"Bakit ganyan ang hitsura mo? Ang payat mo. Pinapabayaan mo ba ang—" "Ano namang pakialam mo sa kung anong hitsura mayroon ako?" Napasuklay na ng buhok si Geoff upang supilin ang awang nadarama. Medyo guilty siya na baka dahil iyon sa annulment nila. "Kailangan kong makialam sa'yo Alyson dahil hindi ka pwedeng mamatay hangga't hindi pa tayo annul. Narinig mo? Ayokong gagamitin mo hanggang kamatayan ang apelyido ko!" "Huwag kang mag-alala, hindi pa ako mamamatay. Ayoko rin namang gamitin ang apelyido mo at ilagay sa magiging lapida ko." Matapos ng tatlong taong pagiging martir at pagkakakulong sa sagradong kasal ni Alyson Samonte kay Geoffrey Carreon ay tuluyan na itong sumuko sa asawa. Sa kabila ng pagtulong ni Don Gonzalo Carreon na pigilan 'yun ay nangyari pa rin. Muntik na sanang magtagumpay ang Don, kaya lang isang pangyayari ang naganap. Nalagay sa alanganin ang buhay ni Alyson at ng mga batang nasa sinapupunan. Iyon ang naging daan upang tuluyang talikdan ni Alyson si Geoff na akala niya ay pipiliin na siya. Lumabas siya ng bansa. Pilit na bumangon, nangarap at nagsikap sa tulong ni Oliver Gadaza, sa pag-aakalang kaya niyang kalimutan ang dating asawa sa paglipas ng maraming taon. Sa pagbabalik niya ng Pilipinas bilang isa ng matagumpay na CEO ng sarili niyang kumpanya, muli kayang magsanga ang landas nila ni Geoff, ngayong nasa iisang industriya na sila? Ano ang mangyayari sa muli nilang pagkikita lalo pa kapag nalaman ni Geoff na nagkaroon pala sila ng triplets na mga anak ng dati niyang asawa na naging lingid sa kaalaman niya ng apat na taon?
View MoreHINDI NA NAGSALITA pa si Alia nang mabanggit ng asawa ang salitang kidney. Dumagundong pa ang puso niya sa labis na kaba. Feeling niya ay mahuhuli na ni Oliver ang pinakatatago niyang result ng check up. Nang tumalikod ito at muling lumabas ng silid ay nakahinga na siya doon nang maluwag. Napahawak
NAGKUKUMAHOG NA SI Alia na pumasok sa loob ng sasakyan ng naramdaman na ang panunuot ng lamig na sinasabi ng kanyang asawa sa kanyang balat. Sumiksik na siya sa tabi ng katawan ng kanyang asawa na agad naman siyang binalutan ng hinubad nitong coat. Hindi pa nakuntento si Oliver, lantarang niyakap na
INUTUSAN NI OLIVER ang secretary na dalhan si Alia ng pagkain sa suite para sa tanghalian. Nag-aalala kasi ang lalaki na baka hindi ito kumain kung kaya naman ang favorite niyang pagkain ang iniutos nitong bilhin ni Carolyn. Ang plano sana ni Oliver ay magkasabay silang kakain ng asawa ng lunch. Tat
ILANG MINUTO PANG naburo ang mga mata ni Alia sa mukha ng kanyang asawa na naghihintay ng kasagutan niya. Hindi ang sakit niya ang nasa isip niya ng mga sandaling iyon kung hindi ang kapatid niyang si Normandy. Gusto niya itong makita at makausap nang masinsinan. Kaya lang nagdadalawang-isip siya ku
BALA-BALATONG NA ANG pawis na napalingon na si Alia. Nakita niyang nasa likod niya pala si Joyce na sa mga sandaling iyon ay hindi na maipinta ang hilatsa ng kanyang mukha. Maya-maya ay umaliwalas na rin naman iyon. Ang buong akala ng babae ay buntis si Alia kung kaya naman ito nagsusuka. “Para ma
NAKALUTANG PA RIN ang pakiramdam ni Alia na lumabas ng hospital. Hindi pa rin siya makapaniwala sa result ng check up niya. Maingat naman siya sa kanyang sarili, kaya naman hindi niya matanggap na mayroon siyang sakit.“Siguro nang dahil ‘to sa stress na inabot ko…” bulong-bulong niya. Mula nang ma
PAGKATAPOS MAKUHA ANG result ng test na pinagawa ng doctor na kanyang nakausap ay nakita ni Alia na bagsak ang magkabilang balikat nito habang ang mga mata ay nakatuon pa rin sa isang piraso ng papel na siyang resulta. Masama na agad ang kutob ni Alia. Parang may masamang balitang ibibigay ang docto
KINABUKASAN, WALA NA si Oliver sa tabi ni Alia nang magising siya. Matapos na bumangon ay nagtungo siya ng banyo. Matapos na maghilamos ay umihi. Blangko ang mga mata ni Alia na napatingin sa tubig na nasa bowl nang makitang kulay pula iyon. May kasamang dugo ang kanyang ihi. Kinusot-kusot niya pa a
INILAPIT NA NI Oliver ang kanyang mukha sa asawa upang halikan ito ngunit mabilis naman iyong inilihis ni Alia. Nandidiri siya sa lalaki. Kanina lang kitang-kita ng dalawa niyang mga mata na hinalikan nito ang ibang babae, tapos ngayon gusto nitong halikan ang labi niya? Hindi siya papayag! Anong ti
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments