Share

Kabanata 3

"I know you're both terrible, but do you really have to do this to her?" Nakasimangot na tanong ni Venom sa mga kaibigan. Nakaupo silang tatlo sa lounge malapit sa maliit na swimming pool. Pinanonood ang mga magaganda at sexy'ng babae na naglalaro sa pool, ang iba ay nakikipagtalik sa ibang bisita ni Vito, na kasamahan din nila sa oraganisasyon.

"Bakit ba concern ka sa babaeng iyon?" iritableng tugon ni Vito. "Kung interesado ka sa kanya pwede mo naman akong saluhan mamaya," dagdag pa nito.

"Ayoko nga, 'di ba?" Nilingon ni Venom si Kaya. "She's your ex-lover... Do you want this stupid man to have a way with your woman–"

"She's nothing but a toy, Venom." Sumimsim si Kaya ng alak sa hawak na baso. "Binili ko siya sa auction bilang laruan, I can do whatever I want to that wench."

"But–"

"Shut it, Venom. Bakit ba masyado kang concern sa babaeng 'yon?" Hindi nagawang sagutin ni Venom ang tanong ni Vito. Bakit nga ba concern siya sa babaeng iyon? He's not a saint. Tulad ng mga kasama niya mahilig rin siyang makipaglaro sa mga babae. He loves having sex. But something about that woman concerns him. Something is not right.

"I thought Temur would attend?"

Nagkibit balikat si Kaya sa tanong ni Vito. "He's busy. Huwag mo nang hanapin ang isang iyon, just enjoy your party."

Si Vito naman ang nagkibit-balikat. Kumuha ito ng isang stick ng sigarilyo sa pocket ng suit, agad iyong sinindihan ng babaeng katabi ni Vito.

Napailing si Venom at nag-iwas ng tingin sa dalawa. Itinuon nito ang tingin sa pool at pinanood ang mga bisitang nagtatampisaw sa tubig. He better mind his own business. Ano man ang gawin ni Kaya sa laruan nito labas na siya doon.

Nagpakawala si Venom ng malalim na buntong-hininga nang hindi pa rin talaga mawala sa isip niya ang babae. Damn it.

"Where are you going?" tanong ni Vito nang tumayo siya.

"Magpapahangin lang sa tabi-tabi, balik din agad ako," sagot niyang tinalikuran ang mga ito.

F*ck! Mura ni Venom nang matagpuan ang sarili sa harap ng pinto ng silid ni Vito. Ano ba ang ginagawa niya? Hindi niya napansing dito na pala siya dinala ng sariling mga paa.

Venom was about to open the door when someone called his name. Nanlaki ang mata niya nang makita si Vito. Nagulat siya ngunit agad naman na inayos ang composure.

"Are you lost?" tanong ni Vito.

"Nah," kaswal naman na sagot ni Venom at namulsa ang dalawang kamay. F*ck! Ito na nga ba ang sinasabi niya. Wala naman siyang masamang intensyon. Hindi nga niya alam kung bakit dito siya dinala ng kanyang mga paa.

"Checking up on my toy?"

"No" mabilis na sagot ni Venom.

"If you are really that interested in that woman, you can join us. Okay lang naman sa akin ang threesome." Napangiwi si Venom, naasiwa sa sinabi ng kausap.

"No, thanks." Umalis siya sa harap ng pinto. Nilagpasan niya si Vito, ngunit napahinto sa paglalakad nang marinig niyang bumagsak pasara ang pinto ng silid. Mabilis na niligon niya ang likuran, wala na roon ang kasamahan, maaaring pumasok na ito sa silid.

Nakuyom ni Venom ang kamao. "Damn it," nangtatangis ang bagang na tumalikod siya at tuluyang iniwan ang lugar. Bakit ba ganun na lang ang concern niya sa taong iyon?

