Pagpasok ko sa office ni Mr. Locan nagulat ako sa nadatnan. Ang daming lalake sa office nya. Napalunok ako. 'Wag ka ng maghimasok pa, Gianna. "Kape,sir." Inabot ko sa kanya ang isang tasa ng black coffee. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa lalakeng kanina pa nakatingin sa akin. Nginitian ako nito. Sya 'yon 'yong kasama ng boss ko sa elevator. Patay. "Kayo ba sir? Coffee?" tanong ko sa kanila. Tatlo palang lalake ang kasama ni Francis dito. Ngayon ko lang sila nakita dito. "No, thank you. Hindi ako kumakape," sagot no'ng lalake na nakatingin sa akin. Medyo singkit ito at maputi rin. Ang ganda rin ng katawan. Napatingin naman ako sa dalawa pang lalake pero umiling lang rin sila. Napatango na lang ako tsaka umusog ng kaunti. Naghihintay sa iuutos ng boss ko. "Ms. Magsandingan, right?" biglang tanong na naman ng lalakeng singkit. Napatingin ako kay Francis pero napainom lang ito ng kape nya. "Opo," maikli kong sagot. "Nice name. By the way, I am Carl." Tumayo ito at naglahad ng kam
Huling Na-update : 2025-06-06 Magbasa pa