Share

[10] Forgotten

Sumunod na araw. Walang praktis sina Elm ng basketbol kaya sumabay sa kaniya si Leaf papunta sa bahay nila.

Nasa sopa sila ng bahay nila Elm sa may sala at noong una ay sinubukan ni Leaf na ituro kay Elm ang mga nalagpasan niyang aralin. Maya-maya, biglang isinara ni Elm ang kwaderno ni Leaf.

"Ganito na lang. Pahiram na lang ako ng notebook mo tas ako na lang mag-aaral. Gawin na lang nating oras ito para sa isa't-isa kasi bihira na lang tayo magkasama. Mas madalas na ‘yung praktis namin. Minsan lang 'to kaya, please. Ako na lang mag-isa mag-aaral niyan."

Ibinaba ni Leaf ang kwarderno niya sa mesa. Kinuha naman ni Elm ang telepono niya at nagbukas ng social media app. Walang ibang magawa si Leaf kundi pagmasdan siya habang nagpipigil ng inis sa kasintahan.

"Sa linggo, ah. Huwag mong kalimutan na pumunta," ani Elm nang hindi tumitingin sa kaniya.

Inilabas na ni Leaf ang mga kwaderno niya mula sa bag niya at inilapag sa mesa.

"Alis na ako. Balik na lang ako dito sa linggo." Binuhat na ni
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status