***

Marahas na pinunasan ni Araceae ang luha sa mga mata gamit ang mga palad. No! Hindi siya iiyak. Walang magagawa ang pag-iyak niya sa sitwasyon niya ngayon, ang kailangan niya ay mag-isip ng paraan upang hindi ituloy ni Kaya ang balak, ah hindi, isa lang naman ang solusyon sa problema niya—ang tumakas sa kamay ng lalaking iyon.

Ginala ni Araceae ang paningin sa buong silid. Hindi ganun kalaki ang silid ngunit marangya pa rin para sa isang pangkaraniwang yate. Tumuon ang tingin niya sa bilog na bintana. Ang sabi ni Kaya ay tatlong araw ang party ni Vito, ang ibig sabihin ay tatlong araw silang nasa laot.

Naramdaman niya kaninang naglayag na ang yate, mas komplikado ang sitwasyon niya. Makatakas man siya sa kamay ni Kaya, ngayon problema pa rin niyang nasa gitna sila ng dagat, hindi siya marunong lumangoy.

"Ano ang pwede kong gawin?" Tumayo siya sa Kama at sumilip sa bintana. Napaka dilim sa labas, mukhang malayo na nga sila sa lupa. Napalingon siya sa pinto at napalunok ng malaki. Hindi siya maaring tumalon kaya isa lang ang maari niyang daanan.

Lumapit sa pinto si Araceae, sinubukan niya itong buksan. Nagbabakasakali na bukas iyon, ngunit nabigo siya. Now, what? Ano na ang sunod na gagawin niya?

Tinalikuran niya ang pinto ngunit napahinto nang bigla na lang iyong bumukas, gulat na humarap siya at nakita ang isang magandang babae. Pinag-cross nito ang mga braso sa harap ng dibdib pagkatapos isara ang pinto.

"So you're the girl," anito, nakataas ang isang kilay. "Wala namang espesyal sayo... napaka ordinaryo." Mapang-uyam itong ngumisi at lumapit sa kanya. Bumuka ang bibig ni Araceae upang magtanong kung sino ang babae ngunit bigla na lang syang sinampal nito sa mukha.

"How dare you?" galit nitong usal.

Hawak ang napuruhang pisngi nagtataka na tinitigan ni Araceae ang mukha ng babae. Anong drama na naman ito? Sino ba ang babae? At bakit bigla na lang siya nitong sinampal?

"Bakit mo naman ginawa 'yon?"

"Why?" Namaywang ang babae. "Inagaw mo lang naman ang papel ko sa party na ito. Ako dapat ang nasa pwesto mo ngayon! Akin lang si Vito, b*tch!"

Napangiwi si Araceae "Teka, hindi ako nakikipag-agawan sayo kung gusto mo ikaw na dito." Lalong tumaas ang kilay ng babae. "Hindi ako nagbibiro, ikaw na ang sa posisyon ko." Nagbago ang anyo ng babae, ang tila tigre nitong mga mata ay bigla na lang umamo.

"T-talaga?"

"Oo" Sunod-sunod na tumango si Araceae. "Pero bago iyon palit muna tayo ng damit, halika..." Hinila niya ang babae sa isang sulok. Nagtataka man ang babae hindi siya nito pinigilan ng hubarin niya ang suot na dress. Pinaghubad niya ito at walang reklamo naman nitong tinanggal ang kasuotan, pagkatapos magpalit ng damit ibinilin ni Araceae sa babae na huwag itong lumabas ng silid ni Vito.

"Hintayin mo lang siya dito sa kwarto, maliwanag ba?"

"O-okay..."

Palabas na si Araceae ng silid nang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki. Nanlaki ang mata niya ng makilala ang lalaki. "Temur? Anong–"

"I don't have time to explain things. We need to get out of this place... Let's go!" Tumango siya sa lalaki at tinanggap ang nakalahad nitong kamay. Hinila siya ni Temur palabas ng pinto, nagmadali silang umalis.

