“Sasama si Barbara, Sir! Hindi iyan magpapaiwan! Siyempre, magka room mate kami at kung saan ako dapat nandoon din siya. Hindi ba Barbara?” nakangiting tanong ni Mona. “Huhh…ahmmm, oo! Tsaka, gusto ko din maka-experience kung paano kumain ng pizza. Wala kasi sa sa amin iyan eh.” Sagot naman kaagad ng dalaga na labis na ikinagulat ni Charles. Hindi nga? Hindi pa nakakatikim ng pizza ang babaeng ito? Bakit, wala bang pizza sa lugar kung saan ito luimaki? Taga saang bundok ba ang babaeng ito galing? “Ah, iyan naman pala eh! Ahmm, sir, liligpitin namin itong mga kalat namin tapos magbibihis na kami. Sampung minuto lang po Sir na paghihintay. Promise po, mabilis lang ito.” Exicted na wika ni Mona sa kanya. Kaagad na din naman siyang tumango sabay sulyap kay Barbara. “Okay lang! Take your time! Tsaka, huwag kalimutan na sabihin kina Yaya Lucing ang tungkol dito. Kahit sino, pwedeng sumama tutal, sabado naman. Treats ko ito sa inyong lahat.” Nakangiting sagot niya. Mabilis na tumal
Terakhir Diperbarui : 2025-09-22 Baca selengkapnya