LOGIN"Okay ka lang ba?"
Nag-angat ako nang tingin sa kaibigan kong si Delilah. "May iniisip lang ako. Let's go," saad ko at mula sa upuan ay tumayo. Alam kong hindi ito kumbinsido sa sagot kong iyon pero wala na akong pakialam. Hindi ko maitatanggi na magpahanggang ngayon masakit pa rin para sa'kin ang pagkawala ng aking pinakamamahal na ina. Damn it! Pinipigilan ang sariling mga mata na mapaluha. "Kumain muna tayo, libre ko." Napasulyap sa nakangiti kong kaibigan. "Are you sure, dahil hindi ako tatanggi," saad ko, sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Madali lang namang mag-iba ang aking mood. "Yes, para naman mapasaya kita. Kitams, napangiti kita." Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. Naglalakad kami ngayon patungo sa cafeteria ng school. Napasulyap ako sa orasan. Sa wakas, uwian na rin. It's 4:30 in the afternoon. "Hayan na naman ang dalawa, duh!" "Whatever, bakit naman kasi kasama niya pa 'yang p****k niyang kaibigan?" "Sabagay, baka same sila na p****k rin?" Mabilis na pinigilan ko ang isang braso ng kaibigan kong si Delilah. "Ignore them," matatag kong paalala sa aking kaibigan. "Babasagin ko na ang mga mukha ng mga 'yan!" "Aba, lumalaban na si p****k, guys!" Napahilot ako sa sariling sentido. Damn! Sinasabi ko na nga ba. Sana hindi na lang kami pumunta rito. "Lumabas na lamang tayo rito," saad ko sa kaibigang si Delilah. "What, are you nuts? Takot ka ba sa kanila?!" "No, mas pipiliin ko ang tama kaysa ang makipag-basag-ulo. Do you understand? Wala tayong mapapala kung papatulan natin ang mga 'yan. Remember, huwag mong ipagpalit ang piso sa singko," matapang kong sagot kay Delilah at mabilis na hinila ito palabas ng cafeteria. "F*ck!" "Magmura ka lang diyan, I don't care. Sa labas na lamang tayo, mas makatipid ka pa," saad ko rito. "May magagawa pa ba ako? Naku, kung hindi mo pa ako pinigilan malamang sinapak ko na ang mga 'yon!" "Ang tanong, ano'ng mapapala natin kung sakaling nagkagulo na talaga kanina?" "Suspension siyempre." "Kaya nga, ilang beses ka ng nadawit sa gulo. Isa pa, last warning mo na 'yan, hindi ba?" "Yeah, at surely suspension na ang susunod nito." Nagpatiuna na akong maglakad sabay iling. Kahit kailan talaga lapitin sa gulo ang kaibigan ko. Hindi yata nagkakalayo ang kapalaran namin. "Doon tayo!" "Tara," sagot ko rito. Agad na naglakad kami patungo sa isang karenderya. Tamang-tama gutom na rin ako. Muli, bigla kong naalala ang mga masasakit na salita na ibinato sa'kin ni Seth. F*ck! Hindi ba ako kagalang-galang na babae para tratuhin siya nito na parang p****k? Hindi porket kaibigan niya si Delilah gano'n na rin ang tingin nito sa kanya. Naikuyom niya ang dalawang kamao. Bullsh*t! "Hey, kanina pa ako nagsasalita rito ni hindi mo man lang ako pinakinggan. May iniisip ka na naman?" "Yes, nasaktan lang ako sa mga salitang binitiwan ni Sir Seth patungkol sa'kin," sagot ko rito. Pumasok kami sa karenderya at naghanap nang uulamin. Pinili ko ang pansit at nanghingi na rin ng sabaw. E, 'di nakatipid pa ako. "Mahirap nga 'yan. Malaking problema din." Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. Dala ang aking kanin at ulam. "Ate, 'yong hinihingi ko pong sabaw, salamat po," saad ko. "Sige, ineng ihahatid ko na lang." "Ikaw talaga, ba't 'yan lang pinili mong ulam? Hindi ba't sabi ko libre ko?" palatak ng kaibigan kong si Delilah. Ngumiti ako rito. "Sapat na 'to, okay na ako rito," saad ko rito. Saka naupo sa upuan, pinili ko ang pinakasulok na mesa. Maya-maya ay dumating ang sabaw na kanyang hiningi. Pagkatapos naming kumain ay nagpasya na kaming umuwi. Sumakay kami ng jeep pauwi. Nang biglang