Lakad-takbo ang ginawa ng dalawa, nang makalabas ng cabbin ay humalo sila sa maraming tao na nagkakasiyahan sa party ni Vito. Mabuti na lang at naisip ni Araceae na makipagpalit ng damit sa babaeng iyon, kung hindi ay nakilala na siya ng mga bantay ni Kaya na kanina ay nakasalubong nila.

Dinala siya ni Temur sa likod ng yate, doon nagtago sila ng lalaki nang makitang may couple na naghahalikan. Pagka-alis ng dalawa ay agad silang bumaba ni Temur sa platform, nakita niyang may maliit na motor boat ang nakatali sa likuran ng yate.

"We'll escape using this."

"Sigurado ka? H-hindi ba delikado?"

"Mas delikado kung mananatili ka dito," giit ni Temur. Nauna itong sumakay sa motor boat pagkatapos tanggalin ang taling nagkakabit sa motor boat sa yate.

Inilahad ni Temur ang kamay sa kanya.

"Come on," himok pa ng binata nang hindi siya gumalaw sa kinatatayuan.

"You better go with him..." sabay silang napalingon ni Temur sa lalaking nagsalita sa pangalawang palapag ng yate. Nakatukod ang kamay nito sa railing at nakatanaw sa kanila. "This place is not safe for you. Sa mga oras na ito nakakasiguro akong alam na ni Vito na tumakas ka," dagdag pa sa casual na tinig.

Tinitigan ni Araceae ang mukha ng lalaki. May kung ano talagang pamilyar kay Venom ngunit hindi niya lang mawari. Hindi tulad ng iba, pakiramdam niya ay matagal na niyang kilala si Venom. Weird...

Nagkagulo sa deck. Marahas na napaligon si Venom sa side deck. "You better leave, now!" Sigaw nito nang harapin silang muli. "Go!!"

Dahil sa narinig, walang pagdadalawang isip na hinatak siya ni Temur. Nahulog siya paupo sa pagitan ng mga hita nito. Isang malakas na sigaw ng bantay ang narinig ni Araceae.

"Narito sila!" Ngunit bago pa man niya makita kung ano ang nangyayari sa itaas, pinaharurot na ni Temur ang motor boat palayo sa yate.

"Don't let them escape!" Hindi nakaligtas sa pandinig niya ang malakas at galit na sigaw ni Kaya. Kasunod noon ang sunod-sunod na pagputok ng baril, tumatama iyon sa madilim at malalim na dagat.

"F*ck!" Malutong na pagmumura ni Temur nang hindi sila tinigilan ng mga tauhan ni Kaya, nagpaulan ng bala ang mga ito, at hirap na hirap siyang makalayo dahil doon.

"Temur!" Natarantang sigaw ni Araceae nang makitang unti-unting nawawalan ng balanse ang lalaki sa pagmamaneho. "A-ayos ka lang ba?"

"I got shot—damn it! Hawakan mo ang isang manibela, I can't maneuver properly because of my wound." Tumango siya sa binata at agad na ginawa ang sinabi nito. Lumingon si Araceae sa likuran ni Temur upang i-check ang mga kalaban. Nanlaki ang mata niya nang makitang may apat na motor boat ang mabilis na humahabol sa kanila ni Temur.

"Temur! May nakasunod sa atin!" anunsyo niya. Malayo na sila sa nagliliwanag na yate, ngunit nakabuntot naman sa kanila ang apat motor boat.

"Humawak ka ng mabuti, and follow my lead." Tukoy nito sa pagmamaneho nila sa motor boat.

"Mhmm—— Ah!!" Sigaw ni Araceae ng muling nagpaulan ng bala ang mga kalaban.

"Tem—" Hindi niya natapos ang sasabihin nang bigla na lang nawalan ng malay ang lalaki. Tumuon ang bigat ng katawan nito sa kanya, ilang sandali pa ay tuluyan nang nawalan ng kontrol si Araceae sa motor boat at sumemplang sila sa tubig. Ilang beses na nagpa-ikot-ikot ang sasakyan bago sila magkahiwalay ni Temur na lumubog sa tubig.

