Share

KABANATA 15

last update Last Updated: 2025-09-18 19:43:03

SANDRA'S POV

Malakas ang buhos ng ulan nang mapagdesisyonan kong tumulak na paalis. Nagpresenta si Mr. Chung na ihatid ako, ngunit tumanggi na ako dahil may plano pa akong daanan. May klase pa ako mamayang hapon at kailangan kong bumili ng materials na kakailanganin para sa individual activity na gagawin mamaya.

"Are you sure na hindi ka na magpapahatid?" Tanong ni Mr. Chung habang pinapatakan nang magagaan na mga halik ang aking braso.

"I'm fine, Mr. Chung, thank you sa pag-offer mo, pero kay kailangan pa akong daanan." Sagot ko at tumayo na matapos maisilid sa aking bag ang mga damit ko na isinuot ko kagabi.

"Okay, hindi na naman kita mapipilit... I just want you to take care of yourself." Sambit niya.

Tumulak na ako palabas ng silid na iyon, naglakad pababa habang nakasabit sa aking kaliwang balikat ang aking puting bag. Nakasuot ako ng highwaist na khaki trouser at isang puting top na kita ang aking pusod habang nakalugay ang aking mahaba at malaalon na buhok. Para naman sa sapin sa paa ay isang puting sandal na may two inches heels.

Nang mapadaan ako sa sala ay tinignan ako ng sabay-sabay ng mga kasambahay sa rest house ni Mr. Chung. Tila ba bago pa rin sa kanila ang aking mukha kahit pa man makailang beses na akong dinala ng kanilang amo. Tunog ng aking sapatos ang maririnig sa buong hallway habang naglalakad ako patungo sa malapad na pintuan upang makalabas na nang tuluyan.

Malalagkit na mga tingin ang ipinukol ng mga guwardiya sa akin nang makalampas ako sa guard house na nilalagian nila, may ilang sumisipol pa. Hindi ko iyong binigyan nang pansin dahil ang mga mata ko ay nakatutok lamang sa malapad at matayog na tarangkahan na nais ko nang labasan dahil unti-unti na akong nababasa ng ulan.

"Galing ni boss mamili ah, sexy no'n!

"Ang ganda pa, mukhang Espanyola!"

"Rinig ko nga kagabi ang mga ung*l ni boss."

"Talaga?"

"Oo nga, ligayang-ligaya talaga."

"Abot-langit ang saya kapag nakakama ng ganoon kasarap."

"Hindi natin afford ang ganoon, ang mamahal ng mga k*pay ng mga 'yan!"

"Tama si Mario, ang mamahal, baka sa isang bayadan lang ay mapag-aral ko na ang isang anak ko ng apat na taon sa kolehiyo."

"Sumbong ko kayo sa mga asawa niyo."

"Ingay mo, Saru!"

"HAHAHAHAHAHA!"

Nang makalabas na ako ay hindi ko na narinig pa ang kanilang mga usapan na animo'y ang pinag-uusapan nila'y walang pandinig. Napailing-iling na lamang ako at agad na pinara ang papalapit na taxi.

"Saan po?" agad na tanong ni Manong driver nang makasakay ako sa loob. Todo ang aircon at amoy na amoy ang lemon na air freshner sa looban.

"Sa palengke po." Sagot ko.

Walang nang nagsasalita sa amin at ilang minuto lamang ay narating na namin ang palengke. Agad akong nagbayad at naglakad patungo sa suki kong nagtitinda ng mga preskong bulaklak.

"Sandra, kumusta?" Nakangiti si Ate Sandy nang batiin ako.

Magkatulad kami ng pangalan at minsan nga'y tinatawag niya akong sangay dahil pareho kaming "Sandra" ang pangalan, ang magkaiba lamang ay "Sandy" ang kaniyang palayaw at ako nama'y walang palayaw talaga, kung ano lamang ang pinaikling itatawag sa akin ng sino man na hango mula sa aking real name.

"Maayos lang naman po, kayo po kumusta na?" Sagot ko at iniisa-isang tinignan ang kaniyang mga paninda.

