"Boss ang mga grupong nagpanggap ng hostage taking ay kagagawan rin ng TELAPIA SYNDICATE. Napag-alaman kong isang Mayor ang may pakana nito. Mahilig gumawa ng katarantaduhan ang mayor ng kabilang bayan. Dahil sa paggawa ng pekeng hostage taking ay makakakulimbat sila ng salapi sa sinumang tutulong dito. Napag-alaman ko ring patong patong ang kaso ng mayor, ang kaso ay hindi siya maipakulong kulong dahil malakas ang kapit nito" anas ni Dante.Mukhang alam ko na kung sino ang uunahin ko. Mayor. Mayor. Mayor. "Alam mo ba kung saan nakatira ang mayor na ito?" anas ko dito."Yes boss. Narito ang address" Marahas akong napangisi. Kung sinuswerte ka nga naman. "Sige, maghanda ka Herardo dahil lulusubin natin ang lungga ng mayor na iyan" "At ikaw Herardo, kamusta ang ipinaguutos ko sayo?" "Boss, mukhang matinik si Diego Montenegro, dahil nararamdaman nito agad kung may nagmamanman sa kanya. Katunayan ay nasuntok ako ng isa sa mga tauhan nito sa mata. Pinilit nila akong sabihin kung sino a
Last Updated : 2025-10-09 Read more