Hindi pa ako maaaring kumilos ngayon dahil tiyak na kapahamakan lamang ang dulot niyon sa aking kapatid. Kailangan ko munang paghandaan ang bawat kilos ko. Makakatulong sa akin ng malaki ang tracker na inilagay ko sa kanyang balat. Hindi naman iyon makikita agad dahil kakulay ito ng kanyang balat. Kaunting tiis pa aking kapatid. Maililigtas din kita. Ngunit sino ang babaeng nang aalipusta sa iyo?Napapitik ako sa hangin ng maalala ang babaeng kasama nito kanina. Siya lang namin si Anabelle ang dating kasintahan ni Diego na siyang ina ni Cassie. What a small world! Napakatanga mo talaga, Katrina. Baka nga talagang may kinalaman ang lalaking iyon sa nangyayari sa iyong kapatid. Sigaw ng aking isipan. Kung gayon, kailangan ko ng kumilos bago pa mahuli ang lahat. Napakatanga ko talaga at umibig pa rin ako sa lalaking iyon. Paano kung totoo ngang may kinalaman siya sa pagkawala ng aking kapatid at sa kanyang dinaranas? Hindi malabong mangyari iyon dahil dati ng may ugnayan si Anabelle a
Last Updated : 2025-10-30 Read more