"Narnia, where the heck are you going?" Tarantang tanong ni Clythie nang makita niyang nagmamadali akong lumabas ng bahay.Hindi ko siya sinagot. Hindi ko na kayang magsalita. Ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas na dagundong ng dugo sa mga tainga ko.Sa isang iglap, nasa Devil Village na ako, sa mismong mansyon nina Eros. Lahat sila nandito—nagtipon, para saan? Para pag-usapan kung paano nila tatakasan ang kasalanan nila?Wala akong pakialam.Dumeretso ako kay Hussein—hindi ko alam kung sino ang sumigaw para pigilan ako, pero huli na ang lahat.Isang suntok at sipa.Tumilapon siya sa sahig, may dugong dumaloy sa gilid ng labi niya."Narnia!" May nag-humawak sa braso ko, pero tinabig ko ito."Calm down, anak."Nanigas ang katawan ko. Tita Cassy."Hindi mo ako anak!" Sigaw ko, halos yumanig ang buong mansyon.Biglang tumayo lahat ng anak ni Ma’am Cassandra. Kahit ang asawa nitong si Dark, ramdam ko ang mabigat niyang titig sa akin—puno ng babala, ng galit. Pero ano sa tingin ni
"May naghahanap sa’yo, ‘yun ang alam ko." Biglang sabi ni Diwata, hindi man lang lumingon sa akin habang nakatutok sa phone niya. "Si Azyl ata, ‘yung ate ni Azura. Si Azura naman, hindi siya hinayaan ng asawa niya na malaman ang mga nangyayari. Buntis kasi siya. Masama sa baby. Gano’n din si Selene, pero matutuloy na ang kasal niya next week." Napakunot-noo ako at napatingin sa kanya. "Sino source mo?" Tumingin lang siya saglit sa akin bago muling ibinalik ang atensyon sa phone niya. "Akin na ‘yun." Napakamot ako sa pisngi, asar na sa sagot niya pero wala akong nagawa. Napatingin ako sa paligid, pilit iniisip kung paano makakalabas nang hindi niya namamalayan. Ang tagal ko na sa bahay. Naiinis na ako sa sarili ko, sa sitwasyon, sa lahat. Nayayamot na ako sa bahay pero hindi ako hinayaan ni Diwata makalabas ng bahay dahil baka magtransform daw ako. Takte! Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mas maiinis dahil sa sobrang overprotective niya. Biglang
Napakurap ako. Shuta! Ang haba naman ng name. Kastila nga!"Ang haba naman." Komento ni Diwata."So, what's about him? Don't tell me, nagstalk ka sa kanya? Kilala kita, Noémie." Taas kilay na sabi ni Clythie kay Noémie.Ako naman ay napatanga. Iniisip ko si Belial na tauhan ni Cascioferro. Imposibleng siya ang tinutukoy ni Noémie pero malay ko naman kung siya nga. Eh, di ko alam full name nun. Di kami close.Kung Navy, bakit nagtatrabaho siya kay Cascioferro?"Di ko napigilan. So, I stalked him. Mas lalong pomogi tapos daddy vibes." May halong tawa sa huli."Ewan ko sayo. I thought ex-crush na?""Ex-crush na nga. It's not bad to admire him because he's a Navy officer." Nakasimangot na sabi ni Noémie."At anong balak mo ngayon? Magpa-assign sa Navy para lang makita siya?" tukso ni Clythie habang nakangisi."Gaga! Syempre hindi!" Napairap si Noémie, pero kita sa mukha niya ang natatawang inis. "Alam mo namang wala akong balak bumalik sa past, pero grabe lang kasi, ang laki ng pinagbago
