LOGIN“Kumusta ang trabaho mo today?” tanong ni Rayan.Nakadikit ang cellphone niya sa kanyang tenga habang nakatingin siya sa malaking bintana ng kanyang kwarto. Mula roon, tanaw niya ang kalangitang unti-unting nagiging kulay kahel habang papalubog ang araw.Sa kabilang linya, bahagyang ngumiti si Alyona.“Medyo nakakapagod. May ilang design revisions kasi na kailangan kong matapos ngayong araw. Karamihan naman nagawa ko na, kaunti na lang ang natitira.”Marahang tumango si Rayan kahit hindi naman iyon nakikita ni Alyona.“Do you have some free time tonight?”Pinipigilan ni Alyona ang kanyang ngiti.“Where are we going?”“Let's go out for a while. Kung hindi ka naman masyadong pagod.”Mahinang napabuntong-hininga si Alyona.“Sure. Actually, gusto ko rin sanang lumabas at magpalipas ng oras sa labas. I need some fresh air, too.”Bahagyang umangat ang mga sulok ng labi ni Rayan.“Okay. I'll pick you up later.”“Sure.”“Kuya, maghihintay ako. Huwag kang magtatagal, ha?”Pagkata
Bahagyang kumunot ang noo ni Alyona nang mapansing si Riven lamang ang naroon.“Mr. Riven...?”Tumayo si Riven nang makalapit ang babae.“Please, have a seat.”Magalang niyang sinabi iyon habang hinihila ang upuan para kay Alyona.Saglit na sinulyapan ni Alyona ang upuan bago inilibot ang tingin sa buong restaurant na halos wala pang tao sa oras na iyon.“Hindi pa ba dumarating ang project team?” tanong niya habang inilalapag ang kanyang bag sa ibabaw ng mesa.Bahagyang umiling si Riven.“No.”Muli siyang tumingin sa lalaki.“Then... what about the meeting?”“It's just the two of us.”Bahagyang naguluhan si Alyona. “Just the two of us? To discuss the design revisions?”“Something like that.”Hindi nagtagal ay dumating ang isang waiter at nagbuhos ng tubig sa kani-kanilang baso. Hinintay muna ni Riven na makaalis ang waiter bago siya muling nagsalita.“I specifically chose this place.”“Why?” Kunot-noong tanong ni Alyona.“Too many people are constantly coming and going
Kakauwi lamang ni Rayan matapos ihatid si Alyona sa bahay nito.Pagpasok niya sa mansion, agad niyang nakita si Rheana na nakatayo sa gitna ng family room. Nakahalukipkip ang dalawang braso nito sa harap ng dibdib, na para bang sadyang naghihintay sa kanyang pagdating.Bahagyang ngumiti si Rayan.“Hindi ka pa natutulog?”Umiling si Rheana.“I was waiting for you, Kuya.”Hinubad ni Rayan ang kanyang relo habang naglalakad palapit sa nakababatang kapatid.“Why? Is there something you need?”Ilang segundo munang tinitigan ni Rheana ang kanyang kuya bago tuluyang nagtanong.“Kuya... where did you meet Alyona?”Saglit na natigil sa paglalakad si Rayan. Bahagyang kumunot ang noo niya.“Why are you suddenly asking that?”“Curious lang ako.”“Didn't we go to the same high school as her?”Mabilis na tumango si Rheana. “I know. That's not what I meant.”“Then what?”“Noong high school tayo, hindi rin naman kayo close ni Alyona, right? Just like me, hanggang sa pagkakakilala lang
Ilang sandali munang tinitigan ni Rheana ang nakatatandang kapatid bago tuluyang magtanong.“Kuya, do you and Alyona know each other?”Hindi agad sumagot si Riven. Mula kay Rheana, lumipat ang tingin niya kay Alyona. Pagkaraan ng ilang segundo, napunta naman ang atensyon niya kay Rayan na nakaupo sa tabi ng babae.Bahagyang ngumiti si Alyona para maibsan ang ilang sandaling katahimikan.“We only got to know each other recently.” Saglit siyang lumingon kay Riven. “I was appointed as the Lead Interior Designer for one of the projects currently being handled by Mr. Riven Rodriguez's company. Kaya madalas kaming nagkikita during meetings and design presentations.”“Oh, I see,” nakangiting komento ni Jenesis.“Yes, Tita,” magalang na sagot ni Alyona.Sa wakas ay umupo na rin si Riven sa kanyang pwesto. Isang katulong ang lumapit upang magbuhos ng inumin sa kani-kanilang baso. Pagkatapos noon, nagsimula na ang kanilang hapunan. Ilang sandali silang tahimik na kumain, at ang maririnig