Ang halimuyak ng mga preskong bulaklak ay labis na nagpapakalma sa akin. Napakabango at nakakaalis ng problema at mga isipin.

"Ito, nag-eenjoy sa maliit kong tindahan... Oo nga pala maiba tayo, dadalaw ka ba ulit sa mga magulang at kapatid mo?" Nakangiti pa rin siya habang nagsasalita.

Napatango ako at simpleng tumugon sa kaniyang pagngiti.

"Death anniversary po nina Mommy, Daddy, at ng kapatid ko ngayon... Sa isang buwan pa ang huli kong dalaw, kaya panigurado ay maalikabok na ang pwesto nila ngayon." Sagot ko at pinili na ang tatlong bouquet ng red roses. Tig 600 pesos ang bawat isa, bagay na alam kong nararapat lamang dahil napakaganda nang pagkakagawa nito.

"Iyan nga ang mabuti... Nga pala, ito ang bibilhin mo? Gawa iyan ng anak kong si Mira," mahina ang boses, ngunit bakas ang pagmamalaki dahil sa gawa ng kaniyang anak.

"Ang galing naman ni Mira, hindi ko na yata siya nakikita rito?" Usal ko habang tinutulungan si Ate Sandy na ibalot ang tatlong bouquets.

"Nag-aaral na siya ng Junior High School sa bayan... Sabi pa niya kagabi ay tiyak daw na paparito ka dahil taon-taon ka namang bumibili rito para sa death anniversary ng iyong mga yumao, kaya nga ay gumawa siya ng disenyo na tiyak na magugustuhan mo." Sambit ni Ate Sandy dahilan upang mapangiti ako.

"May talento itong si Mira ate Sandy ah." ani ko habang pinagmamasdan ang iba pang gawa niya.

"Kaya proud na proud ako sa nag-iisang kong anak na iyon!" si Ate Sandy.

Naputol lamang ang aming pag-uusap nang may dumating na grupo ng mga kalalakihan, purong mga nakaayos at tiyak na bibili rin kaya naman nagpaalam na ako kay Ate Sandy upang makatulak na paalis.

"Mauna na ako Ate, salamat po!" Sambit ko.

Tanging kaway lamang ang kaniyang itinugon at dinaluha't inasikaso na ang mga customers na nagustuhan din ang ibang gawa ni Mira.

Agad akong pumara nang tricycle bitbit ang malaking paper bag na pinaglagyan ng mga bulaklak saka nagpahatid sa munisipyo. Tatlong minuto lamang ang nakakalipas ay narating ko na ito at nagbayad na sa tricycle driver.

Nagtungo ako sa Accounting Office at nagbayad ng aking yearly rent para sa lupang pinaglibingan nina Mom, Dad, at ng kapatid ko. Doon sila ipinalibing sa pribadong lupa kaya naman obligado akong magbayad ng one-thousand five hundred pesos taon-taon.

Sumakay ulit ako ng tricycle upang magpahatid sa sementeryo. Sa tuwing nagtutungo ako sa pinaglibingan ng aking pamilya ay hindi ko maiwasang makaramdam ng pamimigat ng aking loob. Gaya ngayong nalalapit na ang pasko ay mas lalo kong ramdam ang pangungulila sa kanila at ang katotohanang mag-isa na lang talaga ako.

Napangiti ako nang makitang hindi pa naman masyadong maalikabok nang makarating ako sa lupang pinaglibingan nila. Gamit ang face tissue na nasa loob ng aking bag ay naglinis ako nang maigi. Nang makontento na ay inilapag ko isa-isa ang mga bulaklak na para sa kanilang tatlo at nag-alay nang maikling dasal.

"Da, Ma, two years na lang ay graduate na po ako," mahina ang boses na sambit ko habang pinapangilidan ng luha.

"Sidro nagkita kami noong isang linggo ni Benneth, mag-c-college na siya next year, ikaw din sana." Sambit ko habang nakatingin sa lapida ng aking kapatid.