Dahan-dahan kong hinaplos ang itim na takip, parang inaabsorb ang init ng papel. American Mafia, commonly referred to in North America as the Italian-American Mafia, the Mafia, or simply the Mob, is a highly organized criminal society rooted in Italian-American communities, known for its deep influence in politics, business, and law enforcement. The Five Families: • Genovese Crime Family Once hailed as the most powerful of the Five Families that ruled over organized crime in New York City, the Genovese Crime Family has undergone a terrifying evolution. Now known as the Smith Crime Family, it has shed its old skin and emerged under a new, more ruthless name. According to the document: > “In early 20*, the Genovese Crime Family saw a violent and unprecedented rise to power by a new figure: Zuhair Eros Smith.” “He led an internal coup, executing the former boss in cold blood during a closed-door council meeting. Witnesses to the assassination were either silenced through
Tangina! Ang laki ko talagang tanga. Ako ang kusang pumasok sa patibong nila. Mundo nila. Saan ko ba nakalimutan na ang lahat ng ito ay laro nila, at ako lang ang naiwan na napaka-bobo, pinili kong magtiwala sa maling tao. Hindi ko na alam kung sino ang dapat kong paniwalaan. Ang gang? Huh! Mas lalo pa yung mga ‘yon. Mga anak ng mafia, magkakaibigan pa ang mga ama nila. Baka nga isa sa kanila ay myembro rin ng La Nera Bratva, at tapat sa Pakhan. Baka nga siya pa ang dahilan kung bakit di ko mahanap-hanap ang mga salarin. Ang hirap. Hindi ko alam kung saan ako tutungo.Mapait na tawa ang lumabas sa bibig ko. Tangina! Bakit ngayon ko lang naisip yun? Ang tanga-tanga ko nga talaga. Paanong hindi ko nakitang may mas malaking laro pala sa likod ng lahat ng ito? Ipinako ako sa isang gulong ng kasinungalingan. Ang mga nangyari, ang mga desisyong ginawa ko, parang isang matinding pagkakamali na hindi ko kayang ikumpuni.Napahinto ako at napatingin sa mga larawan na nakadikit sa dingding. Tatl
Nagising ako sa isang puting kisame na agad sumalubong sa aking mata. Ang huling naaalala ko ay ang pagkahimatay ko nang bigla dahil sa sobrang pag-iyak at hindi ko na kinaya ang lahat ng nararamdaman ko. "Witch, gaga ka! You're pregnant! Anong drama mo, huh? Buti na lang at may poging guardian angel ka na nagdala sa’yo dito. You almost miscarried, and I'm glad your baby is strong." Agad niyang bungad nang makita akong nagising. Habang binibigkas niya ang mga salitang iyon, nagsimula akong mag-process ng lahat ng sinabi niya. A-ano? Teka, parang mali ata ang narinig ko. "A-Ano sabi mo?" tanong ko, sabay lingon sa kanya na parang hindi makapaniwala. Napahinto siya, at may kunot-noong tumitig sa akin, parang nagtataka kung bakit hindi ko agad naintindihan. "You're not bingi, Narnia. Pero, okay fine." Isang malalim na hininga at parang napuno ng inis ang boses niya. "You're pregnant. Period. Congratulations! May junior na ang fuck buddy mo." Napailing ako, at kinabahan nang m
Dalawang araw akong nanatili sa ospital. Hindi dahil gusto ko—kundi dahil kailangan. Sobrang stress ang dinanas ko, at ayon sa doktor, ang katahimikan lang ang makakatulong para mapanatag ako at ang sanggol sa sinapupunan ko. Ngunit kahit anong pahinga ang gawin ko, hindi matahimik ang puso’t isipan ko. Pagkatapos ng dalawang araw, nagdesisyon akong umuwi sa Tondo. Malapit lang ito kumpara sa rest house nina Kuya Benjamin—asawa ni Ate Esme. Mas pinili kong mapalapit sa kung ano mang pamilyar, kahit pa wala na ring kasiguruhan ang “pamilyar” sa buhay ko ngayon. Pero hindi ko inakala… na sa pagbukas ng pinto, ang una kong makikita ay ang taong pinakaayaw ko nang makita—si Eros. Nasa sala siya, nakaupo. Nakayuko. Pero nang mapansin ang presensya ko, agad siyang napatingin. “Narnia?” mahina niyang bigkas sa pangalan ko, parang hindi siya makapaniwala na nandoon ako. Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya. Ang pagod at sakit, biglang bumalik nang makita ko ang
