Nagpatiuna na akong naglakad papasok sa kanilang mansiyon. Hindi ko na ito hinintay pa dahil nagmamadali ako. Hindi ako maaring magtagal dito dahil marami pa akong gagawin. Pagdating sa loob ay siyang salubong sa akin ni Cassy gayundin sina tita Mabel at uncle Arthur, ang mga magulang ni Diego. Ngunit pansin kong wala yata dito ang kakambal ng magaling na lalaking iyon. "I'm glad you came, iha" anas ng ginang matapos makipagbeso sa akin. "Salamat po sa pag-imbita. Happy Anniversary po sa inyo ni Uncle Arthur. Pasensiya na po kayo at wala akong dalang regalo" nahihiyang anas ko dito habang kamot ko ang aking ulo. "Oh. It's okay. Teka, napano yang bibig mo Diego?" tanong ni tita Mabel ng mapansin ang anak nitong papasok dito sa sala kung nasaan kami ngayon. Paglingon ko dito ay laking gulat ko ng makita kong nagkalat ang lipstick sa palibot ng labi nito. Nahihiyang nag-iwas ako ng tingin ng magtama ang aming mga mata. Bigla ring kumabog ng mabilis ang aking dibdib. "Also,
Last Updated : 2025-10-21 Read more