Share

Kabanata 8

"Bakit dito mo ako dinala?" tanong niyang nilingon si Temur nang huminto ang sasakyan sa harap ng public market. Pinasundo siya ng binata sa mga bodyguard nito kanina sa isla.

"Mamimili ba tayo ng pagkain mo?" dagdag pa ni Araceae, nagtatakang tinitigan ang binata.

"Ang sabi mo ay ipagluluto mo ako ng biko pagbalik ko, hindi ba?" Nagtaka lalo si Araceae, ngunit tumango pa rin sa kay Temur bilang tugon. "Nice! Mamili na tayo ng ingredients ng biko, pagkatapos ay lutuan mo ako sa inyo," excited nitong pahayag.

"Sa 'min?"

"Hindi ba't sinabi mong dapat kong ligawan ang magulang mo bago ikaw?" Nanlaki ang mga mata niya. Hala! Huwag nitong sabihin na balak nitong bumisita ngayon sa isla? Naku, hindi siya nakapag linis ng bahay nila! Hindi niya alam na balak pumunta ni Temur sa kanila, hindi siya nakapag general cleaning.

"Ngayon na talaga?" Ngumiwi si Araceae sa sariling tanong. Ano ba 'yan... Dapat ay nagsasabi ito na bibisita ito sa tahanan nila para naman nakapag handa siya.

"Oo, bakit ayaw mo ba?"

"H-hindi naman sa ganun. Ano... Hindi kasi ako nakapag general cleaning." Nakamot ni Araceae ang tungki ng ilong at umiwas ng tingin kay Temur. Hindi nagsalita ang binata kaya nag-angat din agad siya ng tingin dito.

"Bakit ka nakangiti?" Nakasimangot niyang tanong kay Temur.

"Cute..."

"A-ano?" Namumulang nag-iwas siya ng tingin kay Temur. "Naglalandi ka na naman, Temur!"

Tumawa ito ng malakas. "Sorry, hindi ko maiwasan. Hobby ko na yata na landiin ka..."

"Tsh! Tara na nga, ano bang gusto mong kulay ng biko?"

"Kulay?" Lumaki ang butas ng ilong ng binata. "May kulay ba ang biko?" Tila hindi naniniwala na dagdag pa nito. Si Araceae naman ang natawa. Pambihira! Cute din pala si Temur kapag naguguluhan. Hindi talaga yata nito ma-imagine ang biko na sinasabi niya.

"Oo, pwede naman kulayan. Bili tayong food color. Ano ba ang gusto mong kulay?"

"Uh... Let's see." Hinawakan nito ang baba, at nag-isip. Si Araceae naman ay mahinang natawa. Para sa kulay lang naman ng biko, talagang dapat pang pag-isipan ng mabuti? Tsk.

"How about purple?"

"Okay, purple!"

Magkahawak kamay sila ni Temur na bumaba ng sasakyan. Gusto pa sanang sumama nina Rupert at James, ngunit mas gusto ni Temur na sila lang dalawa ang mamili ng mga kakailanganin na ingredients, kaya sa sasakyan na lang naghintay ang dalawang bodyguard nito.

Pero kung si Araceae ang tatanungin mas gusto niyang kasama nila ang bodyguard ng binata, alam kasing niya na pwedeng manganib ang buhay ni Temur lalo na at foreigner talaga ang feature nito. Takaw pansin sa mga masasamang loob. Ayaw niyang mapahamak ito, pero ayaw rin naman niya na isipin ng binata na masyado siyang mapapel at nakikialam sa mga desisyon nito, kaya hinayaan niya na lang.

Sa loob ng market nakuha ni Temur ang lahat ng atensyon, kahit ang dumaan lang ay napapa-second look talaga sa binata. Iyong nagbebenta ng asukal na pula ay binigyan pa sila ng 50% discount para  lang sa picture kasama si Temur. Hindi malaman ni Araceae kung matutuwa o mahihiya dahil go na go naman ang lalaki, halatang ini-enjoy ang nangyayari, tumawad pa nga ito sa lolo na nagbebenta ng malagkit na bigas. Sinaway niya naman kasi kawawa ang matanda, kaya sa huli si lolo itong binigyan ni Temur ng isang libo para lang sa tatlong kilong malagkit. 

