홈 / Romance / WANTED : Perfect Mommy / Chapter 76 : The Witness signs

공유

Chapter 76 : The Witness signs

작가: KimAthena
last update 게시일: 2026-11-10 07:18:02

"Sir... handa na siyang pumirma."

Alas otso ng umaga sa conference room ng Tower. Si Jerome, nakatayo sa may pinto at may hawak na folder na medyo gusot sa kaka-byahe galing Las Piñas. Sa loob, si Luca nakaupo sa dulo ng mesa, si Atty. Vergara nasa tapat at may hawak na draft ng affidavit na may dilaw na highlight, at yung dating clerk na si R. Cruz nakaupo sa gitna, pawis ang noo kahit malamig ang aircon.

Inilapag ni Jerome ang folder sa mesa.

"Nasa baba na siya, Sir. Kasama ang anak niya. Gus
이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • WANTED : Perfect Mommy   Chapter 76 : The Witness signs

    "Sir... handa na siyang pumirma."Alas otso ng umaga sa conference room ng Tower. Si Jerome, nakatayo sa may pinto at may hawak na folder na medyo gusot sa kaka-byahe galing Las Piñas. Sa loob, si Luca nakaupo sa dulo ng mesa, si Atty. Vergara nasa tapat at may hawak na draft ng affidavit na may dilaw na highlight, at yung dating clerk na si R. Cruz nakaupo sa gitna, pawis ang noo kahit malamig ang aircon.Inilapag ni Jerome ang folder sa mesa."Nasa baba na siya, Sir. Kasama ang anak niya. Gusto na niyang tapusin."Si Atty. Vergara, inilapag ang affidavit sa harap ng witness at itinuro ang unang pahina gamit ang dulo ng ballpen."Basahin mo muna lahat. Huwag kang pipirma kapag may isang mali rito. Kapag may mali rito, pwede nilang gamitin laban sa atin at laban sa iyo sa korte," sabi ni Atty. Vergara, boses kalmado pero bawat salita may talim.Kinuha ng witness ang papel at binasa nang dahan-dahan, labi niya gumagalaw habang binabasa. Yung kamay niya medyo nanginginig pero pilit na h

  • WANTED : Perfect Mommy   Chapter 75 : The Real Book

    12:03 ng gabi at halos walang tao sa lumang records building sa likod ng city hall. Isang bombilya lang ang nakasabit sa hallway at mahina ang ilaw na parang pagod na rin. Amoy alikabok at lumang karton ang buong pasilyo.Nasa harap ng bakal na pinto si Luca, hawak ang brass key na galing sa asawa ng courier. Sa likod niya, si Jerome na may dalang flashlight at si legal head na may dalang authorization letter kahit alam nilang walang magche-check sa ganitong oras.Ipinatong ni Luca ang palad sa ibabaw ng pinto ng Vault B-17 bago ipasok ang susi. Yung bakal malamig at medyo basa ng pawis ng mga kamay na humawak dati."Medyo may kalawang," sabi ni Jerome habang pinapailawan ang butas ng susi."Hindi pa nabubuksan ng matagal," sagot ni Luca at idiin ang susi nang dalawang beses bago umikot.Isang mabigat na tunog ang lumabas mula sa lock na parang buto na nag-crack. Bumukas ang pinto at sumalubong ang amoy ng lumang plastic at papel na matagal nang nakatago.Sa loob, sampung bakal na kah

  • WANTED : Perfect Mommy   Chapter 74 : The First Mistake

    "Sir... bakit parang kayo pa ang natuwa na sila ang naunang nagsampa?" Hindi pa rin umaalis sa conference room sina Jerome, legal head at retired justice. Alas otso na ng gabi, pero walang nagliligpit ng laptop. Si Jerome, hawak pa rin ang tablet kung saan kita ang SEC filing ng Serrano group. Ang evidence bag na may original phone, nasa vault case na sa tabi ni Luca. Si Jerome hindi na napigilan ang tanong. Inilapag niya ang tablet sa mesa na medyo malakas, parang gusto niyang may sumagot agad. "Sir, kung sila ang complainant, tayo ang depensa. Hindi ba disadvantage iyon sa korte? Sila ang bida sa kwento, tayo ang kailangang magpaliwanag sa judge?" Walang imik si Luca habang kinukuha niya ang tablet na inilapag ni Jerome at inangat nang kaunti para makita ng lahat ang header na VERIFIED COMPLAINT na may pirma sa ilalim. "Sabihin mo sa akin, Jerome, kapag ikaw ang nagsampa ng kaso, sino ang unang obligadong maglatag ng ebidensya sa harap ng judge?" "Complainant, Sir." "At kapag

