Xavier Iglesias "Nandyan ba si Mr. Ares?" tanong ko sa receptionist pagpasok ko sa lobby ng NGCCE. "Yes, sir," sagot nito na hindi tumitingin sa kausap. "Ano hong kailangan nila? Meron ba kayong appointment? Is the CEO expecting you?" "No," mabilis kong sagot. "And I don't think I need an appointment or to schedule kung kailan ko gustong kausapin ang CEO niyo." Pagak itong natawa. Akmang magsasalita na ito ay natigil ito at agad na naglaho ang ngiti sa labi nito nang mapukol ang tingin nito sa akin. Napalunok ito kasunod niyon ay ang pagtayo nito mula sa kinauupuan nito. "Mr. Xavier." tila ba may pag-aalala niyang sambit. "Pasensya na ho at hindi ko kayo napansin. I'm not-" "Don't mind it. I know you're just doing your job," putol ko sa kanya na agad niyang ikinatango. "Just make sure, next time, tumingin ka sa kausap mo. Hindi lahat ng pumapasok sa kompanya ay may matinong balak." Muli ay tumango siya. Hindi kalaunan ay agad niyang dinampot ang telepono at nagsimulang
Huling Na-update : 2026-02-07 Magbasa pa