“BAWAL na magkita ang bride at groom bago sila ikasal kinabukasan, ’di ba? Bakit pupuntahan mo pa si Alex?”Kausap ni Serena si Hanni sa kabilang linya habang naglalakad siya patungo sa hotel kung saan nanunuluyan si Alex, ang fiancé niya. Dahil sa kabilang city pa ang pamilya ni Alex, nag-decide siya na sa hotel na muna ito patuluyin. Siya ang nagbayad dahil malaki na ang gastos ni Alex sa kasal nila. “That's just an old myth, Hanni. Tsaka kailangan ko kasing hingin ang suggestion ni Alex para sa ihahabol na giveaways para sa reception. Alam mo naman na bukas na ang kasal namin,” sagot ni Serena. “O sige. Mag-iingat ka. Lapitin ng disgrasya ang mga ikakasal. Bye, Serena!”Pinatày din ni Hanni ang tawag at si Serena naman ay dire-diretsong nagtungo sa hotel room ni Alex. Ngunit habang papalapit siya, parang may naririnig siyang kakaibang ingay.Bakit parang may umuungól? Dahil hindi nakalapat ang pagkasara ng pinto, lumapit si Serena sa kwarto at doon, nasaksihan niya ang kawalangh
“MAGPAPAKASAL ka pa rin kay Alex, Serena. Tapos ang usapan!”Kahit anong kumbinse ni Serena sa pamilya, gusto pa rin nilang ituloy ang kasal kahit na nalaman nilang niloko na siya ni Alex. Bakit ba hindi nila maintindihan kung saan sita nagmumula? “Serena, makinig ka, ha? Normal sa lalaki ang magloko. Magpasalamat ka nga at papakasalan ka pa rin ni Alex; ikaw pa rin ang ihaharap niya sa simbahan. Huwag ka nang mag-inarte riyan at pumasok ka sa kwarto mo,” ani ng tiyahin sa kanya. “Hindi ako magpapakasal sa kanya! Tita, narinig mo ba ang sinabi ko? Nahuli ko si Alex na may babae tapos parang wala lang sa inyo?” “May magagawa ka ba? Kahit nahuli mo siya, hindi na pwedeng iurong ang kasal. Anong gusto mo, isauli ko ang mga binigay ni Alex at ng pamilya niya sa atin? Hindi pwede! Iyon na nga lang ang pakinabang mo sa amin, babawiin pa? Gumastos na lang din naman sa kasal, ituloy na. Huwag kang umarte-arte riyan, Serena, kundi sasamain ka sa akin!”Bumuhos ang luha ni Serena sa sobrang
NAPAYAKAP si Serena sa sarili noong makalabas sa office ng judge. Dahil gabi na, malamig ang ihip ng hangin. Napaigtad siya noong may lumapat na kung ano sa balikat niya. Bahagya niya pang naamoy ang panlalaking cologne. Pagsilip niya, nasa balikat niya ang coat ni Kevin. “You're shivering from the cold, put the coat on,” anito sa baritonong boses. Napakurap ng mata si Serena ngunit sinunod niya si Kevin. Huminto naman sa harapan nila ang kotse at pinagbuksan sila ng driver ng pinto. Pagkaupo, napaisip agad si Serena. Ngayong kasal na siya... ibig bang sabihin no'n ay sa bahay na siya ni Kevin uuwi? Nanlaki ang mga mata niya. “Ano...Mr. Sanchez,” tawag niya rito. “What did you call me?” malamig ang pagkakasabi nito, parang inis. Bakit parang galit? May nasabi ba siyang mali?“M-Mr. Sanchez? 'Di ba iyon ang apelyido mo?”Kumunot ang noo ni Kevin at matiim siyang tinitigan. Mayamaya, gumuhit ang mapaglarong ngisi sa labi nito. “Yes, Mrs. Sanchez?”Si Serena naman ang napipilan nga
