Naia Isadora Lastra’s POV Tahimik ang Lastra estate. Too quiet. Ang gate, nakabukas. Walang guard sa labas. Walang ilaw sa veranda. Walang boses ng tauhan ni Lorraine. Parang iniwan na ang buong lugar—o sadyang pinatahimik. Sa loob ng kotse, mahigpit ang hawak ko sa door handle. Si Mira, nakatingin sa akin mula sa passenger seat. “Sigurado ka bang gusto mong gawin ‘to mag-isa?” Tumango ako. “Ito ang simula. Kailangan ko ng mga sagot.” Bumaba ako. Tumama ang malamig na hangin sa balat ko, pero hindi ko ito pinansin. Huminga ako nang malalim bago tuluyang pumasok sa mansion. Pagbukas ko ng pinto, amoy ko agad ang luma at mahalimuyak na pabango ni Lorraine. Nakakapanindig-balahibo—parehong samyo na lagi niyang ginagamit kapag may bisita. Pero ngayon, ako lang ang narito. Maliban sa kanya. Tinahak ko ang hallway, papunta sa music room. Doon ko siya huling nakita noong umalis ako ng bahay. At doon ko siya nahanap muli—nakaupo sa upuang kahoy, nakaharap sa lumang piano.
Terakhir Diperbarui : 2025-07-23 Baca selengkapnya