tumunog ang aking cellphone. Unknown number. "Sino 'yan?" takang tanong sa'kin ni Delilah. "Hindi ko kilala, e. T'saka, hindi ko sinasagot ang mga unknown numbers," saad ko rito. Hinayaan ko na lamang na mag-ring ang aking cellphone. "Baka importante 'yan." "No, hindi ko kilala. Kaya ikaw 'wag kang magpalit-palit ng cellphone number para sagutin ko ang tawag mo." Hindi naman nagtagal ay naunang bumaba sa'kin si Delilah. Nakangiting nagpaalam ito sa'kin. Kumaway ako rito. "Ingat," ani ko. "Ikaw din, ingat." "Pará po, dito lang po ako kuya. Salamat po," sigaw ko kay Manong driver. Agad na akong bumaba sa naturang jeep. Nakangiting sinalubong ko ang dalawang security guards ng mansion ng mga Montenegro kung saan ako nakatira at nagtatrabaho. "Magandang gabi po," ani ko. "Magandang gabi naman, hija. Alam mo bang nagkagulo sila sa loob dahil nawawala ang kwintas ni Ma'am Celina." "Po?!" bulalas kong tugon. Kumunot ang aking noo. Mabilis na pumasok ako sa looban ng mansion. Nadatnan ko sina Ma'am Celina at Seth na nagtatalo. "How could you, Seth?!" galit na turan ni Ma'am Celina sa anak. Napasapo ako sa aking dibdib. Ano kayang pinagtatalunan ng mag-ina? Nang makita ko si Aling Melba ay agad akong nagtanong rito. "Ano pong nangyayari?" tanong ko. "Ikaw kasi ang pinagbibintangan ni Sir Seth na nagnakaw ng kwintas ni Ma'am Celina. Pero hindi naniniwala sa kanya si ma'am," sagot nito sa'kin. Nanlaki ang aking mga mata nang marinig iyon. Damn! What the, paano naman mangyayaring nanakawin ko ang kwintas na hindi sa'kin? "H—hindi po ako nagnakaw," saad ko. Akmang lalapitan ko ang mag-ina, nang biglang pigilan ako ni Aling Melba. "Ang mabuti pa, 'wag ka na munang lumapit sa kanila. Puntahan mo ang kwarto mo at tingnan mo roon ang kwintas at baka pakulo na naman ito ni Seth para tuluyan ka na talagang mapalayas dito." "Napakasama niya talagang tao. F*ck him!" Inis na nagmartsa ako patungo sa aking kwarto. Nang biglang maramdaman ko ang malakas na kalabog ng aking dibdib. Siguradong si Seth ang naglagay ng naturang kwintas kung sakali mang naroon talaga ito sa aking kwarto. Gano'n na ba talaga ito ka desperado na paalisin ako sa buhay nito? Well, hindi siya magtatagumpay. Bilang ganti ko sa mabait na mag-asawa, hindi ako magpapaapekto sa mga pananakot nito. Never! Matapang kung haharapin ang sukdulang galit nito sa'kin. Mabilis ang kilos na pumasok ako sa aking kwarto, at gano'n na lamang ang gulat ko nang matagpuan ko si Julia. "Ano'ng ginagawa mo rito?" Nagulat ako nang makita ang kwintas na hawak nito. "Magnanakaw!" sigaw nito. "What?!" bulalas ko. "Huling-huli ka na magsisinungaling ka pa ba, Beauty?" sarkastikong turan nito sa'kin. "At sa tingin mo aamin ako sa kasalanang hindi ko ginawa? O baka ikaw ang magnanakaw?" inis kong saad rito. Medyo napaigtad ito. At dahil do'n, naging lead 'yon sa'kin na parang heto ang nagnakaw. O baka naman kakutsaba ito ni Seth? Wow, ang galing naman yata kung gano'n. "Hoy, babae. Huwag na huwag mo akong pagbibintangan. Nakita ko ito sa mga gamit mo!" "Wow, ang galing naman. Ano 'yan may paa na basta na lamang napunta riyan sa mga gamit ko?!" inis kong saad dito. "You can't fool me, Beauty. Alam kong ninakaw mo 'to!" "Then, prove it!" galit kong asik rito. "At patutunayan ko 'yon! Makikita mo!" asik ni Julia sa'kin at walang-gatol itong lumabas ng aking silid. Nailing na lamang ako. Damn! Kahit kailan hindi ko ugali ang magnakaw. Pabagsak na naupo ako sa aking kama. Damn! "Beauty, hija?" "Po? Pasok ka nanay Neri," sagot ko. Sinalubong ako nito sa tila nag-aalalang tingin. "Naniniwala po ba kayo sa paratang sa'kin ni Seth?" "Kahit