“Para naman magkaroon na agad ng apo sina Daddy at Mommy.”Mahinang napasinghap si Riven habang pasimpleng sinulyapan ang bunso nilang kapatid.“You're the only one who's excited about this.”“Of course, excited ako.” Nagkibit-balikat si Rheana. “Daddy is already in his sixties. Kawawa naman kung matatagalan pa bago niya mayakap ang apo niya. We don't know how much time we have, Kuya.”Sa huli, hinubad na ni Riven ang kanyang damit at inihagis iyon sa lalagyan ng maruruming damit. Muli niyang ibinaling ang tingin sa nakababatang kapatid bago malamig at walang emosyong nag-utos.“Get out.”Napangiwi si Rheana at nag-pout.“Hay naku... you're so mean. It's not like I'm seeing something I've never seen before.”“Rheana.” Matalim ang naging tono ng kanyang boses bilang babala.“Okay, okay. I'm going na.”Mahinang tumawa si Rheana habang bumaba mula sa kama at naglakad papunta sa pinto ng kwarto. Pero bago tuluyang lumabas, sumilip pa muna siya at inilabas ang ulo mula sa pintuan.
Kakapasok pa lamang ng isang mamahaling sasakyan sa bakuran ng mansion.Si Rheana, na isa nang ganap na dalaga, ay kasalukuyang nakaupo sa terrace habang nagbabasa ng libro at nag-e-enjoy sa isang tasa ng tsaa. Ngunit nang makita niya ang sasakyang kakapasok lang sa kanilang bakuran, agad siyang tumayo upang salubungin ang sakay nito.Kalmadong bumaba ng sasakyan si Riven. Taglay niya ang awtoridad at presensyang halos katulad na katulad ng kanyang ama na si Raoul.Bahagyang ngumiti si Rheana nang iangat ang mukha. “Kakauwi mo lang?”“Yes. I just got back,” maikling sagot ni Riven.“How was your meeting today, Kuya?” tanong niya.“Everything went well.”Mapanuksong kumindat si Rheana. Bahagyang umangat ang mga sulok ng labi niya habang nakangiti. “Hmm... parang may something na kakaiba sa 'yo ngayong araw.”Napahinto si Riven sa paghuhubad ng kanyang relo. Saglit siyang lumingon sa nakababatang kapatid.“What do you mean?”“Your face.”“What's wrong with my face?” Kunot-noon
“Caizer…” mahina ang tawag ni Jenesis nang makapasok sila ng asawa niya sa kwarto matapos ang hapunan.Biglang humarap si Caizer, diretso ang tingin kay Jenesis, iyong tingin na malamig at matalim.Bahagyang umangat ang gilid ng labi ng lalaki, may halong panlalait. “Ang talino mo na ngayon ah. Al
“Ano ba ‘yan?!” matalim na sigaw ni Salome, sabay turo kay Jenesis na parang may nagawa itong malaking kasalanan, kahit na maingat naman nitong ginagawa ang paggupit ng kuko. “Hindi mo man lang maayos ang paggupit!”Biglang tumahimik ang buong sala. Tanging tibok ng puso ni Jenesis ang malakas sa l
“Caizer…” mahina ang boses ni Jenesis habang tumatayo mula sa pagkakaupo. Nanginginig ang kamay niya habang inaabot ang calling card. “Bakit kailangan pa nating pag-usapan ‘to ulit, Caizer?”Mas tumalim ang tingin ni Caizer. “Bakit?” malamig niyang sagot. “Akala mo ba nagbibiro lang ako kanina? Y
“Hindi mo kailangang sundin palagi ang sinasabi ng iba.”Dahan-dahang itinaas ni Jenesis ang ulo niya at tumingin sa mga mata ni Raoul. Bahagya siyang nagulat, dahil ngayon lang siya nakarinig ng salita mula rito na parang kakampi niya.Pero bago pa niya maintindihan ang ibig sabihin noon, lumapit







