All Chapters of CHAINED (Tagalog): Chapter 21 - Chapter 30
39 Chapters
Chapter 20
 NAGISING ako at napansing hindi pamilyar ang kamang aking hinihigaan.Parang mas lumaki at iba ang amoy ng mga bedsheets at unan. Dahan-dahan akong nagdilat ng mata kahit pa hinihila ako ng antok.Nagulat ako dahil iba na ang kulay ng dingding. Kombinasyon na ito ng itim at puti.Saka ko lamang naalala ang lahat. Mula sa bagyo at ang mga damdaming pinakawalan namin ni Lance.Bahagya akong napangiti dahil wala akong nararamdamang pagsisisi sa mga nangyari.Ilang beses ding naulit ang pag-iisa namin ng katawan bago tuluyang naidlip.
Read more
Chapter 21
 ANO ang dapat kong isagot tungkol sa pag-alok niya ng kasal? Nakapagtataka lang dahil naisip pa niya ang tungkol dito samantalang kaninang madaling araw ay isinusumpa niya kaming mga babae.Nanatiling tikom ang aking bibig at nakabibinging katahimikan ang namagitan sa'min. Pero malinaw sa aking pandinig ang malakas na kabog ng dibdib."Hey, don't over think about it," mahina niyang sabi. "I'm sorry if nabigla kita," hinging paumanhin niya.Parang nadulas lang ang kanyang dila at hindi sinasadyang mabanggit 'yon."Let me explain, Sab," kabadong saad niya. "We are in a relationship. Ayokong ikaw ang maipit sa sitw
Read more
Chapter 22
 WALA akong pakialam kung saan dalhin ng aking mga paa. Gusto ko lang lumayo dahil sa nangyari kanina.Parang pinapalabas ni Lance na ako ang may kasalanan. Kahit ilang beses ko pang habaan ang pasensiya, umaabot pa rin sa puntong napipigtas ito.Ang masakit ay hindi niya ako maintindihan. Ang hitsura niya kanina'y sobrang nabigo. Hindi habang-buhay kaya kong titiisin ang lahat ng mga masasakit na salita. Masama bang minsan ipagtanggol ko naman ang sarili? Wala ba akong karapatang magalit o magreklamo?Nakarating na ako sa taniman ng pinya. Medyo malayo na pala ang narating ko. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at wal
Read more
Chapter 23
 ANG sasakyang nasa tapat ng bahay kagabi ang unang pumasok sa aking isip paggising.Dinungaw ko ito dahil baka nasa labas pa rin hanggang ngayon pero nakaramdam ako ng pagkabigo nang hindi na ito nakita.Hanggang ngayon, umaasa pa rin akong nag-aalala si Lance sa akin. Na maisip niya na kasalanan ni Brenna kaya nasagot at nagawa ko iyon.Nagpapakulo ako ng tubig ng dumating si Cindy para magdala ng agahan.Kahit sa pag-uusap namin ay halatang iniiwasan niyang mabanggit ang lalaki."Bago ko pala makalimutan, dinala ko na rito ang wallet at cellphone mo." Inilapag niya ang mga iyon sa aking harapan.
Read more
Chapter 24
 MAHIHINANG PAGTAPIK sa balikat ang nagpagising sa akin mula sa mahimbing na pagtulog.Saka ko naalala ang huling ginawa. Sumakay ako ng bus na hindi alam kong saan papunta. Hindi ko na rin mabilang kung ilang oras na kaming nasa biyahe dahil bukang-liwayway na at may liwanag ng sumisilip sa makakapal na ulap."Saan po kayo bababa, Ma'am?" tanong ng kundoktor."Saan nga po pala ang biyahe ninyo, Sir?" nahihiyang tanong ko pabalik. Tinapunan niya ako ng makahulugang tingin na may kasamang inis.
Read more
Chapter 25
 Mag-iisang buwan na akong nananatili rito sa Santa Elena. Paborito kong tanawin ang pagsikat at paglubog ng araw. Nasa tabing-dagat ako habang hinihintay ang mga sandaling 'yon.May mga pagkakataong marami ang tao sa tourist inn ni Lola, mabuti na lang at nandiyan si Jena, ang anak ng kapitbahay namin na siyang tumutulong sa akin sa paglilinis ng mga kwarto sa inn. Kaya walang ibang ginagawa si Lola kung hindi ang umupo sa kanyang silyang tumba-tumba. Ako na rin ang madalas na nagbabantay ng kanyang maliit na tindahan at gumagawa ng mga gawaing bahay."Ate, tayo na lang daw ang magpunta sa sentro para mamalengke at mag-gr
Read more
Chapter 26
 PUPUNGAS-PUNGAS akong bumangon ng kama saka dinungaw ang bakuran. Kinabahan ako dahil baka may pulis nang naghahanap sa akin. Nakahinga ng maluwang nang walang kahit isang sasakyang makikita sa labas. Saka ko sinulyapan ang dalampasigan. Kumikinang ang tubig-dagat dahil sa sikat ng araw. Tila nag-aanyayang masarap magtampisaw doon.Napagpasyahan kong pumunta roon. Gusto kong basain ang mga paa habang nagpapalipas ng oras.Naagaw ang aki
Read more
Chapter 27
 "YOU'RE FIVE WEEKS pregnant, Mommy," nakangiting sabi ng babaeng doctor habang dahan-dahang ginagalaw ang aparatong nakapatong sa aking tiyan. Nararamdaman ko pa ang lamig ng gel na nilagay niya.Nakahiga ako sa kama dito sa kanyang clinic para sa pinaka-unang ultrasound.Noong una'y itim lang na may mga kaunting puti na mistulang ilaw ang makikita sa monitor pero hindi nagtagal tinigil ng doktora ang aparato sa bandang puson."Ito ang baby mo, Mommy." Turo niya sa kulay puti na nasa gitna ng monitor.Hindi ko magawang gumalaw
Read more
Chapter 28
 "ASAWA ko po talaga?" paninigurado ko.Tumango siya sa akin at may matamis na ngiti sa mukha. Siguradong-sigurado sa kanyang sinabi."Oo. 'Di ba ikaw si Sabrina Escalante-Natividad?" Tiningnan pa niya ang papel na nasa harapan niya.Natividad? Parang may narinig akong kampana dahil sa malakas na tibok ng aking puso. Hindi ko naman nabanggit ang apelyido ni Lance dito sa clinic at hindi ko ginamit ang kanyang apelyido."You can go now, Mrs. Nat
Read more
Chapter 29
 Lance's POVLUMABAS ako ng silid ni Sab dahil ayokong makita niya ako sa ganitong kalagayan. Sa sitwasyon kung saan nadudurog ang pagkatao dahil sa nakaraan ng aking pamilya na hanggang ngayon ay buhay na buhay sa aking alaala.Dumiretso ako sa sasakyan at pinasibad ng takbo pauwi sa hotel na pag-aari ng aking pinsang si Rafael.Padabog kong isinarado ang pintuan at dumiretso sa mesa na may alak. Inisang tungga ko ang isinalin sa baso. Gumuhit ang tapang nito sa aking lalamunan hanggang sa tiyan pero mas masakit pa rin ang nalaman ko ngayon. Mas pinili ni Sab na maniwala sa sinasabi ng ibang tao kaysa manghingi ng pa
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status