Natuwa naman siya dahil doon, napakabait talaga ni Temur, iba ito sa mga mamamayang kilala niya dito sa lugar nila. Hindi ito mayabang, hindi abuso sa salapi at kapangyarihan, bukod sa gwapo ay napakabait ni Temur at mapagkumbaba. Inaamin niyang dahil sa personalidad ng binata lalo lang siyang nagkakainteres dito. Hindi mahirap mahalin ang lalaking halos perpekto na.

"Ano pa ang kulang?" tanong ng binata nang lisanin nila ang huling tindahan. Si Temur ang nagdala ng lahat ng mga pinamili nila.

"Kulang na lang tayo ng gata at gulaman powder para sa drinks na gagawin ko," sagot niyang ngumiti kay Temur. 

"Sige, saan makakabili?"

Dinala niya si Temur sa bilihan ng niyog sa may labasan ng palengke, pinakayud na rin nila ang biniling niyog saka sila nagtungo sa malapit na grocery para sa iba pang kakailanganin nila. Kaunti lang naman ang ingredients ng biko, pero gusto kasi niyang gumawa ng samalamig kaya bibili muna sila ng ingredients ng inumin na gagawin niya. Si Temur ang nagbayad sa lahat ng mga pinamili nila, may pera naman siya kaso ay ayaw naman siya nitong hayaan na magbayad.

Pabalik na sila sa lugar kung saan pinarada ang sasakyan ni Temur nang harangin sila ng ilang tambay sa daan. Hindi na kasi sila pumasok sa palengke at dito na sa likod dumaan dahil wala na rin naman silang bibilhin.

"Money...give!" sigaw ng isa sa mga lalaking humarang sa kanila.

Napalingon siya kay Temur, tumaas ang isa nitong kilay, mukhang ang sinabi ng lalaki ang mas binigyan nito ng pansin. Nakikita ni Araceae ang nang-aasar na tingin ng binata at tila nagpipigil lang tumawa.

"Money! Give money!"

"Kuya, hindi po tama ang–" hindi niya natapos ang sasabihin nang hawakan ni Temur ang kanyang balikat. Muli siyang lumingon sa binata, umiling ito sa kanya bago humakbang paharap, itinago siya sa likuran nito.

"Sorry, pero hindi ako nagbibigay ng pera sa mga taong kasing laki ng kalabaw ang katawan ngunit tamad naman. Bakit hindi na lang kayo magtrabaho ng maayos?" Nagulat ang mga ito nang marinig magsalita ng Tagalog ang kasama niya, ngunit sumama naman ang bukas ng mukha dahil sa sinabi ni Temur.

"Nakakaintindi ka pala ng salita namin pinahirapan mo pa ako."

"Hindi ko naman sinabing hindi," nang-aalaska na sagot ni Temur. Siya naman itong kinabahan para sa binata, sila na nga itong nasa panganib may gana pa talaga itong mang-asar sa mga taong nagtatangka sa kanila. Pambihira!

"Oy! Mabuti pa ibigay niyo na sa amin ang pera niyo para wala ng masaktan!" Mula sa likod humakbang ang isa pang lalaki. Lumapit ito sa kasamang nasa harap nila. "Hindi magandang nagmamatigas ka at nagbibiro sa ganitong sitwasyon. Lalo na't may kasama kang magandang babae..." Ngumisi ito sa kanya. "At kursunada ko pa naman din. Ano Aries, natatandaan mo ba 'ko?"

Nakunot ni Araceae ang noo. Sino naman ang lalaking ito?

"Do you know him?" tanong ni Temur na hindi siya nililingon sa likod.

"Hindi. Hindi ako sigurado..."

"Anong hindi ka sigurado?" Humakbang ang lalaki ngunit hinarang ito ni Temur. Tiningala nito ang lalaking kasama niya at ngumisi. "Hindi mo ba alam na kasintahan ko dati ang babaeng sinasamahan mo?" Napasinghap si Araceae sa narinig. Ex-boyfriend niya ang lalaking ito? Naku ang pangit pala ng taste niya dati!

"Totoo ba ang sinasabi nito?" Nagtagpo ang tingin nila ni Temur. Hindi na maganda ang timpla ng mukha nito, mukhang hindi nito nagustuhan ang narinig. Sino ba naman ang hindi? Maging siya ay naasiwa sa nalaman, sa dami ng lalaki na pwede niyang maging dating kasintahan ay ang isang ito pa, ni wala nga ito sa kalingkingan ni Temur.

