Share

Kabanata 2

Lumilipad ang isip ni Temur nang lumakad patungo sa kusina. Nakasalubong nito ang nakatatandang kapatid na kagigising lang din tulad niya, ngunit parang walang nakita si Temur, nilagpasan lang nito ang kapatid.

"Hey, what's your problem? Galit ka pa rin ba?" tanong ni Kaya ngunit nagtuloy-tuloy lang ang kapatid sa counter at hinarap ang coffeemaker.

"Temur...," tawag ni Kaya dito.

Natauhan si Temur, nagising ito mula sa pagiging lutang. Hinarap nito ang kapatid. "Kuya, ikaw pala."

"Ako pala?" Lumapit si Kaya sa kapatid. "Okay ka lang? Nagpuyat ka ba kagabi?" tanong nitong inilapit ang mukha kay Temur.

"Yeah... I studied until morning. Why?" Umiwas si Temur ng tingin sa kapatid at muling hinarap ang coffeemaker. Hindi niya pa rin lubos akalain na kayang gawin ng kapatid niya ang bagay na iyon. Ang daming pasa sa buong katawan ng babae, hindi niya ito halos nakilala, pumayat ito at maputlang-maputla.

Nag-igting ang bagang ni Temur.

Ano ang maari niyang gawin? Hindi niya pwedeng pabayaan ang babaeng iyon sa kamay ni Kaya. Baka kung ano pa ang gawin ng kapatid niya sa dalaga.

"Vito is throwing a three-day party and he's invited you. I know you don't like events like this, especially if the Underground Society is involved. However, I still want to inform you about the party because the celebrant invited you— hey, are you listening?"

"Huh? Ah, yes. I'll think about it."

Nakunot ni Kaya ang noo. "Am I hearing you right? Pag-iisipan mo?"

"Yeah, could you please leave me alone? I mean, we have an exam coming up, and I'm memorizing formulas, and you're distracting me, Kuya." Lie. He's just thinking of a way kung paano niya itatakas ang ex-girlfriend ng kuya niya. He doesn't want her to die, and he doesn't want his brother to be a murderer.

Nagulat si Kaya sa kapatid, ngunit sa halip na seryosohin ay maloko itong ngumiti at itinaas ang dalawang kamay. "Okay, okay... I get it. You've got no chill, bro. I'm proud that you're following my advice, but slow down... staying up all night is bad for your health."

Binato ni Kaya ang hawak na mineral water na nasalo naman ni Temur. "Inumin mo 'yan. Goodluck sa exam mo," sabi nito at lumabas ng kusina.

Napailing si Temur. Magaling talaga itong magtago, bilib na siya sa kapatid. Sa asal nito parang wala itong kinulong na babae sa third floor ng bahay nila. Normal lang ito kung magsalita at umakto sa harap niya.

"I have to do something," bulong ni Temur sa sarili. Nilapag niya ang hawak na bote ng tubig at kumuha ng cup at nagsalin ng kapi sa baso. Kailangan niyang makaisip ng paraan sa lalong madaling panahon, he had to keep the girl away from his brother.

***

"Ilang araw na akong nakakulong dito?" hindi napigilan na tanong ni Araceae sa katulong na nagpupunas ng braso niya. Tulad sa mga nagdaan na mga gabi, ginamit na naman siya ng lalaki at basta na lang iniwan sa mga katulong nang matapos.

"Araw?" Kunot ang noo na tugon ng katulong. "Dalawang linggo ka nang nakakulong dito." Nagulat si Araceae sa narinig. Hindi niya akalain na ganun na siya katagal na nasa kamay ng lalaki. Ang paniniwala niya ay ilang araw pa lang siyang narito, o baka naman epekto lang ito ng droga na tinuturok sa kanya.

"Ganun, ba?" Dumako ang tingin niya sa mga damit sa hanger dresser. "Para saan ang mga 'yan?" tukoy niya sa napakaraming dress na naka-hanger doon.

