Noong araw na iyon, tumawag si Gwen. “May aattendan na awarding ceremony si Tiara Cañedo mamayang gabi. Gusto mo bang pumunta at manood ng live?” Mula nang makabalik sila galing sa malagim na nangyari, naging tahimik na nang husto si Alea. Hindi na ito maingay at hindi na rin tumatawa. Kahit si Thalia ay nagtanong pa, “Mommy, sad po ba si Ate Alea?” Dahil abala si Sierra sa pag-aalaga kay Alea nitong mga nakaraang araw, tuluyan na niyang nakalimutan ang tungkol dito. “Ipapadala ko na ba ‘yung gown?” “Ipadala mo na doon.” "Live ba ang broadcast ng awarding ceremony?" “Oo, sa MT Channel, 7:30 ng gabi.” “Sige, manonood na lang ako dito sa bahay. Ayoko nang pumunta para hindi na maghinala ang iba.” “Sige.” Alas-siyete y bente, umakyat si Sierra sa kwarto, kinuha ang laptop at binuksan ang MT Channel. Inilagay niya ito sa coffee table, tapos kumuha pa siya ng ilang balot ng chichirya kina Thalia at Vester at umupo sa sofa. Handa na ang lahat, at malapit nang magsimula ang live br
Read more