NANANAKIT ang buong katawan ni Serena nang magising—lalo na iyong sikretong parte ng katawan. Dahil doon, agad na pumasok sa kanya ang nangyari kagabi. “Trust me, wife, hmm? I’ll be gentle...”Dahil bathrobe lang ang suot, maingat ngunit mabilis na naalis ni Kevin iyon at nagpaubaya naman si Serena. Paano siya makakatanggi kung bawat haplos at hàlik nito sa kanya, nadadala siya? At isa pa, kasal naman na sila, 'diba? Pero ngayong nahimasmasan si Serena, hiyang-hiya siya! Hindi kaya iniisip ni Kevin na easy-to-get siya? Kakikilala pa lang nila at kinasal man, hindi niya pa lubos na kilala ito. Parang walang pinagkaiba sa one night stand ang nangyari sa kanila. Napakagat ng labi si Serena at naguguluhan. Dito bumukas ang pinto at pumasok si Kevin. “You're awake,” anito habang bitbit ang foodtray. Lumapit ito sa direksyon niya.Hindi naman siya makatingin nang maayos dito dahil pumapasok pa rin sa isip ang nangyari kagabi. Halata ni Kevin ang hiya ni Serena at mabuti na lang, hindi i
HINDI makakain nang maayos si Serena at maya'tmaya na napapasulyap sa taas. Ayaw mang isipin, gusto niyang malaman kung anong pinag-uusapan ni Kevin at Dahlia. “Madamé, may hindi po ba kayo gusto sa luto? Sabihin n'yo po sa akin para makapagpaluto ako sa chef.”Nabaling ang tingin ni Serena kay Marie, iyong maid kanina. Umiling siya rito. “M-Masarap ang pagkain, don't worry.”“Basta kung may gusto po kayong ipaluto o ayaw sa pagkain, sabihin n'yo po sa akin. Sundin daw po kasi namin ang gusto n'yo sabi ni Master.”Magsasalita sana si Serena nang makarinig siya ng tunog ng takong na papunta sa gawi niya. Nang lumingon, si Dahlia iyon na papalapit. Nakataas ang noo nito at parang hinahamon siya sa tinging ginagawa. “Xavier and I broke up but he gave me a house and also promised to introduce me to a high paying job. I lost him pero hindi ako talo. And see this?”May winagayway ito sa harap niya. Cheke sa tingin ni Serena. “Break-up fee. He's generous, right?”Galit na tumingin si Ser
NAHAMIG ng ama ni Serena ang sarili at may pang-uuyam na pinasadahan ng tingin si Kevin; mukhang hindi kumbinsido sa narinig. “Hoy, totoy. Alam kong guwapo ka at mukhang may pera kahit paano. Pero 'yang sinasabi mong bibilhin mo sa amin si Serena? Mukhang hindi ka pa yata tapos managinip.”“Serena, bayad mo ba 'tong lalaking 'to? Kung may ganun ka naman pala kalaking pera, bakit hindi mo binigay sa amin? Bakit hindi mo pinagamot ang lola mo? Sinasabi ko na nga bang puro ka lang salita at yabang, e,” ani naman ni Jessa. Pagkatapos nito ay sumubok uli itong lumapit kay Kevin na kunot na kunot ang noo. “Bakit hindi na lang ako ang samahan mo? Huwag na 'tong si Serena. Wala namang kwenta—”Hindi na natapos si Jessa sa sinasabi nang samaan ito ng malamig na tingin ni Kevin kaya napaurong ito. Binalik ni Kevin ang mga mata sa ama ni Serena at inulit ang sinabi. “10 Million for Serena. Take it or leave it? But even if I don't give money, she's still going with me because she's my wife.”“
“SERYOSO ka ba talaga sa sinabi mo kanina, ha? Gagá, hindi mo ba ako binibiro lang?”Hindi umuwi si Serena sa bahay ni Kevin kundi nagpahatid siya sa apartment kung saan kadikit lang ng unit niya ang room ni Hanni. Ngayon ay magkausap sila sa unit nito. “K-Kasal na nga ako, bebs. I'm not kidding.”“Oo dapat hindi ka nga magbiro kasi sasákalin kita. Pero ano kasi nangyari at hindi si Alex? Hindi sa sinasabi kong gusto ko iyong fiancé mo, ha? Feel ko bad vibes niya malayo pa lang. Pero paliwanag mo ano nangyari. I need chika!”Umupo si Serena sa beanbag na malapit at humarap kay Hanni. “Nahuli ko kasi si Alex na niloloko ako. Naalala mo iyong pumunta ako sa hotel room niya? Doon siya gumagawa ng milagro! Sa galit ko, umurong agad ako sa kasal.”“Huwat? Niloko ka n'ong gagúng iyon! Kapàl ng mukha, ha? Gwapo siya? Kung hindi pa siya mukhang túbol—”“Hanni, iyang bibig mo, ha!”“Bakit? Totoo naman, ha? Para siyang muscle na nagkaroon ng mukha. Pangit-pangit niya, siya pa may ganang maglok