Maya-maya lamang ay naramdaman ko ang muling pag-iyak ng langit, ngunit hindi ako nag-abalang sumilong man lang. Huminto ito kanina at ngayo'y bumubuhos na naman. Umupo ako sa damuhan paharap sa kanilang mga lapida habang nanatili pa rin ang aking mga mata roon. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang aking mga luha.

"Kung naririto pa kayo, hindi ko kailanman mararanasan ang pagiging miserable." Bulong ko.

Palagi na lang nangyayari ang ganito at alam ko, kailanman ay hinding-hindi ako makakausad. Kailanman ay hindi ko maibabaon sa hukay ang sakit nang pagkawala nila sa aking buhay.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)   KABANATA 121

    SANDRA’S POVBago pa man kami tuluyang makalabas ng court room ay naalerto kami nang may isang lalaki na nakaitim ang nahuli ng mga pulis. Pinadapa ito sa gitna habang pinoposasan.“Nautusan lang ako, pakawalan niyo po ako!” Sigaw ng lalaki.“Ano ang nangyayari dito?” Tanong ng hukom.“Nagbabalak po sanang pasabugin ang lugar na ito, mabuti nalang nabantayan at nahuli agad.” Sagot ng pulis na nagpoposas dito.“Sino ang nag-utos sa iyo?” Tanong ng hukom.At inginuso ng lalaki si Emily Mercer na nanlalaki ang mga mata. Itinanggi pa sana niya pero isinumbong na rin siya ng pulis na intern na nakarinig sa pakikipag-usap ni Emily sa telepono bago ang hearing. Ngunit, bago pa man makaalis si Emily ay binangga niya sa balikat sina Madam Rowena at Tita Mirazel na parehong mga nakayuko, habang ako naman ay matalim ang titig niya. Si Arthur naman at si Zillian ay parehong nakayuko habang nakasunod sa mga pulis kasama ang mga magulang nila na masasadlak na sa kulungan.Fives days later…“Ito an

  • The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)   KABANATA 120

    SANDRA’S POV“Ako po si Benjamin Alburo, ang nautusang patayin ang pamilya ng yumaong si Ignacio Asuncion,” wala akong kurap habang nakatitig sa lalaking nakasuot ng kahel na damit, nakaposas ang mga kamay, habang hindi makatingin ng diretso sa madla.Napatingin naman ako sa kabilang hilera at doon ko namalayan na umiiyak ang kaniyang asawa. Ngunit, ang iyak ay hindi dahil nalulungkot ito dahil masasadlak sa kulungan si Benjie, kun’di dahil nasasabi na ni Benjie ang ilang taong pasanin habang hinahabol ng konsensiya.Napatingin sa akin ang ginang at agad na nag-iwas ng tingin nang titigan ko ito. Nakasuot siya ng lumang bestida at sandalyas, nakalugay ang buhok niya, at maputla. Sa tabi nito ay isang batang payat. Sa itsura pa lamang nito ay malalan nang sakitin.“Can you tell us why did you commit the crime? And who were the master minds of the mass killing?” saad ni Ninong Rey. Siya pa rin ang tumatayong abogado ng kaso.Napatingin si Benjie sa mag-asawang Mercer na nakaposas ang da

  • The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)   KABANATA 119

    THIRD PERSON’S POV“Walang hiya talaga iyang mga kapatid mo! At talagang kakalabanin nila tayo?!” Gigil na sigaw ni Emily sa asawang si Zygue na tahimik lamang na nakaupo sa tapat niya.Inis na nag-angat ng tingin si Zygue at matalim na tinitigan ang asawa. Natigilan si Emily at nagulat sa ekspresyon na ipinukol ni Zygue sa kaniya.“Anong gusto mong gawin ko?” Sa wakas ay sumagot na siya sa asawa na kanina pa dada nang dada.“Ano ba sa palagay mo? You need to do something! Ayokong makulong! They will probably be the witnesses and I don’t want that to happened!” Sigaw ni Emily.“Wala na tayong magagawa—”hindi naggawang tapusin ni Zygue ang sana at sasabihin niya nang mapatayo si Emily at iduro siya.“This isn’t the life that you promised me, Zygue… I don’t want to live behind bars!” Sigaw nito na mas lalong nagpainis kay Zygue.Simula nang mahalin niya si Emily ay ginawa niya ang lahat upang mapasaya ito, kahit paman guma

