Share

CHAPTER 12

KASALUKUYANG naglilinis ng kaniyang silid si Carla. Kailangan na talaga niyang ayusin ang mga gamit doon at linisin dahil sa mga alikabok na nakakapit. Halos magkandaubo-ubo na siya sa mga alikabok na nandoon. Matagal-tagal na rin kasing hindi niya nalilinisan ang silid sapagkat masyado siyang abala sa trabaho. Wala naman kasi siyang kasambahay para gumawa niyon.

"Ang hirap talaga ng nag-iisa," bulong niya sa sarili habang nagwawalis sa ilalim ng kama niya. Ultimo kasulok-sulokan niyon ay hindi niya pinatos. She covered her nose nang maraming alikabok ang tila sumayaw sa ere. Nagkandaubo-ubo pa siya.

She later sat on her bed sa matinding hapong naramdaman. Tagaktak na siya ng pawis at halos basa na rin ang T-shirt niyang suot. "Kung mag-leave kaya ako at magbakasyon sa probinsya? Miss ko na rin sina mama," kausap niya sa sarili. Nakapangalumbaba siya sa walis na gamit. "Hmmm! Bahala na. Saka ko na lang iisipin 'yon," she uttered, then continued cleaning her room.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status