"Anong magagawa ko? I'm an OB, not a police officer or some undercover agent. Paano kita matutulungan sa ganitong sitwasyon?" Hindi ko rin maintindihan kung bakit siya ang nilapitan ko—si Doc. Pero wala na akong mapuntahan. Lahat ng dapat kong takbuhan, unti-unti nang lumalayo o nagiging estranghero sa mata ko. At sa dami ng pwedeng lapitan, siya pa rin ang naisip ko. "Desperado na ako, Doc..." bulong ko habang naiiyak, pilit na tinatago ang panginginig ng boses. "Kailangan ko ng tulong mo. Kahit konti lang. Kahit ‘yung maramdaman kong may kakampi pa rin ako." Sandali siyang natahimik, halatang gulat at naguguluhan sa paglabas ko ng emosyon. Tumikhim siya at maingat na nagtanong, "Bakit hindi mo kay Azyl hiningi ang tulong?" Mapait akong ngumiti, at marahang umiling. "Hindi ko na mahanap ang tiwala ko sa kanya, Doc. Parang... pakiramdam ko, pinagtaksilan din niya ako. Baka nga isa siya sa mga may alam sa nangyari pero pinili niyang manahimik. Nilapitan niya ako, oo... pero b
Ilang saglit pa, bumukas ang pintuan ng simbahan. Napaangat ang tingin ko—at agad kong nakita ang pamilyar na anyo ng isang matandang lalaki sa puting barong. Sunod-sunod na pumasok ang ilang babae at lalaki, pormal ang mga suot, pero kapansin-pansin ang tensyon sa kanilang mga kilos. Hindi sila basta bisita—pamilya ni Eros. Nagpatuloy ang mesa habang nagsitungo ang pamilya ni Eros sa bakanteng upuan. Napansin ko na tila may hinahanap ang paningin nila. Dumako ito sa pwesto namin at nang magtagpo ang paningin namin ni Tita Cassy ay agad akong napaiwas ng tingin. Napakagat ako ng labi habang nakatitig sa altar at pari. Kinabahan ako. Nahihiya. Alam kong naintindahan nila ang sitwasyon ko noon pero di yun okay sa akin. Hindi maganda ang ginawa ko sa kanila. Nadala ako sa galit—sa lahat. May karapatan ako diba? Pero bakit mabigat pa rin kapag nagkita kami? Siguro, nahihiya ako sa ginawa ko. Huminga ako ng malalim. Di ko na dapat inaalala yun. Sabi nga ni Eros, magsisimula ulit ka
Today is our Aslan's Big Day! Isang taon na ang anak namin at mabibinyagan na rin. Parang kailan lang, nanginginig pa ako sa delivery bed habang si Eros ay mahimatay. Ngayon? Heto kami—kompleto, masaya, at sabik sa bagong yugto ng buhay pamilya. Maagang nagising si Eros. Siya pa ang unang nagbitbit ng mga giveaways at nag-ayos ng photobooth. Ako naman, busy sa pag-aasikaso ng mga damit, gatas, at extra diapers ni Aslan. Maaga ang mesa sa bayan lalo na’t Linggo ngayon—ang misa para sa binyag ay nakatakda ng alas-diyes ng umaga. Everything was fine simula kagabi. Mula sa catering, handa, at clown party para sa mga anak ng bisita namin. May nag-aayos na rin ng dessert table at mini-play area sa garden. Ang saya, ang colorful, pero hindi overwhelming. Gusto naming intimate pa rin kahit may kasamang kislap. About sa ninangs and ninongs, hati ang gusto namin ni Eros. Gusto ko sana kaunti lang para mas personal, pero gusto rin ni Eros ng madami lalo na’t marami siyang kaibigan—business p
