Xavier IglesiasRight after we enter the lounge room, agad ko na ring ibinaba si Naya mula sa pagkakabuhat ko sa kanya. Matapos kong isara ang pinto niyon ay tinapunan ko siya ng tingin kung saan ay agad niyang tinungo ang kama at doon ay pabagsak na umupo.Napahalukipkip siya kasunod niyon ay ang pagharap niya sa bintana.Sa mga sandaling iyon ay pansin ko ang pagsasalubong ng kanyang kilay lalong-lalo na ang hindi maipintang reaksiyon sa kanyang mukha.Napakamot ako sa ulo ko at napailing na lamang sa inasta niyang iyon. Ngunit bago ko pa man siya sundan ay tinungo ko ang cabinet ko at doon ay isinabit sa bakanteng hanger ang suot kong suit. Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan ko kasunod niyon ay ang pagluhod ko sa harap niya.Right before I could say something, she spoke."You're still mad at me, aren't you?" aniya na hindi man lang tumitingin sa akin. "Hindi ko alam kung ano ikinagagalit mo. Pero tulad ng sinabi ko sa 'yo, wala na sa 'kin ang naging relasyon at pagsasam
최신 업데이트 : 2026-01-31 더 보기