"Aayusan ka namin, ang sabi kasi ni sir–"

"Yana, itikom mo 'yang bibig mo. Hindi ba't sinabi ko na sa iyong 'wag kang makipagkaibigan sa babaeng iyan kung ayaw mong pati ikaw ay mapasama kay sir?" saway ng babaeng nasa harap ng dresser. Mukhang ito ang head maid ng bahay, halata sa boses nito ang awtoridad, ang loyalty sa amo nito.

Tipid siyang nginitian ng dalagang si Yana, nakakaintindi na ngumiti rin siya sa babae. Natutuwa si Araceae, kahit paano ay may taong katulad ni Yana siyang kasama dito sa bahay. Sa susunod ay kakausapin niya ito kapag wala ang mayordoma.

Pagkatapos siyang linisan ni Yana, pinakawalan ng mayordoma ang mga paa at kamay niya. Inalalayan siya ng mga ito na magsuot ng panloob at mga dress na pinili ng mga ito.

Isang itim na fitted sleeveless square neck black dress ang suot niya na hanggang tuhod, pinasuot din siya ng mga ito ng black strappy sandals. Nilagyan din ng mga ito ng kaunting kolorete ang kanyang mukha, ang mga pasa niya ay tinakpan ng conceler. Pagkatapos ayusan ay inalalayan siya ng dalawa na tumayo at maglakad palabas ng kwarto.

Naipikit pa ni Araceae ang mga mata nang salubungin siya ng napakaliwanag na pasilyo. Ito ang unang beses na makikita niya ang labas ng kanyang silid, wala kasi siyang malay nang dalhin sa lugar na ito. Hindi tulad ng kanyang silid na palaging dim light, ang pasilyo ay napakaliwanag dahil sa napakaraming ilaw. Bukod sa dalawang katulong na nakaalalay kay Araceae, may dalawang bantay ang nakasunod sa kanila.

Malalim na ang gabi kaya sobrang tahimik ng buong mansion, ang mga taong kasama niya ay parehong tahimik, hindi naman siya naglakas loob na nagtanong pa ulit kung saan siya dadalhin ng mga ito. Maaring binihisan siya dahil ito na pala ang huling gabi niya at bukas paglalamayan na siya, na mukhang imposible din, sino naman ang magluluksa sa pagkamatay niya? Baka nga magpa-party pa ang lalaking iyon kapag namatay siya.

Sa labas ng mansion isang itim na sasakyan ang nakaabang, pinasakay siya doon ng maids, ang dalawang bantay naman ay sumakay sa isa pang sasakyan. Nagulat siya nang bumukas ang pinto ng sasakyan ilang minuto pagkatapos niyang umupo sa backseat, pumasok doon si Kaya. Nanginig agad ang mga kamay ni Araceae nang makasalubong ang bored at walang buhay na mata ng lalaki.

Pinasadahan siya nito ng tingin. "Not bad," pagkatapos ay komento nito.

Nakuyom ni Araceae ang mga kamao, hindi siya nagsalita. Iyon naman ang dapat niyang gawin, wala siyang maaring gawin o sabihin laban dito dahil kung susuwayin niya ang lalaki, isang malutong na sampal na naman ang matatanggap niya lalaki sa kanya. Hindi pa rin niya alam kung bakit napagkamalan siya ni Kaya na dati nitong kasintahan, pero isa lang ang dahilan na nakikita ni Araceae, kamukhang-kamukha niya marahil ang dating kasintahan ng lalaki para maniwala itong siya ang babaeng iyon.

"Aren't you excited?" tanong ng binata na nagpa-angat ng tingin niya dito. Nakunot ni Araceae ang noo, bumuka ang bibig niya ngunit walang tinig na lumabas nang subukan niyang magtanong. Sinubukan niya ulit ngunit nasamid lang siya ng sariling laway. Sa huli hindi na niya pinilit ang sariling magsalita at nagbaba na lang ng tingin sa mga kamaong nakakakuyom sa kanyang hita. Laging ganito ang nangyayari sa kanya sa tuwing susubukan niyang kausapin si Kaya nitong huling mga araw, maaring na-develop niya ang sakit na iyon dahil sa mga pananakit ng lalaki, automatik na nawawala ang tinig niya sa takot na pagbuhatan na naman ng kamay ng lalaki.