DAHIL sa malakas na pagtili ng kasamang babae ni Alex at ng iba pang tao, napalibutan si Serena. Kahit nasasaktan ang katawan, tumayo si Hanni at dinaluhan ang kaibigan. “S-Serena, a-anong gagawin natin? Patáy na ba si Alex?”Napaiyak na si Hanni at dahil sa takot, napaluha na rin siya pero mabilis niyang hinamig ang sarili. “Ako ang humampas sa kanya ng upuan kaya lulusutan ko 'to, Hanni.”Hinawakan ng kaibigan ang kamay niya. “Hindi. Damay rin ako. Hindi kita iiwan, Serena. Isa rin ako sa nanakit kay Alex kaya hati tayo sa kasalanan.”Dumating naman ang tinawag na medics at agad na pinuntahan si Alex. Nang sabihin na nawalan lang ng malay si Alex, nakahinga nang maluwag si Serena at Hanni. Hindi sila nakapátay! Pero dahil nakasakit sila ng tao, dinala sila sa presinto ng management at si Alex naman ay sa ospital nadala. “Anong ginawa ninyo at dito kayo dinala?” Mahinahon naman ang tanong pero dahil presinto iyon, napaiyak na naman si Hanni. “Ateng pulis, sinaktàn po namin si Alex
Patuloy pa ring nagpupumiglas si Inez at Paris, pero sa totoo lang, babae lang naman sila at kapwa payat. Kahit anong gawin nilang pagsisigaw at paggalaw, wala rin silang nagawa. Hinawakan sila ng mga trabahador sa kamay at paa, tapos binuhat palabas ng bahay, diretso paibaba ng gusali...Hindi alam ni Patricia kung saan sila dadalhin sa huli, pero ang mahalaga... mas tahimik na ulit ang mundo niya!Isinara ni Chastain ang pinto, pumalakpak sa tuwa, at lumapit kay Patricia para magpasikat. "O, tingnan mo, ang laki ng naitulong ko sa'yo ngayon. Paano mo naman ako pasasalamatan? Hindi pa ako nakakakain ng hapunan, may nabili ka namang gulay, baka naman puwede nang may discount diyan?"Sandaling napaisip si Patricia... Sa totoo lang, hindi naman kalakihan ang hiling ni Chastain. Isang simpleng hapunan lang naman, kaya niya ‘yon.Pero naalala niya bigla ang panahon na nagluto sila ni Chastain sa villa ni Daemon. Pakiramdam niya, hindi niya talaga kayang pumayag. Siguro matigas lang ulo ni
Chapter 97PAGKATAPOS pumasok sa isip niya kung sino ang narinig, parang binuhusan ng malamig na tubig si Patricia mula ulo hanggang paa! Ang iniisip niyang dahilan kung bakit biglang nagtrabaho ang tatay niya - na dahil nahihiya ito at ayaw maging pabigat, ay isa lang palang kathang-isip niya. Kaya pala bigla itong nagtrabaho, para pala ihanda ang tirahan para kina Inez at ang anak nitong si Paris?Sobrang labo na ng nangyayari, parang hindi na kayang intindihin ni Patricia ang sitwasyon. Hindi na niya alam kung anong salita ang babagay dito, dapat bang tawagin na walang hiya sina Inez at Paris, o mas nakakahiya pa ang tatay niya?Yung lahat ng mga dati nitong paghingi ng tawad, puro salita lang pala. Ang mga sinabing hindi na raw tiwala sa mag-ina ay puro palusot lang?Nakatayo lang si Patricia sa pintuan, papalit-palit ang kulay ng mukha mula putla hanggang asul. Para talaga siyang pinagtawanan ng tadhana!Habang nasa ganu’n siyang lagay, sumunod sa kanya si Chastain at nagtanong,
