Samantala, pagdating nina Amara at Anton sa mansyon ng mga Almonte, sinalubong sila ng mainit na pagtanggap ng mga tauhan doon. Naghihintay na ang hapunan. Lingid sa kanila, nakapag-iwan na pala si Donya Soledad ng utos sa mga kasambahay na maghanda ng masaganang hapunan sa muling pagbabalik ni Amara."Welcome back, Amara, ay senyorita Amara pala," sabi ng isang katulong. Kinilig naman ang ilan, kasama na si Manang na nagsabi kay Antin ng totoong kalagayan ni Amara noon. Ito rin ang unang beses na siya ay nabuntis."Señorita Amara, masaya po kaming nakabalik na kayo. Dito naman talaga kayo nararapat. Maraming salamat at safe kayo," sabi pa nito."Salamat po, Mamang." Nahihiyang ngiti ang sinukli ni Amara sa matanda.Masaganang hapunan ang pinagsaluhan nina Sonya Soledad, Anton at Amara. Pagkatapos kumain, dahan-dahang tumayo si Donya Soledad at hinaplos ang balikat ng dalawa."Magpahinga muna kayo," malambing na sabi ng matanda. "Iiwanan ko muna kayong dalawa. Kailangan ninyong makapa
더 보기