  • The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)   KABANATA 118

    SANDRA’S POVPagkapasok namin ni Sidro sa loob ng gusali ng korte ay agad kong naramdaman ang amoy ng malamig na hangin na sumalubong sa amin, halong antiseptic at papel, amoy na parang nagpapaalala kung gaano kalupit at kalinaw ang katotohanan sa mundong ito. Ang bawat tunog ng mga yabag namin ay tila tumatama sa dibdib ko, para bang bawat hakbang ay isa pang pintig ng puso na hindi ko alam kung tatagal pa ba.Pagliko namin sa hallway, agad kong nasilayan si Tita Mirazel at Madam Rowena. Nakatayo sila sa gilid, magkatabi, at parehong nakayuko, mahigpit ang kapit sa kani-kanilang mga bag. Pero nang makita nila kami, bigla silang tumindig nang diretso, at sa mga mata nila ay naroon ang isang lakas na hindi ko inakala na mailalabas nila para sa amin.“Sandra…” mahinang tawag ni Tita Mirazel, at para akong tinamaan ng isang bagay sa dibdib.Hindi ko mapaliwanag kung bakit nanginginig ang mga tuhod ko habang papalapit kami. Siguro dahil hanggang ngayo

  • The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)   KABANATA 117

    SANDRA’S POVKinabukasan, madaling-araw pa lang ay gising na kami ni Sidro. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o dahil talagang hindi na ako nakatulog nang maayos, pero pagdilat ko, agad kong naramdaman ang lamig sa dibdib ko. ‘Yong lamig na galing sa takot, sa pangambang baka hindi pumabor sa amin ang araw na ito, at sa bigat ng katotohanang ito na ang pinakahihintay naming sandali, ang pagharap sa mga taong sumira ngbuhay namin.Tahimik rin si Sidro habang iniaabot niya sa akin ang mainit na tasa ng kape. Madilim pa sa labas ngunit rinig na namin ang mga sasakyang paroo’t-parito, nagsisimula na sa kanila-kanilang mga araw.“Ate… uminom ka muna, ang putla mo po,” mahinang sabi niya, pero ramdam ko ang tensyon sa boses niya. Halatang pinipilit niyang maging matatag para sa aming dalawa.Umupo ako sa tabi niya sa munting mesa sa kusina. Pareho kaming hindi nag-uusap sa loob ng ilang segundo, na para bang hinihintay namin na kusa nang gumaan ang loob namin. Pero hindi ganoon ang buhay

  • The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)   KABANATA 116

    SANDRA’S POVNatutulog pa rin si Arthur nang matapos na akong makapag-shower at makapagbihis. Ang isiping ito na ang huling sandali na nagtabi kami sa kama ay labis na nagpapadurog ng puso ko. May mga bagay na hindi na kailangang pilitin, lalo na kung ito na ang mismong dahilan ng unti-unti mong pagkakawasak.Bago ako makaalis ay gumalaw siya at umungol. Habang nag-iisa kami kanina ay amoy na amoy ko ang alak sa kaniyang bibig, at alam kong lasing siya, lutang, at pagod sa lahat ng nangyari. Malamlam ang kaniyang mga mata na halatang walang tamang tulog at pahinga. Lalong sumikip ang dibdib ko.Alam kong nasaktan ko siya nang sobra, at alam ko ring hindi niya kasalanan na anak siya ng mga taong sumira ng buhay ko.“Mahal kita, Arthur,” mahinang bulong ko, sabay patak ng banayad na halik sa kaniyang noo.Hindi siya nagising. At tulad nang sinabi niya kanina, ayaw niyang gisingin ko siya kapag aalis na ako at kapag iiwan ko na siya.Pagkababa ko ng Solace Condominiums ay agad akong suma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status