Lahat ng Kabanata ng Into Your Arms Tonight : Kabanata 181 - Kabanata 190
201 Kabanata
Chapter 181
Mabilis na nakarating si Cassey sa kumpanya kung saan nagtatrabaho ang ina. Agad siyang bumaba ng taxi at walang pag-aalinlangang pumasok sa loob.Nakangiti pang binati ng dalaga ang receptionist doon saka inilibot ang paningin upang hanapin ang ina. May usapan sila na hihintayin siya nito roon dahil nagsabi siya rito na hihingi siya ng patawad kay Mr. Alvar, ang boss ni Cassandra, dahil sa pagkakamali nila ni Rei dito. Bagama’t dahilan lamang ni Cassey iyon dahil curious pa rin siya sa itinatago ng matandang lalaki na nasaksihan nila ng kapatid kung kaya siya bumalik doon.“Hello, good evening, si mommy po?” magalang na bati niya sa babaeng receptionist saka itinanong ang ina dahil hindi niya ito makita sa loob.Marahil ay nasa make up room ng mga model ito or nasa office ng amo. Kanina habang nasa taxi siya ay tinawagan niya ang ina upang sabihin dito na papunta na siya sa trabaho nito. Subalit hindi na niya ma-contact pa si Cassandra kahit ilang beses niya itong tawagan. Nakaram
Magbasa pa
Chapter 182
A torture master? Hindi niya matawag ang sarili na ganoon na nga ba ang gawa niya since ngayon lamang niya sinubukan ang mga napag-aralan sa kaniyang Uncle Raid kasabay ng iba pa nitong lesson about detective investigation. Hindi rin naman niya matawag na isang torture ang ginawa niya kay Macky sa silid-aralan dahil may personal feelings na involve doon. Subalit sa sandaling iyon ay wala siyang ibang nararamdamang kahit na ano. Ang tanging nasa isipan lamang ng dalaga ay ang malaman ang katotohanan kung nasaan talaga ang ina na si Cassandra. Nang tumayo siya ay puno ng dugo, luha na may kasamang laway ng dalawang babae ang mga kamay niya. Habang sa sahig ay nagkalat ang mga ngipin ng mga ito at sa bibig ng dalawa ay patuloy na umaagos ang pulang likido. “Please, stop! Sinabi na namin sa ‘yo ang totoo!” bulol na sigaw ng isa habang puno ng luha ang mga mata. “Hindi talaga namin alam kung nasaan si Cass, nakita lang namin na isinakay siya ni boss sa sasakyan na dati naman nilang
Magbasa pa
Chapter 183
UNTI-unti nang nagkakamalay si Cassandra. Mariin pa niyang naikunot ang sariling noo dahil nakaramdam siya ng pananakit nito. “Ugh!” daing ng dalaga na marahan pang nasapo ang noo bagama’t nakapikit pa rin ng mga sandaling iyon.Ayaw pa sanang magmulat ng kaniyang mga mata dahil animo kay bigat ng kaniyang ulo subalit nakakaramdam siya ng kakaibang kaba na hindi niya mawari kung bakit.Muli niyang inalala ang nangyari sa kaniya bago siya mawalan ng malay. Nang pumasok siya sa office ng kaniyang amo na si Mr. Alvar upang magpaalam dito na magre-resign na ay malugod naman itong tinanggap ng amo kung kaya siya napahinga nang maluwag. Pagkatapos ay bago siya tumayo upang magpaalam na rito ay inalok muna siya nitong uminom ng tsaa na `ika pa ng amo ay hiling nito sa huling pagkakataon bilang mahaba rin ang kanilang pinagsamahan. Noong una ay ayaw niya itong paunlakan dahil nag-iingat siya nang husto sa lalaki. Subalit nang makita niyang genuine naman ang kabutihang ipinapakita nito sa
Magbasa pa
Chapter 184