"Why don't you speak? Did you swallow your tongue?" Tumaas ang isang kilay ni Kaya nang lalo lamang yumuko ang dalaga sa tabi niya. Bumaba ang tingin nito sa kamao ng dalaga na nanginginig. Nagtangis ang bagang ng lalaki.

"Tch!"

Nanlaki ang mata na napaangat muli ng tingin si Araceae sa lalaki. Nagulat siyang iyon lang ang lumabas sa bibig nito, hindi siya ininsulto o pinagbuhatan ng kamay. Tinitigan niya ang side view ni Kaya, nakagat niya ang ibabang labi nang mamasa ang kanyang mga mata, agad siyang nag-iwas ng tingin. Sino bang mag-aakala na ang lalaking ito sa tabi niya na may napaka-among mukha ay kinulong siya at pinahihirapan ng ganito? Walang mag-iisip ng masama sa lalaki kung pustura at mukha lang ang pagbabasihan. Bukod sa sampal ay nakakatikim rin siya ng suntok sa sikmura mula dito. Don't judge the book by its cover they say.

Nakarating sila sa isang port, unang bumaba si Kaya, siya naman ay inalalayan ng isa sa mga bantay na bumaba ng sasakyan. Hindi pa kasi ganun kalakas ang mga tuhod niya para gumalaw.

"Let's go," ani Kaya, nanguna ito sa paglalakad patungo sa malaki at magarbong yate na naka-dock sa harap nila. Puno ng makulay na ilaw ang yate, nagliliwanag ito sa gitna ng madilim na paligid. Ang maingay na musika na nagmumula sa yate at umaabot sa kinatatayuan nila niya.

"Lakad na," utos ng bantay sa likod niya at tinulak siya nang hindi siya kumilos upang sumunod kay Kaya.

Sinalubong sila ng nakakabinging ingay nang sumampa sa yate. Si Kaya ay naunang maglakad, nakasunod lang si Araceae sa lalaki habang inaalalayan pa rin ng bantay niya, ang isa pang bantay na siyang tumulak sa kanya ay nasa likod lang, nakabantay. Binati ng mga bisita si Kaya at saglit na nakipag-usap ang mga ito sa binata na para bang isa itong celebrity.

Sumenyas si Kaya sa mga bantay niya, at tinuro nitong ang couch sa malapit. Giniya agad siya ng mga bantay niya doon at pinaupo. Mukhang matatagalan ang binata sa kausap nito.

Ginala ni Araceae ang tingin sa palagid. Hindi pangkaraniwan ang party, may mga naka-formal attire ngunit may mga nakasuot din ng two piece at nagtatampisaw sa maliit na pool sa harapang bahagi ng yate. Siguro ay may bigatin na kaibigan si Kaya na nagdaraos ng kaarawan nito.

Napabuntong-hininga si Araceae. Sa totoo lang hindi niya pa rin alam kung bakit siya dinala ni Kaya sa lugar na ito. Imposible naman na ginawa siya nitong date. Galit ito sa kanya kaya malabo ang iniisip niya.

Ilang minuto rin na nakatayo si Kaya kasama ng ilang mga lalaki, may mga pagkakataon na ngumingiti ito at hindi naiwasan ni Araceae na mamangha. Kung hindi lang siguro sila nagkakilala ng lalaki sa ganitong paraan, marahil ay hinangaan na niya ang lalaki.

Lumingon si Kaya sa kanya. Agad na nag-iwas siya ng tingin at kabadong lumunok ng laway. Ito na naman ang panginginig na hindi niya kayang kontrolin, ganito palagi ang reakayon ng katawan niya sa tuwing nagtatagpo ang tingin nila ng lalaki.

