Share

Chapter 16

MAAGA pa lamang naghanda na si Yumi ng mga sangkap para sa lulutoin. Dahil paborito ni Vincent ang baka, kaldereta ang naisip niyang lutuin at iyon din ang sinabi ni Victoria. Ayon sa ginang ay matagal na raw siyang hindi nakaka-kain niyon. At gusto nito'y maanghang. Isang oras at kalahati rin siyang nasa kusina, hindi lang isa ang kanyang niluto. Gumawa rin siya ng vegetable salad at soup. Tumulong si Manang Fe, Ella at Marrie sa paghanda.

Makahulogang nagkatinginan ang mag-ina matapos makita ang nakahaing pagkain sa kanilang harapan. Si Vincent nama'y sarap na sarap sa pagkain, espesyal ang lutong iyon dahil ang babaing unti-unti na nitong minamahal ang nagluto. Naglagay na ito ng pagkain sa pinggan.

"Hep! Sandali! Puwede ho ba na mag-pray muna tayo bago kumain. Magpasalamat sa nasa Taas sa biyayang pagsasaluhan natin ngayon."

Muling nagkatinginan ang mag-ina ngunit walang kumontra sa kanila. Sumang-ayon pa nga si Victoria at ito pa ang unang nagdasal. Pagkatapos niyo'y sabay-saba
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status