kailan hindi gano'n ang pagkakilala ko sa'yo, anak." "Nanay Neri gusto ko ng umalis dito. Gulo lang kasi ang dala ko sa pamamahay na 'to. Nang dahil sa'kin kaya namatay ang ipinagbubuntis sana ni Ma'am Celina. Kaya ganyan si Seth dahil sinisisi niya ako sa nangyari noon. Nanay Neri, nasasaktan rin po ako. Ginawa ko ang lahat para lang maging mabuting tao pero bakit ang hirap maging mabait?" Hindi ko na napigilan ang sarili at napaluha ako. This is so insane! Bullsh*t! Naramdaman ko ang pagyakap sa'kin ni Nanay Neri. "Sssh, tahan na hija. Magiging okay din ang lahat, huwag mo na lang isipin para hindi ka ma-stress. Ramdam kong may naglagay ng kwintas sa mga gamit mo. Masama man ang magduda pero si Julia ang alam kong napansin kong pumasok dito kanina." Napaigtad kami nang marinig ang ilang mga yabag at ang pagtawag ni Ma'am Celina sa pangalan ng anak. "Seth, come back here!" "No, ma'am. Dapat lang na turuan ng leksiyon ang taong magnanakaw!" asik ni Seth. "You! Bakit ayaw mong aminin na ninakaw mo ang kwintas? Si Neri mismo ang nakakita nito rito sa kwarto mo!" "Seth, utang na loob, stop this! Nakita na naman ang kwintas pero bakit kailangan mo pang palakihin ang naturang issue?" Marahas na pinalis ko ang mga luha mula sa aking mga mata. Hinarap ko ang mapagbintang na lalaki. "Pwede ba, sir, gamitin mo ang utak mo. I hate to say this to you, but you force me to disrespect you," diretsang tugon ko rito. Sinalubong ko ang galit nitong mga titig na puno nang panghuhusga, oh, well, ano pa nga bang bago sa mga tingin nito sa'kin? "Manang Neri, hindi pa ba dumating si Lucas?" narinig kong tanong ni Ma'am Celina kay Nanay Neri. "Hindi pa po, ma'am." "Please, son. Ayokong magtalo kayo ng dahil lang sa kwintas na 'yan. Kahit ano'ng gawin mo, hindi ako mapapaniwala na si Beauty ang nagnakaw nitong kwintas ko." "Really, and who do you think you are, slut?" Narinig ko ang pagsinghap ni Ma'am Celina. Tila parang dinurog ang aking puso sa masakit na namang akusa ni Seth sa akin. Damn! Ang sakit lang, tagos yata iyon hanggang buto. "I am who I am, that's me. And accusing me a slut is bad, Mr. Montenegro. Kahit sino ka pa, asahan mong hindi kita uurungan. Pwede kitang kasuhan sa mga paratang na ibinato mo sa'kin. May pruweba ka bang isa akong p****k at ako ang nagnakaw nang kwintas ng 'yong ina?" sarkastikong saad ko rito. Gigil ako sa sobrang inis. Damn it! Sinalubong ko ang mga mata na iyon ni Seth. Ngumisi lang ito ng nakakaloko. At inis na iniwan ako sabay tulak sa'kin ng marahas dahilan para mapaupo ako sa aking malambot na kama. "Sorry, sweetheart. Pagpasensiyahan mo na si Seth," hinging paumanhin sa'kin ni Ma'am Celina. Niyakap ako nito. Damn, sobrang bait talaga nito. Pero bakit ba hindi pa nag-mana ang anak nito rito? "Sumusobra na po ang anak ninyo, patawad po kung nasagot ko siya. Kahit kailan hindi ko magagawang magnakaw ng gamit," saad ko rito. "Of course, naniniwala ako sa'yo. Isa pa, alam kong parang planado ang lahat. I secured our room already, hindi ko alam kung paano nalaman ng magnanakaw ang passcode ng kwarto namin. Tatlo lang naman kayo ang nakakaalam. Ikaw, si Aling Neri at Julia." "Ibig sabihin lang niya'n, ma'am. Nasa tatlo ang traydor," diretsang saad ko rito. Nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga si Ma'am Celina. "Yes, pero alam ko na kung sino. Sana lang mali ako." "Sino po ang pinagdudahan niyo?" tanong ko rito. "Si Julia." "Siya rin ang po ang alam kong may gawa," sagot ko. "Pero batid kong hindi pagnanakaw ang pakay niya. Siguro, ikaw ang target niya, Beauty. Gusto ka niyang bigyan ng kasalanan para mapaalis dito sa