Napansin ko namang biglang nalungkot ang mukha ng ginang. Nakaramdam naman ako ng guilt sa aking sinabi. Bakit ko ba sinabing may amnesia ako. Kailangan ko na lamang panindigan ang aking pagsisinungaling. "Since when did you have amnesia, anak?" malungkot na tanong nito. Tumikhim muna ako para mawala ang bara sa aking lalamunan. "A-ano po kasi...N-nadisgrasya ho ako... oo... tama...I met an accident in the UK" gulat namang sinulyapan ako ni Diego at naiiling. Tila hindi makapaniwala sa aking mga sinabi. "Oh. I'm sorry to hear that, iha." anas nito at hinawakan ang aking kamay upang iparamdam ang kanyang simpatya. "Actually, mom... Katrina and I are already married. Since nagka amnesia siya ay hindi niya rin maalala na ikinasal kami" gulat na napatingin ako dito. Ngunit hindi ako maaring mag react ng negatibo. Hinawakan niya bigla ang kamay ko at hinalikan ang ibabaw niyon. "Pero nagsasama pa rin kami sa iisang bubong dahil nais kong maalala niya ang aming pinagsamahan. Diba bab
Terakhir Diperbarui : 2025-10-15 Baca selengkapnya