Hindi siya pinansin ni Patricia, kinuha ang susi para buksan ang pinto, pumasok, at isinara ito.Sa totoo lang, ang pinakakinaiinisan niya ay ang paulit-ulit nilang panghihimasok sa pagitan nila ni Daemon, ang pakikialam at pagkontrol sa kanila. Kahit pa hindi na niya gustong makasama si Daemon, pipiliin niyang lumayo sa mundo nila at maghanap ng taong tunay na bagay sa kanya, kaysa magkunwaring sweet couple sila ni Chastain.Pag-uwi niya, napansin niyang wala ang tatay niya. Dati, kahit nasa business trip siya, kadalasan ay nasa bahay lang ito, nag-aasikaso. Bihira siyang wala. Napakunot-noo siya. Baka namili lang? Pero hindi naman ito ang karaniwan niyang oras para mamili.Dahil sa babala noon ni Carmina, naging alerto si Patricia at agad na kinuha ang cellphone para tawagan ang tatay niya.Nag-ring ito nang matagal bago sinagot. Narinig niya ang boses ng ama sa kabilang linya, “Pat? Bakit? Hindi ba sabi mo nasa set ka at hindi uuwi?”Nakahinga nang maluwag si Patricia nang marinig
Chapter 96KUMUNOT ang noo ni Daemon at parang nagyeyelong ang mukha niya. Halatang-halata na hindi talaga siya papayag na kainin ‘yung ganung pagkain...Dahil sa sobrang seryoso niya, napabuntong-hininga na lang si Patricia at sumuko. Habang tinitingnan siya ni Daemon na seryoso habang sunod-sunod na isinusubo ang pagkain, napailing na lang ito at pinisil ang sentido na may halong inis, “Patricia, dati ba talagang hilig mong kumain ng ganito?”Tumango si Patricia. “Bakit, may problema ba?”Matagal nag-isip si Daemon ng tamang salita pero wala siyang maisip. Sa huli, napilitan siyang banggitin ang salitang “junk food” habang nakakunot ang noo.Nagkibit-balikat si Patricia. “Eh ano ngayon kung junk food? Masarap naman.” Tapos, ngumiti siya na may kapilyahan, “Tikman mo nga. Wag kang paloko sa itsura. Masarap ‘yan, lahat ng kumain niyan, gusto!” Tumingin sa malayo si Daemon. “Ayoko…”Pero bigla na lang tumayo si Patricia, hinawakan ang baba niya, at pinilit ipasubo sa kanya ang betamax
BUMALING si Daemon at tiningnan siya, tapos pagkatapos ng ilang sandali ay nagtanong. "You are...?"Medyo napatigil ng konti ang ngiti ni Hennessy, pero dahil sanay na siya sa ganitong sitwasyon, hindi siya basta-basta masasaktan. Kaya muling ngumiti siya, hawak ang baso ng alak at lumapit kay Daemon, nakatungo nang bahagya at puno ng alindog ang mga mata. "Mr. Alejandro, talagang madali kang makalimot, ano? Gusto mo bang ipaalala ko sa'yo kung anong nangyari sa atin?"Nasuklam si Patricia nang makita ang pagiging malandi ni Hennessy, at nagpasalamat siya sa sarili na hindi na niya ito assistant.Binalik ni Daemon ang tingin, ininom ang red wine na inabot ng waiter, at walang ekspresyong sinabi. "Hindi ko naaalala ang mga taong hindi importante."Huminga nang malalim si Hennessy. Sinabihan siyang hindi importante? Hindi lang siya ngayon ang pinakasikat na aktres, kahit noong hindi pa siya sumikat, ang daming lalaking nagkakandarapa para sa kanya!Ang ganda-ganda niya, samantalang si Pa
Chapter 95BAGO pa man makasagot si Patricia, binaba na agad ng kausap ang tawag. Umupo siya sa bench sa rest area ng matagal at ang laman lang ng isip niya ay ang mga sinabi ni Carmina... Alam niyang maihahambing ang sitwasyon niya ngayon na parang may natapakan na naman siyang bomba, pero saan ito sasabog? Ano bang ibig sabihin ni Carmina?Sa mga sandaling iyon, bumaba na sa kabayo si Daemon at lumapit sa kanya. Pagkakita niya kay Patricia na hawak ang cellphone at mukhang litong-lito, agad na kumunot ang noo niya at inagaw ang cellphone mula sa kamay nito. Tiningnan niya ang call record. Hindi pamilyar sa kanya ang numero, pero tinawagan niya ito pabalik.Nang napagtanto ni Patricia ang nangyayari, gusto niyang sunggaban ang cellphone pero madali siyang pinigilan ni Daemon. Isang kamay lang nito ang ginamit para hawakan ang ulo niya, kaya hindi siya makalapit. Ang kabilang kamay naman ay hawak pa rin ang cellphone habang nakakunot-noo siyang naghihintay ng sagot mula sa kabilang li