mansion." Nagulat ako sa rebelasyong sinabi sa'kin ni Ma'am Celina. Nailing ako. "Matagal na rin pong may lihim na galit sa'kin si Julia, Ma'am." "Kaya nga, maybe, ililipat ko siya sa mansion ng kapatid kong si Thirdy. Total naghahanap sila ng isa pang katulong. Ayoko ring paalisin ang batang 'yon dahil magaling naman iyong magtrabaho, ang problema lang sa kanya may hatred siyang nararamdaman para sa'yo." "Sige na, magpahinga ka na. Kakausapin ko lang si Seth. Kailangang kong maliwanagan ang utak no'n. Dahil kung hindi ay baka tuluyan ka na niyang ibalibag sa labas." "Sige po, ma'am. Salamat po," saad ko. Nagpaalam na sa'kin si Ma'am Celina. Sa wakas, makapagpahinga na rin ako. Damn! Hindi ko akalaing magagawa iyon ni Julia sa'kin. Itinuring ko pa naman siyang kapatid. Pero ahas pala. Narinig ko ang pagsara ng pinto, tanda na umalis na si Ma'am Celina. Mabilis na niyakap ko ang aking malambot na throw pillow at nahiga sa aking kama. Pagod na pagod ang hapo kong katawan. Bukas ko na lang siguro tatrabahuin ang aking ilang mga assignments. Muli, biglang tumunog ang aking cellphone, still, I ignored it. Ayoko nang may istorbo sa tuwing nagpapahinga talaga ako. I want to sleep. Para walang istorbo I turn off my cellphone.Nagulat ako nang masilayan ang suot kong bestida. Hindi ko nakilala ang sarili. Omg! Narinig kong inutusan ako ng bading na umikot. Umikot ako at pinuri ako ng mga tao sa looban ng dressing area sa gandang taglay ko nang maisuot ang bestidang mamahalin. Ako ba talaga ang babaeng nakatayo sa harapan ng salamin? Bakit parang ibang tao ang nakikita ko? "I've told you, bagay na bagay sa'yo ang damit na 'yan!" bulalas ni Tita Celina. Napasulyap ako rito."Pero hindi mo maiaalis sa'kin Tita ang sobrang hiya. I don't deserved this," sagot ko rito.Ngumiti sa'kin si Tita Celina. "Para sa'yo hindi deserved. Pero para sa'kin, you deserved."Lumapit ito sa'kin at pinakatitigan ang aking maamong mukha sa salamin. "Thank you, Tita Celina.""I want to see those smile of yours, Beauty. Alam mo bang napakaganda mo kung palagi kang nakangiti? Alam kong nasa stage ka pa na pinapahilom ang sugat na dulot ng pagkamatay ng 'yong ina. Huwag mo naman sanang iisipin na wala kang matatakbuhan. We're here to
ARAW NG Sabado at walang pasok. Lihim akong nagsisisi nang hindi ko man lamang sinagot ang tawag ni Rico kagabi. Nakaligtaan ko ang kaarawan nito. Siguro, dahil na rin sa nangyari kagabi, at sa totoo lang din ay wala rin ako sa tamang huwisyo. Isa pa, hindi ko kayang magsaya lalo na at okupado pa ang isipan ko sa pagkamatay ng aking ina. Napahilot ako sa sariling sentido. "Good morning," bati sa'kin ni Nanay Neri. "Good morning, nay. Kumusta naman po kagabi?""Kaninang umaga inihatid si Julia sa mansion ng kapatid ni Ma'am Celina. At alam mo bang umamin si Julia sa naging kasalanan niya?" Nagulat ako sa narinig mula kay Nanay Neri. Sinasabi ko na nga ba, ramdam ko kagabi nga si Julia nga ang may gawa no'n. At sigurado akong inutusan ito ni Seth. Damn! Konti na lang talaga at masasapak ko na ang anak ng ginagalang kong mga amo. Damn that jerk!"Hindi nga ako nagkamali sa aking hinala kagabi, nay. Ako man ay ramdam kong siya ang may gawa no'n.""By the way, nasa labas si Sir Rico at
