LILY'S POV Marahan niyang hinawakan ulit ang kamay ko at masuyong hinalikan. Parang may gusto siyang sabihin, pero pinipili pa rin niyang idaan sa haplos. Dumulas ang hinlalaki niya sa likod ng palad ko, hanggang sa bumaba sa may pulsuhan ko.“Noong sinampal ka niya,” mahinahon pero mariin niyang sabi. “Kaya ko pa siyang patawarin. Pero ang ipadukot ka, itali ka, at saktan ka…” Napapikit siya, bahagyang pinisil ang kamay ko. “Hindi kapata-patawad ‘yon, Lily. So please, don’t ask me to be kind to her. Because I can’t promise you that. Hindi madadaan ng isang sorry lang ang nagawa niya. Paano kung hindi ka namin nahanap? O kaya ay nahuli kami ng dating? At kung saan nagtagumpay ang mga gagong iyon na saktan ka? Maibabalik ba ng sorry ni Cecilia ang lahat sa ayos? Kahit pa buong mundo ang makalaban ko ay ayos lang, basta maiganti lang kita sa obsessed na babaeng ‘yon.”Napatitig ako sa kaniya. Sa mga mata niyang puno ng galit, takot, at… pag-aalala. Hindi ko alam kung alin doon ang mas
Last Updated : 2025-10-30 Read more