SA OPERATING ROOM — ILANG MINUTO MAKALIPAS Ang tensyon sa loob ng OR ay unti-unting bumabagal, pero ang kaba ay hindi pa rin humuhupa. “Heart rhythm is stabilizing… slowly,” sabi ng cardiotech, nakatutok ang mata sa monitor.Good. Keep the pressure steady. Huwag niyong bitawan,” utos ng head surgeon. Huminga nang malalim ang team. Si Elicia—kahit maputla pa rin—ay may bahagyang pag-angat ng dibdib, mas maayos na kaysa kanina. “Doctor, her vitals are responding,” sabi ng nurse habang pinupunasan ang noo. Tumango ang head surgeon, hindi pa rin bumibitaw ang konsentrasyon. “Continue transfusion. Give her warm IV. We’re not losing her tonight.” SA LABAS NG O.R. Nakanganga si Demon, hindi makagalaw, nakatalukod sa pinto. Nanginginig ang kamay niya, punô ng dugo at galit sa sarili. Nang bumukas ang pintuan, napalingon siya agad. Lumabas ang assistant surgeon, pagod na pagod pero may bahagyang ngiti. “Sir…” huminga siya nang malalim. “Stable na po si Ma’am Elicia.”
最終更新日 : 2025-12-06 続きを読む