  • WANTED : Perfect Mommy   Chapter 73 : The Name In The Recording

    "Play it."Hindi na muling nagsalita si Luca pagkatapos noon. Ang dating board member sa dulo ng mesa, nakapatong lang ang kamay sa lumang cellphone. Hindi na niya hinahawakan, parang ayaw na niyang maalala kung paano niya ito itinago sa loob ng limang taon sa ilalim ng drawer ng aparador niya sa Quezon City.Pinindot ni Jerome ang PLAY sa duplicate phone. Hindi sa original. Naka-sealed ang original sa loob ng evidence bag na may tatlong pirma sa gilid. Nasa tabi lang ito ng laptop, parang ebidensyang hindi pwedeng galawin ng kahit sinong intern.Unang dalawang segundo, static lang na parang lumang radyo na walang signal. Pagkatapos, kaluskos ng upuang kahoy na hinihila sa semento.Board Member sa recording, pagod ang boses at pilit na pinatatatag."Hindi ito legal. Kulang ang board. Dalawa ang wala at wala tayong quorum."Isang boses na iba, kalmado pero may diin. Ang tipo ng boses na hindi kailangang sumigaw para sundin."Hindi legal ang problema mo. Ang problema mo, gusto mo pa ban

  • WANTED : Perfect Mommy   Chapter 72 : The Negotiation

    "May recording ako ng gabing pinapirma kami." Nasa study pa rin si Luca De Silva, ang cellphone nasa tenga, ang original minute book nasa harap ng mesa, bukas sa pahina na may bilog na pula sa dalawang pirma. Si Jerome nasa gilid, hawak pa rin ang vault case, si Bella nasa may pintuan kasama si Amerie. Si Luca, kusang gumalaw ang kamay ibabaw ng minute book, bahagyang pinisil ang gilid ng pahina. Kapagdakay mahinahon siyang nagsalita."Kung ganoon, hindi kita tatawagan para pakiusapan," sabi ni Luca. "Tatawagan kita para protektahan." Dinig ang marahas na buntong-hininga sa kabilang linya, parang ilang araw nang hindi nakakatulog ang kausap. "Hindi mo alam ang pinapasok mo, Mr. De Silva," sabi ng dating board member. "Mali," sagot ni Luca, inilapat ang likod sa upuan ng study, nakatingin siya sa bintana. "Limang taon na akong nasa loob niyan. Ngayon lang ako nagsisimulang lumaban. At kapag lumaban ako, sinisigurado kong may matitira pa para sa pamilya ko."Hindi nakaimik ang b

  • WANTED : Perfect Mommy   Chapter 71 : The Unmatching Signature

    "Pero alam ko kung sino ang nag-utos." Hindi agad nagsalita si Luca De Silva. Ang cellphone nasa tenga, ang kabilang kamay nasa ibabaw ng center table, bahagyang pinipisil ang gilid ng kahoy. Sa harap niya si Bella, si Amerie nakasandal sa hita niya, si Jerome nakatayo malapit sa p***o. "Magkita tayo," sabi ni Luca sa huli, ang boses mababa, kalmado. "Bukas. Ako ang pupunta sa iyo." Ibinaba niya ang tawag. Hindi na siya umupo. Hindi na bumalik sa sofa. Diretso siyang humarap kay Jerome. "Jerome," sabi ni Luca. "Sir," sagot ni Jerome, agad inilabas ang notebook. "Ayoko ng opinion," sabi ni Luca, inilapat ang folder ng board resolution sa mesa. "Ayoko ng hula. By sunrise, gusto ko nasa mesa ko ang forensic verification ng limang pirma na nasa resolution na ito." Bahagyang inilapat ni Jerome ang ballpen sa papel. "Government examiner o private, Sir?" tanong ni Jerome. "Pareho," sagot ni Luca, diretsong nakatingin sa kanya. "Government at private. Kapag pareho ang naging resulta,

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status