"Ambisyoso ka talaga, pare. Hindi mo naman naging nobya 'yan si Aries..." Nilingon niya ang lalaking nagsalita. "Ang alam namin sinubukan mong halayin si Aries–"

"G*go! Huwag mo yang sasabihin dito," saway ng isa pang kasama nito. Ang lalaking naging dating kasintahan niya raw ay napahiya at siniko ang madaldal na kasama.

Siya naman ay hindi nakagalaw sa kinatatayuan at tinangay ng hangin ang isip kung saan. Sinubukan siyang halayin ng lalaking ito? Kailan lang? Bago ba siya naglayas at punta ng Maynila? Malaki ang posibilidad na ganun nga dahil wala naman siyang matandaan na nagkausap o nagkita sila ng lalaking ito nang makabalik siya ng isla.

Biglang may ginunita ang kanyang isipan, imahe ng babaeng nakagapos at paulit-ulit na hinahalay ng isang lalaki. Sa isipin iyon, bigla na lang tinambol ng kaba si Araceae at nanginig ang mga kamay na umatras. Ngunit bago pa man siya makatakbo palayo ay nahuli ni Temur ang kanan niyang kamay.

"You don't have to be scared. I'm here..." Nagtama ang tingin nila ni Temur at tipid siya nitong nginitian. Bahagya itong yumuko at bumulong sa kanya, "Stay back, I'll take care of them."

Ibinaba nito sa harap niya ang mga plastic bags ng mga pinamili nila. Humakbang si Araceae para pigilan ang binata, ngunit hindi na siya nakakilos dahil sa gulat nang makitang sa isang mabilis na kilos nagawa ni Temur na mapatumba ang dalawang lalaki sa harap nila. Sumugod kay Temur ang mga kasama ng mga ito, sinipa ng binata sa sikmura ang unang lalaki at tumilapon ito sa malayo.

"Temur!" Sigaw niya nang makitang hahampasin ng isa pang lalaki mula sa likod si Temur. Mabilis na yumuko si Temur at sinipa sa paa ang laki dahilan para matumba ito. Ang kasama nito ay nagtangka na saksakin ang binata gamit ang dagger, ngunit mabilis na hinawakan ni Temur ang kamay nitong may hawak ng sandata at walang kahirap-hirap na binalibag ito sa lupa. Nawalan ng malay ang lalaki matapos nitong sipain ni Temur sa d*bdib, nang mapatumba ang mga lalaki tumakbo si Temur patungo sa kanya at pinulot ang mga plastic bag sa harap niya.

"Temur..."

"Let's run!" Tumatawa nitong sigaw, hinawakan siya sa kamay at hinila palayo sa lugar. Para silang mga kawatan na tumatakbo ng mabilis sa iniwang krimen, kung saan-saan sila lumusot at nang makabalik sila sa parking nag-aalala silang sinalubong ni James at Rupert.

"Boss, may nangyari ba?" tanong ni Rupert na kinuha ang dala ni Temur.

"I need you to clean a mess." Nagkatinginan ang dalawang bodyguard pagkatapos ay tumango. Tumalima agad ang mga ito pagkatapos sabihin ni Temur kung saan nila iniwan ang limang lalaki. Pagkaalis ng dalawa ay pumasok sila ni Temur sa sasakyan.

"Paano sina Rupert?" nag-aalala niyang tanong kay Temur. Sa driver seat ang binata umupo, habang siya naman ay sa shotgun seat.

"They can handle themselves, mauna na tayo sa villa," sagot nito at pinaharurot ang sasakyan paalis ng parking.

***

Trigger Warning (18+)

"Pakiusap, palayain mo na 'ko."

"No." Hinila ng lalaki ang buhok niya dahilan para umangat ang tingin ng dalaga dito. Ang nanlilisik nitong mga mata ay puno ng galit at pagkamuhi na nakatitingin sa kanya.

"I won't let you go this time, Hayatim. You'll stay by my side. You're mine, just mine alone." Mariin nitong pahayag at sunod-sunod na umulos mula sa likuran ng dalaga. Wala ibang nagawa ang dalaga kundi ang umiyak at tanggapin ang pagpaparusa ng lalaki sa kanya.

"You can never escape me...never ever," saad ng lalaki at nanggigigil na pinuno ng katas nito ang kanyang sinapupunan. Nanghihina na binagsak ng dalaga ang katawan sa kama, ang mga luha sa mga mata ay hindi tumigil sa pag-agus sa kanyang mga mata.

.

.

.

.

.

"Aries," malumanay na tawag ni Temur sa pangalan niya. Nagdilat ang dalaga at ang magandang mukha ng binata ang kanyang natunghayan.