***

Nanlaki ang mata ni Venom nang masaksihan ang nakakakilabot na kaganapan. Tumatak sa isipan niya kung paanong gumulong sa ibabaw ng tubig ang motor boat na parang bato na hinagis at tumilapon sa dagat ang mga sakay niyon.

Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang tumalon sa dagat at lumangoy sa pinangyarihan ng insidente kahit pa malayo iyon sa yate na kinaroroonan niya. Umangat siya sa ibabaw ng tubig nang hindi na mapigilan ang paghinga. Agad na lumapit sa kanya ang isa sa mga tauhan ni Kaya na nakasakay sa motor boat na humahabol sa dalawa.

"Sir, bakit kayo tumalon?" tanong pa nito sa kanya nang tuluyan siyang makasampa sa likod ng motor boat.

"Go to them, quick!" utos niya ngunit hindi naman siya sinunod ng lalaki. Sa halip ay minaneho nito pabalik sa yate ang motor boat.

"I said go to them!"

"Pero sir baka mapakamak kayo."

"But that woman is gonna die if we don't save her!" frustrated niyang sigaw sa lalaki.

"Sir, mas importante ang buhay niyo." Nakuyom ni Venom ang kamao.

Nang makasampa siya ulit sa yate, galit na sinugod niya si Kaya.

"Are you crazy? Why did you do that? That woman is going to die! Order your men to look for her—"

"No," matigas na putol ni Kaya sa kanya. Nag-aapoy ang mata nitong nakatingin sa madilim na dagat.

"Pero malulunod siya!"

"She deserves to die anyway."

"Tanga ka ba? Will you really let your brother die?"

Marahas na nilingon siya ni Kaya.

"What?"

"Si Temur ang lalaking kasama ng ex-girlfriend mo! And you actually shot them to death!" Namutla si Kaya. Mabilis itong nagbigay ng utos sa mga tauhan nito na hanapin ang dalawang lumubog sa tubig. Luckily, they immediately found Temur, pero ang babaeng kasama nito ay hindi na nila natagpuan kahit pa hanggang umaga na naghanap ang mga tauhan ni Kaya.

Canceled ang three days party ni Vito. Pagkatapos ipatigil ni Kaya ang paghahanap sa babae, ay bumalik din agad sila sa syudad upang isugod sa ospital si Temur. Mabuti na lang at may doktor silang kasamahan na naroon sa party, nalapatan agad ng paunang lunas si Temur, ngunit kailangan pa rin itong isugod sa ospital para subaybayan ang kalagayan. Apat ang tinamo nitong bala, isa sa tagiliran, dalawa sa kanang braso at isa sa likurang binti.

Nang araw din na sinugod sa ospital si Temur ay bumalik si Venom kasama ni Cobra, ang bestfriend ng binata na kasapi rin ng Underground Society, upang ipagpatuloy ang paghahanap sa dalaga. Ngunit sa kasamaang palad ay wala rin silang napala.

Pagkalipas ng dalawang linggo nakarating kay Venom na inanod ang babae sa baybayin ng Isla Verde. Bibalak niyang iparating kay Kaya ang balita ngunit naisip niyang mas makabubuting hindi na lang nito malaman, kaya naman tumulak siya mag-isa patungo sa nasabing lugar upang tingnan ang kalagayan ng babae, at nang masiguro na nasa maayos ito. Iniwan niya ang babae sa isang maliit na isla hindi malayo sa Isla Verde, may nakapag sabi kasi sa kanyang taga roon daw sa isla ang magulang ng babae.

May pagdududa si Venom sa impormasyong nalaman, ngunit mas inisip siyang makabubuting iwan doon ang babae kesa ang makuha itong muli ni Kaya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status