"Ahm, Melpomene?" Mabilis akong napalingon kay Eros. Seryoso ang boses, at nakakunot ang noo. Tinawag din niya akong Melpomene. Seryoso nga siya. Mabilis malaman kapag nagseseryoso si Eros. Kukunot ang noo, tapos kakamot sa batok—parang ngayon. Napansin kong medyo hindi siya mapakali. Nakatayo lang siya sa gilid ng kama, habang ako’y nakaupo, inaayos ang mga gamit ni Aslan para sa photoshoot mamaya. Tahimik si baby, nakahiga sa crib at nakanganga habang mahimbing ang tulog. “Bakit?” Taka kong tanong, pinipigilang kabahan. Nagkibit-balikat siya saglit, tapos—yun nga, nagkamot sa batok. “Hmmm… My family wants to attend Aslan’s birthday and baptism.” Biglang kumislot ang dibdib ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako o matataranta. The Smiths? Yung buong Smith clan? Hindi ko agad nakasagot. Nanuyo ang lalamunan ko habang tinitigan ko si Eros. Alam kong hindi rin siya kampante sa balitang ‘to. Pero malinaw ang intensyon niya—ayaw niya akong gulatin, kaya sinasabi niya ngayon
"Isasabay na lang natin sa birthday ang binyag niya. Para isang gastos lang," sabi ko habang maingat kong isinusuot ang bagong diaper kay Aslan.Tahimik lang si Eros sa tabi ko, nakaupo sa gilid ng kama, pinapanood ang bawat kilos ko na para bang bumibilib siya sa simpleng ginagawa ko. Alam kong gusto niya itong gawin pero nakakabanas dahil parang nakalimutan niya atang ina pa rin ako ni Aslan. Pambihira!"Hoy, nakikinig ka ba, Smith?" medyo inis kong tanong, dahil wala man lang akong narinig na sagot mula sa kanya.Nagkatinginan kami. Nataranta pa siya ng kaunti bago sumagot."Huh? Ah, oo naman. Ayos lang kahit hindi natin isabay. May pera naman ako, Narns. Pero kung 'yan ang gusto mo, edi okay. Para isang big celebration na lang kay Aslan," sabi niya, ngumiti pa ng nakakaloko habang pinisil ang dulo ng ilong ko.Natawa ako ng mahina, pero agad kong binalingan ulit si Aslan.Napatingin ako sa maliit naming anak—ang buhay na patunay ng pagmamahalan namin.Namin.Hanggang ngayon, may m
Pagkatapos naming makalabas ng ospital, dumiretso kami sa mansyon ni Eros — sa wakas, sa bahay na para sa amin. At doon nagsimula ang bagong kabanata ng buhay ko: bed rest, breastfeeding, sleepless nights, at pagdilat sa madaling araw dahil umiiyak si Aslan, naghahanap ng gatas o yakap. Pagod ako, bugbog ang katawan, pero punô ng pagmamahal ang puso ko. At si Eros... Wala akong ibang maihiling pa. Hands-on siya sa lahat — sa pag-asikaso kay Aslan, sa pag-alalay sa akin, sa bawat maliit na bagay na akala ko ay kakayanin ko mag-isa. Bawat pag-iyak ni Aslan sa dis-oras ng gabi, si Eros ang unang bumabangon. Siya ang nagpapalit ng diaper, nagpapakalma, nagpapasyal sa hallway habang ako naman ay pinipilit ipikit ang mga mata kahit ilang minuto lang. Hinahanda niya ang hot compress ko kapag sumasakit ang likod ko, minamasahe ang binti ko kapag namamanhid na. Siya ang gumagawa ng mga bagay na hindi ko kailanman inakalang hihilingin ko sa isang lalaki. Ayaw niyang mabinat ako. Tila ba
Magulo ang buhok, para siyang sinapian ng tatlong kaluluwa dahil sa panic. Yung polo niya, hindi pantay ang pagkakabutones. Yung sapatos niya, isa nakatali, isa hindi. Parang nakalimutan niyang tao siya. Halos mapigtas ang leeg niya kakalinga ng tingin, desperado niyang hinahanap ako sa gitna ng puting kwarto. Nang magtagpo ang mga mata namin, parang may humila sa kanya — agad siyang lumapit sa akin, halos hindi na niya pinansin ang mga nurse na nagpipilit siyang suotan ng protective gown. "Baby..." bulong niya, nanginginig ang boses. Nanginginig ang kamay. Napakapit siya sa kamay ko, pinaghalo ang kaba at pagmamahal sa mga mata niya. Ramdam ko ang panlalamig ng kamay niya. Putlang-putla ang gago at halatang blanko ang isip. Parang anytime pwede na siyang mawalan ng malay. Tangina, sino ba talaga ang nanganganak dito? Hindi nakakapag-isip ng tama ang lalaking 'to sa kapag ganito ang kalagayan ko. "Ayos lang ako," bulong ko, pilit na pinapakalma siya kahit ako halos mabaliw na sa s
