LOGIN“Hindi naman ako baby. Bakit mo ako pinagbibilad sa ganitong kainit na araw?” reklamo ni Raoul, bahagyang naniningkit ang mga mata niya tuwing tumatama ang sikat ng araw sa mukha niya.Bahagyang ngumiti si Jenesis habang nananatiling nakatayo sa likod ng wheelchair.“Para mas mabilis kang gumaling, Kuya. Hindi lang naman babies ang nangangailangan ng sunlight. Kahit adults kailangan din.”Huminto siya sa paglalakad bago umikot sa harapan ng asawa at yumuko sa tabi nito.“May narinig ka na bang ganito?” malumanay niyang tanong. “Ang tao, ipinapanganak na parang baby, at darating din ang araw na parang baby ulit ang kailangan ng pag-aalaga.”Tinitigan lang siya ni Raoul nang walang gaanong emosyon.“Ang pinagkaiba lang,” mahinang pagpapatuloy ni Jenesis, “...yung isa, sinasalubong natin ng pagmamahal. Yung isa naman, inaalagaan natin dahil mahal natin.”Marahang umihip ang hangin sa umaga, dala ang amoy ng damuhan na basa pa ng hamog.Yumuko si Jenesis. Dahan-dahan niyang hinawak
“Daddy…”Tawag ni Rheana nang umagang iyon. Maayos na ang suot niyang school uniform nang tumakbo siya papunta sa kwarto ng kanyang mga magulang.Pagpasok niya, nakita niya si Raoul na nakaupo sa wheelchair at nakaharap sa bintana.Tahimik itong nakatingin sa labas, tila saglit na tinatamasa ang tanawin ng hardin sa gilid ng bahay na basa pa ng hamog sa umaga.Napalingon si Raoul nang marinig ang maliliit na yabag.“Yes, anak?” malumanay niyang sagot.Agad lumawak ang ngiti ni Rheana. “Daddy, kakausapin mo na ulit si Rheana?”Bahagyang umangat ang gilid ng labi ni Raoul.“When did Daddy ever not want to talk to Rheana, hm?” tanong niya nang mahinahon habang pinaandar ang wheelchair palapit sa anak.Nahihiyang yumuko si Rheana. “Kahapon pa. Simula nung dumating si Daddy sa airport, hindi mo ako kinausap.”Mahinang natawa si Raoul. “Daddy was just tired. It doesn’t mean I didn’t want to talk to you.”Iniabot niya ang isang kamay. “Come here.”Walang pag-aalinlangang lumapit s
Nakatayo si Caizer sa balcony ng kanyang kwarto nang araw na iyon. Sa pagitan ng kanyang mga daliri ay may hawak siyang sigarilyong unti-unting nauubos.Paminsan-minsan ay hinihithit niya iyon bago dahan-dahang ibuga ang usok sa hangin. Ilang segundo lang, naglalaho rin ito, tulad ng mga iniisip niyang hindi niya malaman kung saan hahantong.Iisa lang ang laman ng isip niya. Ang kondisyon ng kanyang kuya.At ang kanyang asawang hanggang ngayon ay itinuturing ng ilan bilang pangunahing suspek sa aksidente.“No…” mahina niyang bulong. “Karina didn’t do it. I’ll make sure no one puts the blame on my wife.”Dahan-dahang bumukas ang pinto mula sa loob ng kwarto. May mga magagaan na yabag na papalapit.Lumabas si Karina sa balcony habang may dala itong maliit na tray na may malamig na inumin at ilang snacks. Maingat niyang inilapag ang tray sa maliit na mesa sa tabi ng upuan.“You’re still here,” malumanay niyang sabi.Hindi agad lumingon si Caizer.Tumayo si Karina sa tabi niya at
“May sakit ka pa rin, Kuya?” tanong ni Caizer habang lumalapit at tumatayo sa tabi ng kama ng kanyang kuya.Hindi sumagot si Raoul. Napunta ang tingin niya sa dalawang paa niyang nakatakip ng kumot, na para bang may malalim siyang iniisip.“Yes,” mahinahong sagot ni Duke. “Kuya Raoul has been sick since he was in United States.”Malalim na tumingin si Duke kay Caizer.“It got to the point na kinailangan pa siyang sundan ni Jenesis roon para sunduin.”Napaatras nang bahagya si Caizer sa gulat.“Since when? Paano naman ang mga bata?”“Jenesis has been in United States for more than a week,” sagot ni Duke. “Nasa bahay ang mga bata kasama ko.”Lalong sumikip ang dibdib ni Salome nang marinig iyon.Dahan-dahan niyang itinaas ang nanginginig niyang kamay at itinuro si Raoul. Napansin agad iyon ni Jenesis. Hindi na siya naghintay pa at itinulak ang wheelchair ni Salome palapit sa gilid ng kama.“Ra… o… ul…” mahinang tawag ni Salome. Basag ang boses niya at isa-isang tumulo ang mga l