“MOM!” sigaw ni Cassey pagkatapos niyang buksan ang pinto ng silid kung saan siya itinuro ng kasambahay ni Mr. Alvar. Nang makita niya ang ina habang nakakubabaw ang lalaki rito ay ganoon na lamang panggigilalas niya. Subalit hindi niya nakalimutang suriin kung may nawawalang kasuotan ang ina. Nang masiguro na hindi pa rin ito nagagalaw ng mapangahas na lalaki ay saka pa lamang siya nakahinga nang maluwag dahil hindi pa siya huli. Mabilis siyang pumasok sa loob upang awatin si Mr. Alvar sa gustong gawin nito kay Cassandra.“I-Ian?” samantalang ang mahinang saad naman ni Cassandra habang matamang nakatingin sa anak.Mahina lamang ang pagkakasabi niyon ng ina subalit dinala pa rin ng hangin sa kaniyang pandinig ang pangungulila nito sa ama. Napahinto sa paghakbang ang dalaga at mariin niyang nakagat ang pang-ibabang labi dahil may bumundol na kirot sa kaniyang dibdib. Napagtanto ni Cassey na hinihintay ng ina na iligtas ito ng ama. Subalit imbes na si Ian ang dumating ay siya. “I
Magbasa pa
Chapter 185
Satisfied ang itsura ni Cassey bago niya tinigilan ang pag-torture kay Mr. Alvar. Nakangiti pa ang dalaga habang pinupunasan ang duguang kamay.“How could this be? Where are my bodyguards? Damn it!” ang paulit-ulit na anas naman ni Mr. Alvar sa sarili habang hindi makapaniwala sa sakit na nararamdaman dahil sa ginawa ng dalaga rito.Noong una ay nagawa pang manlaban ng lalaki habang hinihintay na sagipin ito ng mga tauhan sa labas. Subalit sa paglipas ng mga minuto ay nakakaramdam na ng kawalang pag-asa si Mr. Alvar at desperado nang tinatawag ang mga tauhan—subalit ni isa sa mga ito ay walang dumating upang iligtas ang kanilang amo. Of course, napansin din naman ito ni Cassey na lalo lamang na lumapad ang ngisi.“You think there’s still someone there who can rescue you here, Uncle?” sarkastikong tuya ng dalaga sa lalaki habang pinipilit nitong gumapang palabas ng silid na iyon, upang makalayo lamang sa brutal na dalaga. “W-what dp you mean?” Ang gilalas namang baling sa kaniya ng
Magbasa pa
Chapter 186
“Cassey?” kapagdakan ay tawag sa kaniya ng pamilyar na boses. “Hmm?” mahinang tugon naman niya rito at pilit na inaaninag ang anino sa liwanag ng ilaw. Hinintay niyang tuluyan itong makalapit sa kanila dahil hindi niya naman nararamdaman ang panganib sa boses nito nang tawagin siya. “Uncle?” Nang tuluyan niyang mabistahan ang anino ay ganoon na lamang ang pambubulalas niya dahil hindi niya akalaing ang tiyuhin iyon na sinundan sila roon. Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Raid para sa mag-ina na pinaglipat-lipat pa ang tingin sa dalawa. Nang nasuri nito na walang masamang nangyari sa dalawa ay saka lamang ito napanatag at napahinga nang maluwag. Subalit doon din lumabas ang galit nito dahil sa katigasan ng ulo ng dalaga. “Look, what have you done, brat?” ani Raid na pinameywangan pa ang dalaga. Bahagyang napaatras si Cassey upang hindi masalubong ang galit ng tiyuhin. Tipid pa siyang nagtago sa likuran ng ina upang gawing pananggalang ito. “Yeah, Raid, what have you done to my d
Magbasa pa
Chapter 187
Makalipas ang isang taong paghihintay, araw ng pagtatapos ni Cassey ng mga sandaling iyon. Masaya at nagdiriwang ang kaniyang pamilya kasama ng kaniyang mga kaibigan. “So, what is your next plan?” kapagdakan ay untag sa kaniya ni Aaron habang tahimik siyang nakaupo sa ilalim ng mangga ng kanilang likod-bahay. Alas-sais y media na ng mga oras na iyon at kasalukuyang nagpapahinga at nagliligpit na ng mga pinagkainan ang ina at ang kaniyang abuela. Samantalang si Rei ay kasama ng tiyuhin sa silid nito. Hindi niya alam ang pinag-uusapan ng dalawa subalit nitong mga nakaraang araw, pagkatapos malaman ng kaniyang pamilya na isa siyang detective, ay ganoon na lamang ang pagkamangha ng bunsong kapatid.Nahihinuha ni Cassey na pinipilit nito ang tiyuhin na turuan din itong maging detective kagaya niya. “Pfft!” bahagya siyang natawa habang nakikini-kinita na ang itsura ng tiyuhin habang masama ang tingin ng ina rito. Gayunpaman ay problema na ni Uncle Raid iyon at ayaw na niyang makialam