May dalawang babae pa sa tabi ni Patricia na nagpapahinga rin. Bawat isa sa kanila ay may hawak na puting kabayo. Habang umiinom ng tubig, pinapanood nila si Daemon habang nakasakay. Nang mapansin ni Daemon si Patricia na nakasakay sa isang maliit na kabayo, parang naduwal si Daemon sa itsura niya.Tahimik na sinubukan ni Patricia na igalaw ang kabayo palayo... pero ayaw gumalaw ng kabayo! Kahit coach man lang sana, pero nung tumingin-tingin siya sa paligid, wala siyang nakitang coach... Biglang pumalo ng buntot ang kabayo at inalog ang katawan nito. Kung hindi mabigat si Patricia, siguradong nahulog na siya.Yung dalawang babae na umiinom ng tubig, nagtawanan nang may pangmamaliit. “Grabe, kung hindi ka naman pala marunong sumakay, bakit ka pa nagpunta dito? Ang laki-laki mo na, tapos ‘yan ang kabayong sinakyan mo? Nakakahiya ka naman.”“Sayang ang magandang kabayo.”Gusto na lang sanang maghukay ni Patricia at magtago sa ilalim ng lupa.Nang makalibot na si Daemon, bumaba siya sa ka
Chapter 94NANG magising si Patricia, hindi siya nasa ospital kundi sa isang attic na ang disenyo ay mukhang luma at vintage. Gawa sa kahoy ang mga pader at may maliit na bintanang may mga baging. Presko rin ang hangin at mukhang sobrang komportable ng lugar.Paglingon niya, nakita niyang katabi niya si Daemon na natutulog, kaya napakunot ang noo niya.Nakahiga si Daemon sa labas ng kumot, hindi nagbihis at kalmado lang ang mukha, parang hindi pagod at bahagyang nakangiti ang labi.Medyo tulala si Patricia habang nakatitig, pero sakto namang dumilat si Daemon at nagtama ang mga mata nila.Nabigla si Patricia at dali-daling umiwas ng tingin, tapos bumangon at bumaba ng kama.Napangiti si Daemon, nagniningning ang mga mata, saka sumandal gamit ang kamay at sinulyapan si Patricia. “Ang tapang mo ha, horror movie ang pinasukan mo, eh ang duwag-duwag mo.”Hindi sumagot si Patricia, kinuha na lang ang coat sa silya at sinuot, tapos tiningnan siya ng masama. “Dedikado ako sa trabaho ko!”Umi
Nagkagulo sa shooting site. Nakakainis na ngang may naaksidente, tapos bigla pang nahimatay ang manager sa gulat. Hindi napigilan ng director na pagalitan ang babaeng gumanap na multo na bigla na lang lumitaw. "Di ba sinabi ko na tapos na ang eksena mo at pwede mo nang tanggalin ang makeup mo? Bakit ka naglalakad-lakad pa diyan na naka-costume? Ikaw tuloy ang naging sanhi ng gulo!"Walang pakialam ang aktres at tinignan lang si Patricia na nakahandusay sa lupa, sabay malamig na buntong-hininga. "Kung matatakutin siya, wag siyang sumunod-sunod dito! Para siyang bubble gum na hindi matanggal kay Andrei, takot yatang hindi malaman ng iba na si Andrei ang boyfriend niya!"Ramdam ng lahat ang selos sa tono niya... Mukhang isa na namang tagahanga ni Andrei. Alam naman ng mga natitirang assistant kung anong meron, pero dahil magkakasama sila sa trabaho, wala silang magawa kundi magpakumbaba at huwag palakihin ang issue.Sabi ng onsite doctor, nawalan lang ng malay si Patricia pero wala naman