Paglabas namin ng pinto, agad kong nakita ang nakahandang sasakyan — may driver, oo, pero hindi ko siya kilala. At hindi lang 'yon ang ikinagulat ko. May isang batang lalaki na nakatayo sa tabi ng kotse, mga pito o walong taon siguro ang edad. Maputi, kulay asul ang mga mata, seryoso ang mukha — at sa isang iglap, para akong nakakita ng batang Eros. Sino 'to? Nagkaanak ulit si Tita Cassy?! May hindi ba sila sinasabi sa akin?! "The bag is ready in the car, Mom," anito, seryosong-seryoso ang tono, para bang sanay na sanay sa emergency. Mom?? Napanganga ako. Nagkakamali ba ako ng dinig? Bago pa ako makapag-react, isang mas matinding contraction ang umatake sa akin, halos mawalan ako ng ulirat sa sakit. Napasinghap ako nang malalim at napakapit kay Athena. "Focus, Narnia. Dahan-dahan lang," bulong niya habang mahinahong inalalayan akong sumakay sa backseat ng sasakyan. Siya naman, parang isang sundalong sanay na sa gera, agad na tumabi sa akin at sinigurong nakaupo ako nang maayos.
"Athena!" Gulat kong bulalas makita ang babaeng nasa sala. "Ba't ka nandito? Nasaan si Eros?" "He left for a meeting with some mafias." Hindi niya inaalis ang kanyang mga mata sa laban ng women's volleyball sa TV. "May kailangan ka ba?" Huminto ako sa harap ng screen, ang tanging paraan para makuha ang atensyon niya. Sumilip siya sa gilid ko. "There's no need to show off your big belly, Narnia. I know you're nine months pregnant and ready to give birth." "Alam mo pala eh. Ba't hinayaan mong umalis si Eros? Paano kung manganak ako ngayon?" Umirap si Athena at nag-inat pa habang nakaupo. "Hindi ka naman biglang hihiga diyan sa sahig. Relax ka lang, Narnia." Napapikit ako sa sobrang inis. "Hindi 'to biro, Athena. Paano kung sumakit na 'to bigla? Paano kung mabasag 'yung panubigan ko?!" Tumayo siya sa wakas, pero hindi pa rin nawawala ang mabigat na aura niya. Nilapitan niya ako at tinapik ang balikat ko. "Chill. Naka-standby 'yung driver. May nakahanda nang emergency bag. Ready na
"Naman!" Napatawa siya, pero mabilis ding naging seryoso ang mukha niya. "Gusto ko kasi... meaningful ang pangalan niya. Yung tipong may kwento." Tumango ako, iniisip ko rin naman yun. "Kung babae, anong gusto mong pangalan?" tanong niya, habang marahan niyang hinihimas ang tiyan ko. Nag-isip ako sandali. "Hmm... Gusto ko ng pangalan na malakas pero maganda. Parang... Althea. Ang ibig sabihin nun, healer. Maganda, diba?" "Althea..." Tila sinasabi niya sa isip niya. "Ganda nga. Bagay sa anak natin. Kasi... ikaw din naman yung healer ko." Hindi ko napigilan ang mapangiti, at bahagyang gumuhit ang init sa pisngi ko. "E kung lalaki?" balik-tanong ko naman sa kanya. Nag-isip siya ng ilang segundo bago ngumiti. "Gusto ko....Aslan." "Aslan?" Kumunot ang noo ko, halos mapatigil sa paghinga. "Nang-iinis ka ba?" Umiling siya agad-agad, pero bakas sa mukha niya ang pigil na tawa. "Hindi, seryoso ako! Aslan. Di ba cool? Para siyang hari... parang sa Narnia." Napataas ako ng ki