Magbasa pa
Chapter 188
ISANG buwan na ang nakalilipas nang lumapag ang sinasakyang eroplano ni Cassey sa America. Subalit wala siya roon upang magbakasyon. Naroon siya upang mahanap ang ama na si Ian.Agad na dumiretso ang dalaga sa Los Angeles, California kung saan nakalagay ang address mula sa impormasyong nakalap niya sa ama. Mabilis din naman niyang nahanap kung saan nakatira si Ian sapagkat hindi lihim ang pagkakakilanlan ng lugar. Ang problema nga lamang ay kung paano niya papasukin ang naturang mansyon?Sa unang mga araw na pagmamanman niya roon ay ang unang napansin ni Cassey ay ang mahigpit na pagbabantay ng mga security guard doon. Maliban pang nag-iisang bahay lamang ang naroon at ilang kilometro din ang layo ng kapitbahay, tipikal na uri ng kabahayan sa bansang kinaroroonan. Bagama’t hindi mayayaman ang mga nakatira doon, average lamang kung susumahing mabuti subalit sa nag-iisang bahay kung saan naroroon ang ama ay kitang-kita ang mga bodyguard na nakatira doon na hindi karaniwan sa ibang m
Magbasa pa
Chapter 189
Alas-otso y media ng hating-gabi nang simulan ni Cassey ang kaniyang operasyon. Gamit ang hook na ikinabit niya sa biniling lubid kanina sa hardware, pagkatapos ay maingat niya iyong itinapon sa mataas na pader na doble ang taas sa kaniya. Hindi rin naman siya nahirapan na sa unang subok lamang niya ay kumapit na agad ang hook sa gilid ng pader. Dalawang beses na sinubukan ni Cassey na hilahin ang lubid na hawak upang makasigurado siyang nakakapit na talaga nang maigi iyon.Nang masiyahan ang dalaga ay saka siya mabilis na lumambitin paakyat upang makatawid sa pader. Walang pag-aalinlangang tumalon ang dalaga sa loob ng bakuran kung saang bahagi siya dumaan. Pinakiramdaman pa niya ang paligid kung may nakapansin sa ginawa siya, subalit sadyang tahimik pa rin ang buong paligid. “Phew!” hingang malalim ng dalaga saka hinila ang hook na nakakabit pa rin sa pader. Nirolyo niya iyon at itinago sa maliit na halaman na hindi naman kalayuan sa gawi niya.Muling inilibot ni Cassey ang pan
Magbasa pa
Chapter 190
“Ugh!” daing ni Cassey dahil sa nararamdamang discomfort. Unti-unti na siyang nagigising sa pagkakahimbing at ang unang pumasok sa kaniyang isipan ay ang kirot sa kaniyang batok. Gusto niyang kapain iyon subalit hindi niya maigalaw ang kaniyang mga kamay na nasa likuran. Doon lamang napagtanto ng dalaga na nakaposas ang dalawa niyang kamay.Agad siyang nagmulat ng mga mata sa napagtantong panganib.Nabungaran agad ng dalaga ang rehas sa kaniyang harapan at ang malamig na semento na hinihigaan. Madilim din ang kinaroroonan niya na animo nasa isa siyang basement bagama’t may kaunting liwanag na pumapasok sa maliit na bintana. Naririnig din niya ang patak ng tubig sa kung saan at ang masangsang na amoy na tila natuyong dugo. Hindi niya alam kung saan nanggagaling iyon subalit masama ang hinala niya. “Shit! I’m fucked up!” ang malakas na sigaw ng isipan niya sa katotohanan ng sitwasyon niya ngayon. Muling inalala ni Cassey ang mga pangyayari pagkatapos niyang tumakas sa mansyon kung
Magbasa pa
PREV
1
...
161718192021
DMCA.com Protection Status