"Babilyn, alalayan mo ang Senyorita Karen sa pagpanhik sa hagdan at mukhang inaantok na." Utos ni Troy sa katulong. "Huwag na po, dad, inaantok lang po ako at walang sakit para alalayan." "Huwag matigas ang ulo at baka mapaano ka." Giit ni Troy sa anak. Pinigilan ni Kiana na sumagot pa sa ama at baka masabi ang tunay na laman ng kaniyang saloobin. Gusto niya sanang sagutin ito na gusto siyang baliwin kaya bakit hindi na lang siya hayaang mahulog sa hagdan at mamatay? "Dad, gusto ko na ring matulog." Humihikab na ani Shane. "Then go, bakit naka upo ka pa riyan?" Sita ni Troy sa bunsong anak Napasimangot si Shane at wala nang concern sa kaniya ang ama. Pagtingin niya sa ina ay pinadidilatan pa siya ng mga mata. Mababasa niya ang mensahe nito sa pamamagitan ng tingin na huwag na siyang mag inarte muna ngayon. Gusto lang naman sana niyang maglambing sa ama ngunit dedma na siya rito. Iniwan na ni Kiana ang tatlo sa sala at mukhang nakalimutan nang naroon pa siya. Pagdating sa
Última actualización : 2026-01-26 Leer más