“Ma…” Tawag ni Caizer nang makapasok siya sa kwarto ng kanyang ina.Agad napalingon si Salome, na kasalukuyang sumasailalim sa therapy kasama ang doktor.Sa kabilang bahagi ng kwarto, nakaupo si Karina at tahimik na sinasamahan ang kanyang biyenan.“Anong nangyari, Caizer?” agad na tumayo si Karina at lumapit sa asawa.Saglit siyang tinitigan ni Caizer. Ibang-iba ang ekspresyon ng mukha nito ngayon. May ginhawang hindi na nito kayang itago.“Kuya Raoul is finally home from the United States.”Agad nagliwanag ang mga mata ni Salome. Nanginginig ang kanyang mga labi habang pilit niyang binubuo ang pangalan ng kanyang anak.“Ra… o… ul…?”“Yes, Ma,” malumanay na sagot ni Caizer.Sinubukan ni Salome na tumayo mula sa pagkakaupo, pero hindi pa rin sapat ang lakas ng katawan niya.“Pu… punta… tayo… roon…”“Hindi na kailangan, Ma. I’ll call Kuya Raoul and ask him to come here,” sabi ni Caizer.Pero mariing umiling si Salome.“Pu… punta… tayo…!”Napabuntong-hininga si Caizer.“Ti
“Kuya…?” Hindi makapaniwalang tinitigan ni Duke ang kanyang kuya. “Bakit naging ganito?”Agad na sumingit si Jenesis. Mahina ang boses niya pero halatang nagmamadali.“Mahaba ang kuwento, Kuya. Ikuwento na lang namin sa bahay.”Tumango si Duke. “Okay. Naghihintay na ang sasakyan niyo sa labas.”“Gusto ni Rheana sumama kina Daddy at Mommy, Tito,” mahina ngunit determinado niyang sabi.Lumapit siya kay Raoul at maingat na hinawakan ang braso nito, na para bang natatakot siyang masaktan ang kanyang ama.Saglit siyang tinitigan ni Duke bago bahagyang ngumiti.“Okay. Susunod kami ni Bernice sa likod, all right?”Pagkatapos, nauna na siyang maglakad habang hawak ang kamay ni Bernice papunta sa sasakyan.Samantala, pinili nina Riven at Rayan na manatili sa tabi ng kanilang mga magulang.Walang nagsasalita.Tanging mababagal nilang mga hakbang at mga tinging puno ng tanong ang namamagitan sa kanila.Pagdating sa sasakyan, agad na tumulong ang driver at si Argus kay Raoul para makal
“Caizer…” mahina ang tawag ni Jenesis nang makapasok sila ng asawa niya sa kwarto matapos ang hapunan.Biglang humarap si Caizer, diretso ang tingin kay Jenesis, iyong tingin na malamig at matalim.Bahagyang umangat ang gilid ng labi ng lalaki, may halong panlalait. “Ang talino mo na ngayon ah. Al
“Ano ba ‘yan?!” matalim na sigaw ni Salome, sabay turo kay Jenesis na parang may nagawa itong malaking kasalanan, kahit na maingat naman nitong ginagawa ang paggupit ng kuko. “Hindi mo man lang maayos ang paggupit!”Biglang tumahimik ang buong sala. Tanging tibok ng puso ni Jenesis ang malakas sa l
“Caizer…” mahina ang boses ni Jenesis habang tumatayo mula sa pagkakaupo. Nanginginig ang kamay niya habang inaabot ang calling card. “Bakit kailangan pa nating pag-usapan ‘to ulit, Caizer?”Mas tumalim ang tingin ni Caizer. “Bakit?” malamig niyang sagot. “Akala mo ba nagbibiro lang ako kanina? Y
“Hindi mo kailangang sundin palagi ang sinasabi ng iba.”Dahan-dahang itinaas ni Jenesis ang ulo niya at tumingin sa mga mata ni Raoul. Bahagya siyang nagulat, dahil ngayon lang siya nakarinig ng salita mula rito na parang kakampi niya.Pero bago pa niya maintindihan ang ibig sabihin noon, lumapit