"Siya ba?" Umangat ang tingin ni Aracea sa lalaking nagsalita. Hindi niya napansing nasa harap na pala niya si Kaya, at may kasama itong dalawang lalaki.

"Yes"

"Oh, she's really pretty, huh?" Bigla siyang nakaramdam ng pagka-asiwa nang pasadahan siya ng tingin ng kasama ni Kaya. "Hi, I'm Vito and this is my party." Inabot ng lalaki ang kamay sa kanya. Ngunit sa halip na tanggapin yumuko si Araceae. Bakit iba ang makiramdam niya dito?

"And I'm Venom..." Mabilis na umangat ang tingin ni Araceae sa pangalawang lalaki na nagsalita. Hindi tulad ng dalawa nitong kasama, mukhang nasa high school pa lang ang lalaki.

"You know what, you appear to be very familiar to me," dagdag pa nito na binawi ang nakalahad na kamay nang hindi niya rin tanggapin. Hindi nagawang tanggalin ni Araceae ang tingin sa mas batang lalaki. Ang totoo ay familiar din ito sa kanya, ang hitsura nito at ang boses nito.

"Now I'm jealous," anang lalaki na nagpakilalang Vito. "Sa akin mo siya i-re-regalo pero mukhang si Venom naman ang type ng alaga mo, Kaya."

"R-regalo?" paos ngunit malinaw na tanong ni Araceae kay Kaya. Tumayo ng tuwid ang lalaki at pinag-cross ang mga braso sa dibdib.

"Yeah, i-re-regalo kita kay Vito. Siya ang gagamit sayo habang narito tayo sa yate niya, this party will last for three days," malamig na sagot ni Kaya sa kanya.

Nagsimulang manginig ang mga kamay ni Araceae, namasa ang mata niya sa narinig. Dinala siya dito ni Kaya para ipagamit sa kaibigan nito? Hindi pa ba sapat ang pagwarak nito sa dangal niya at magagawa pa nitong ipagamit siya sa ibang lalaki? Gaano ba kasama ang lalaking nasa harap niya? Wala ba talaga itong puso?

"Ah, and Vito can share you with anyone if he approves." Sinulyapan ni Kaya si Venom, tapos ngumisi na parang demonyo. "Mukhang type mo si Venom, bakit hindi kayo mag-thresome?"

"No!" mabilis na tutol ni Venom. "Ayokong madamay d'yan, kahit paano ay may dangal pa rin ako para sumali d'yan sa childish niyong laro. Psh!" Namulsa ito at tumalikod, ngunit huminto rin naman agad at malungkot na lumingon sa kanya. Hindi mawari ni Araceae kung nag-aalala ba ito sa kanya o naawa.

"Well, it's fine. Gusto ko rin siyang ma-solo," wika ni Vito, nilagok nito ang natitiran alak sa hawak na baso. "Boys, ipasok niyo na iyan sa kwarto ko sa ibaba," utos nitong naghatid ng kilabot kay Araceae.

"No! Please!" Nagpumiglas siya ngunit mas malakas ang dalawang lalaki na humihila sa kanya palayo kay Kaya at Vito.

"Kaya! Please, 'wag mong gawin to!" Sigaw niyang hindi pa rin tumigil sa pagpupumiglas. Ngunit tila bingi ang lalaki, tinanaw lang siya habang hinihila ng dalawang bantay palayo. Umiling siya, sunod-sunod na dumaloy ang luha sa mga mata, nakikiusap sa tingin na huwag nitong hayaan na lapastanganin siya ng ibang lalaki. Lugmok na siya, wala na siyang dangal, dinurog na ito ni Kaya kaya bakit kailangan pa na gawin ito ni Kaya sa kanya.

"Kaya—ahmp!" Tinakpan ang bibig niya ng isa sa mga bantay, at tuluyan nang naglaho sa paningin ni Araceae si Kaya. Sa dulong pinto siya dinala ng mga bantay, at doon pabalibang na hinagis siya sa kama at pinagsarahan ng pinto.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status