"Nakatulog ka," anito at mabining hinaplos ang kanyang pisngi. Umayos siya ng upo at pinahid ang pawis sa noo. Hindi niya namalayan ang oras, nakatulog pala siya sa paghihintay.

"Pasensya na... Sina Rupert at James?" tanong ni Araceae na ginala ang tingin sa labas ng sasakyan ng binata. Hindi niya nakita ang mga bodyguard ni Temur.

"Nauna na sila. They're on the yacht waiting for us. May problema ba?" nag-aalala nitong tanong nang mapansin ang kanyang pagkabalisa. 

Tipid siyang ngumiti at umiling sa binata.

"Sigurado ka?"

"Oo. Pasensya, napangod lang siguro ako sa ginawa nating pagtakbo kanina."

"Are you sure? Pwede tayong dumaan muna sa hospital bago bumalik sa isla."

Sunod-sunod siyang umiling. "Hindi na Temur. Okay lang ako, promise. Ganito lang talaga ako kapag bagong gising." Sinubukan niyang gawing biro ang sinabi pero hindi siya nagtagumpay.

Matagal siyang tinitigan sa mukha ng binata, at nang makombinsi saka lang siya nito niyaya na bumaba ng sasakyan. Magkahawak kamay na naman sila ni Temur nang maglakad patungo sa tabing dagat, ang mga pinamili nila ay dinala na raw ni Rupert sa yate.

Tinulungan siya ni Temur at James na umakyat ng yate. Ito rin ang yate na ginamit nila nang sunduin siya ng dalawang bodyguard ni Temur kanina. Sa deck agad dumeretso si Araceae, gustong-gusto kasi niyang pinanunood ang dagat mula sa harapan ng yate, sumunod naman si Temur sa kanya kaya sina James, Rupert at iyong dalawang pahinante ng yate ang naiwan sa cockpit.

"Humawak ka ng mabuti," paalala ni Temur nang gumalaw na ang yate. Ngunit dahil lutang, sa halip na humawak ay bumitaw siya sa raling upang harapin si Temur. Nawalan tuloy siya ng balanse, mabuti na lang at maagap na nahuli ng binata ang bewang niya kaya hindi siya tuluyang natumba.

"Hey, kakasabi ko lang."

"Sorry..."

"Sigurado ka bang ayos ka lang?" Humigpit ang yakap nito sa bewang niya.

"Malalim ang iniisip mo," akusa nito. "Sabihin mo sa akin kung ano ang tumatakbo sa isip mo." Sinalubong niya ang tingin ni Temur.

Ang panaginip niya kanina, iyon ang eksenang nagunita niya habang kaharap nila ang mga lalaki kanina. Ngunit sa panaginip niya, siya ang nasa sitwasyon ng babaeng walang awa na pinagsamantalahan. Ang takot at hinagpis na naramdaman niya sa panaginip ay nararamdaman pa rin niya ngayon. Maaring bahagi ng ala-ala niya ang panaginip na iyon, ngunit hindi pa rin siya sigurado, matagal na noong huli siyang nanaginip ng masama. Na-trigger ba ang takot niya dahil sa mga lalaking nakaharap nila? Nangako siyang magkukwento kay Temur tungkol sa nakaraan niya. Pero kaya niya ba?

"Hey, you're worrying too much. Kung hindi mo kayang sabihin, ayos lang." Ngumiti ang binata at hinalikan ang ibabaw ng kanyang ulo. Dahil sa ginawa nito nakaramdam si Araceae ng guilt. Natatakot siyang umatras si Temur dahil sa pangit niyang nakaraan, pero kailangan niyang sabihin sa binata ang lahat kung gusto niyang mag-work ang kanilang relasyon.

"Natatandaan mo iyong sinabi kong marami akong ikukwento sayo?"

"Yes?"

"Pwede bang simulan ko na ngayon ang pagkukwento?" Hindi niya inalis ang tingin sa binata. Hindi agad tumugon si Temur, nakita niya ang pag-aalangan at takot sa mga mata nito. Ngunit tulad ni Araceae gusto rin ni Temur na mag-work ang relasyon nila, kaya kahit hindi sigurado ay tumango ang binata

"If you're comfortable, I'll listen." Ngumiti si Araceae at nagsimula nang magkwento sa binata. Nakakatakot pero kailangan niyang sabihin kay Temur ang lahat, kailangan niyang ipakilala ang sarili at magpakatotoo sa binata.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status