan.“Pa...” tawag niya, bagamat halos pabulong at may halong panginginig ang kanyang boses.Hindi ito sumagot. Sa halip, dahan-dahang bumaba ang tingin ng ama sa kanya, napatitig sa kanyang haggard na hitsura—sa gulo-gulong buhok, sa namumulang mga mata, at sa kawalan ng lakas na pilit niyang itinatago. Pero alam niyang hindi iyon nakaligtas sa mata ng ama.Nakikita niya sa mga mata ng ama ang bahagyang pagkalito, ang tahimik na pagtatanong kung nakapag-isip na ba siya ng gagawin niya. Pero sa kabila noon, m
Hindi namalayan ni Nigel ang bawat hakbang ng kaniyang mga paa. Mabilis, magulo, at walang tiyak na patutunguhan. Para bang anumang sandali ay bibigay ang kaniyang mga tuhod sa bigat ng mga isipang hindi niya mawari.Tila lumilipad at nawawala sa kalawakan ang kaniyang diwa, paulit-ulit na humahampas sa kaniyang dibdib ang napakaraming ‘paano’ at ‘bakit' pero hindi siya makahanap ng mga sagot sa tanong sa utak niya. Ang paligid ay nagiging blangko at maingay nang sabay—isang nakalilitong ingay na nagmumula sa sarili niyang ulo. Subukan man niyang huminga nang malalim upang kumalma, mas lalo lamang sumisikip ang kaniyang dibdib. Hindi siya makapag-isip nang matino. May bahagi sa kaniyang gustong sumigaw upang ilabas ang lahat ng kaguluhan, ngunit maging ang sarili niyang boses ay tila nalunod na sa lalim ng kaniyang pagkalito.Nang bahagyang mahimaamasan siya ay nahanap niya ang sarili niyang nakatayo na siya sa rooftop ng ospital. Animo nawalan ng lakas na sumalampak siya ng upo sa m
Tila ba isang mahabang bangungot ang bawat hakbang pabalik sa hallway ng ICU. Habang unti-unting lumilitaw ang liwanag ng umaga sa malaking bintana sa dulo ng pasilyo, mas lalong nagiging malinaw kay Lexie ang bigat ng katotohanan. Masuyo at mahigpit pa rin ang pagkawak ni Nigel sa kanyang kamay—isang mainit at ligtas na silungan na sa bawat segundo ay tila nananakaw na lamang niya.Alam niyang ang susunod na mangyayari ay bibitawan nito ang kamay niya kapag binunyag na niya ang nalalaman niya. Hindi na malumanay at masuyo ang magiging tono nito kundi mapapalitan na siguro ito ng pagkamuhi at galit. At ito ang kinakatakot niyang harapin."Lexie, naupo ka muna rito," marahang saad ng ina ni Nigel habang inaalayan siya patungo sa bakal na upuan na kanina lang ay naging saksi sa kanyang magdamag na pag-iisa. "Kumuha ng tubig ang tito mo. Kailangan mong magpalakas, hija, para kay miss D.""S-Salamat po, Tita..." halos walang boses na tugon niya at nagyuko ng ulo. Hindi man lang niya mag
Hindi pa man sumisikat ang araw ay mulat na ang mata ni Lexie—o mas tamang sabihin na hindi siya natulog ng buong gabi. Kung anong puwesto at posisyon niya nang pumunta siya rito sa labas ng ICU ay nanatiling ganun pa rin hanggang sa magising ang diwa niya mula sa pagkakatulala. Kagabi habang pinapanood niya ang paglabas-masok ng iba-ibang nurse sa ICU ay sumisikip ang dibdib niya.Bawat pagtunog ng automatic sliding door ng kwarto ay tila isang matalim na karayom na tumutusok sa kanyang pandinig. Sa tuwing may lalabas na doktor na nakabihis ng berde at may hawak na clipboard, napapahawak siya sa gilid ng bakal na upuan. Humihinto ang mundo niya sa loob ng ilang segundo habang hinihintay kung sa kanya ba ito lalakad. Ngunit paulit-ulit ding nakakahinga ng maluwag ang kanyang dibdib sa tuwing aalis ang mga ito nang hindi man lang siya tinitingnan.Malamig ang hangin mula sa central aircon ng ospital. Tumatagos ito sa manipis niyang damit, ngunit mas malamig pa sa yelo ang pakiramdam
Hindi na matandaan ni Lexie kung ilang oras siyang naghintay sa labas ng emergency room. Wala rin siyang kamuwang-muwang sa mga nangyayari sa paligid niya at tanging ang kalagayan ng ina lang tumatakbo sa utak niya. Patuloy sa pagtakbo ang oras habang siya ay animo huminto ang oras para sa kanya.Saka lamang siya natauhan nang bumukas ang malaking double doors ng emergency room. Napabalikwas siya mula sa kinauupuang bangko. Halos maputol ang hininga niya habang mabilis na lumalapit ang doktor na nagtatanggal pa lamang ng kanyang surgical mask at gloves."Sino po ang pamilya ni Ms. Thompson?" tanong ng doktor. Ang boses nito ay kalmado, ngunit may bitbit na mabigat na tono."Ako po... ako po 'yong anak niya," nauutal na sagot niya. Pilit niyang pinapakalma ang sariling mga kamay upang patigilin ang matinding panginginig ng mga ito. "Dok, kumusta po ang mama ko? L-Ligtas na po ba siya?"Bumuntong-hininga ang doktor at tinignan siya nang may halong awa. Nanikip ang dibdib niya sa ting
Pagkatapos ng agahan nila ay inihatid ni Nigel si Lexie sa bahay nito para magpalit ng damit at kunin na rin ang mga gamit nito. Napansin niya ang biglaang pananahimik ng dalaga at parang ayaw siyang kausapin kaya tikom din ang bibig niya. Siya man din ay may iniisip lalo na sa nakita niyang emosyo
Pagtapak pa lamang ni Lexie sa ground ng Cheng University ay ramdam na niya ang maraming matang nakasunod sa bawat hakbang niya. Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ay pinag-aaralan siya ng lahat ng dinadaanan niya. Meron din namang harap-harapang tinignan siya mula ulo hanggang paa at pagka
Nakatunganga si Lexie sa kawalan sa halip na basahin ang librong nasa harap niya. Tumatakbo kase ang utak niya sa ibang planeta. Hindi niya maiwasang isipin si Nigel na noong isang araw ay nakikipag kwentuhan sa kanya tapos kahapon ay tanging tango lang ang ginawang pagbati nito. Ngayon ay nahuhula
Nanatiling walang reaksyon si Lexie nang puro reklamo ang narinig niya sa bibig ng kaibigang si Janine. Wala raw itong naisagot sa katatapos lang na quiz nila at hula niya ay hindi ito nagbasa ng notes nito. Ang hindi talaga niya maintindihan sa kaibigan niyang ito ay kung bakit alam na nga nito na