"Okay ka lang ba?" Nag-angat ako nang tingin sa kaibigan kong si Delilah. "May iniisip lang ako. Let's go," saad ko at mula sa upuan ay tumayo.Alam kong hindi ito kumbinsido sa sagot kong iyon pero wala na akong pakialam. Hindi ko maitatanggi na magpahanggang ngayon masakit pa rin para sa'kin ang pagkawala ng aking pinakamamahal na ina. Damn it! Pinipigilan ang sariling mga mata na mapaluha."Kumain muna tayo, libre ko."Napasulyap sa nakangiti kong kaibigan. "Are you sure, dahil hindi ako tatanggi," saad ko, sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Madali lang namang mag-iba ang aking mood."Yes, para naman mapasaya kita. Kitams, napangiti kita."Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. Naglalakad kami ngayon patungo sa cafeteria ng school. Napasulyap ako sa orasan. Sa wakas, uwian na rin. It's 4:30 in the afternoon."Hayan na naman ang dalawa, duh!""Whatever, bakit naman kasi kasama niya pa 'yang pokpok niyang kaibigan?""Sabagay, baka same sila na pokpok rin?"Mabilis na pinig
"Beauty!"Napalingon ako sa pamilyar na boses na iyon. And I found him standing right in front of me. Nagtagpo ang aming mga mata. Nagtataka ako kung paano n'ya nalaman ang paaralang pinapasukan ko. Nagtatrabaho na sana ako ngayon kung hindi lang sana ako nahinto nang dalawang taon, nagkasakit kasi noon si Mama. Wala akong choice kundi ang tumigil at alagaan s'ya. "Rico! Pa—paano mo nalaman na nandito na ako nag-aaral?!" gulat kong tanong dito. "Kung mahalaga sa'yo ang isang tao. Mahahanap mo siya lalo na't ang puso mo mismo ang nagturo kung saan s'ya naroon."Napangiti ako sa aking narinig mula kay Rico. "Ang corny mo, ha!" "Alam mong may halong katotohanan ang sinasabi ko, at hindi ka naman siguro manhid para hindi maramdaman iyon. By the way, condolences nga pala. I've heard about it. Hopefully, okay ka na."Sa sinabi ni Rico. Muli kong naramdaman ang pagyakap sa'kin ng labis na kalungkutan. Damn it! Hindi ko man lang namalayan ang pagtulo nang aking mga luha. I bite my lower l
Nasa sariling kwarto ako habang yakap ang larawan ng aking ina. Kanina lang ay inilibing ang labi nito. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na wala na ang mahal kong ina. I was alone, and lonely, my heart was full of agony and miseries. Namumugto na ang aking mga mata sa walang-patid kong pagluha. Paano na ngayon ako gayong wala na ang aking ina? Bumukas ang pintuan ng aking kwarto at pumasok doon ang itinuturing kong pangalawang ina na si Aling Neri. Ang mayordoma ng mansion na matalik na kaibigan ng aking ina. Niyakap ako nito ng buong-higpit. "Darating din ang araw na matatanggap mo ang pagkawala ng 'yong ina, hija. Lahat nang nangyayari sa buhay ng bawat tao ay may rason. Magtiwala ka lang sa Dios na s'yang nakakaalam sa lahat ng bagay." Malumanay na alo ni Aling Neri sa'kin habang ako'y humagulgol."Ang sakit nanay Neri. Hindi ko inaasahan na gano'n lang," tanging nasabi ko, pagdaka'y napayakap nang mahigpit sa naturang mayordoma. "Ang buhay ng tao ay hindi kailanma
"Beauty, pakidala ng mga ito sa hardin. Wala ka bang pasok ngayon?" tanong ni Aling Melba sa'kin. "Po? W-wala po, sino po ba ang nasa hardin, Aling Melba?" kinakabahang tanong ko dito. "Si senyorito Seth at ang mga kaibigan n'ya sa trabaho. Nagka-inuman yata sila. Parang celebration yata ang idinaos nila. Ang sabi pa ay may party mamaya dito sa loob ng mansion mamayang gabi. Malawakang pagod na naman ang igugugol natin nito.""Sa'kin po walang problema, basta lang hindi mapagod si Mama mamaya," nakangiting sagot ko kay Aling Melba. "Dadalhin ko na po ba ang lahat ng 'to?" tanong ko dito habang inaayos ang ilang mga lemonade sa tray. Hindi ko pa rin mapigilan ang sarili na kabahan. Ang isipin na naroon si Seth ay nakaka-kaba. Pero kailangan. Damn! Nagpakawala muna ako ng marahas na hininga saka tuluyang naglakad patungo sa hardin. Ramdam ko ang malakas na pagkabog ng aking puso habang papalapit sa kinaroroonan ng mga kalalakihan. Tantiya ko ay puro mga businessmen ang kasama ni Seth







