CHAPTER 66: Ramdam ko ang pagbaba ng energy ni Itris kaya naman maaga kaming natulog kagabi. Pagkagising ko ay akala ko mahimbing pa ang tulog niya pero wala na kaagad siya sa kama. Narinig kong may naghahalungkat sa kusina kaya hinayaan ko na muna siya at naghilamos na lang. “Ang aga mo nagising ah, palagi namang late ka lalo na kapag alam mong restday,” ani ko kaya inirapan niya ako. “Tigilan mo ako, Ysobelle. Ganitong kulang kulang ang tulog ko ha,” himig naiinis iyon pero alam kong gawa gawa niya lang yun kasi nakita kong ngumisi siya e. “Masyado mong iniisip kaya hindi ka pinapatulog,” asar ko pa kaya napatayo ako ng muntik niya na akong batuhin ng sandok. “Oo na, hindi na, titigil na nga,” sabi ko at tinaas pa ang dalawang kamay na parang umaako ng kasalanan. Naging matiwasay naman ang umagahan naming dalawa at baka hindi kami matuloy sa dagat na nakita ko online. “So, nakapunta ka na rito?” tanong ko at pinakita ang dagat na nakita ko online. White sand, malinis at mag
Last Updated : 2025-12-11 Read more