Sa pinakataas ng T. Empire Hotel—ang huling palapag na eksklusibong nakalaan para lamang sa mga Torrez—ay kumikislap ang mga gintong chandelier, ang sahig ay gawa sa imported na marmol, at ang bawat sulok ay may bantay na naka-itim, armado at hindi kumikibo. Dito nakatira at nananatili ang mga pinakamakapangyarihang miyembro ng angkan: sina Donya Feyy Torrez, ang reyna ng pamilya; Don Toribio, ang tahimik pero nakakatakot na patriyarka; at ang mga anak nila—si Leonardo, ang panganay, at si Ely Torrez, ang bunso at nag-iisang babae. Sa malawak na lounge na nakaharap sa floor-to-ceiling glass wall, nakaupo si Donya Feyy, suot ang emerald green na bestida, ang leeg ay may kwintas na halos kasing laki ng mata ng pusa ang diamante. Hawak niya ang tasa ng tsaa, habang binabasa ang tablet na may report ng hotel manager. “Balita ko, Ely,” malamig at matigas na sabi ni Donya Feyy, hindi man lang tumitingin, “sarado raw ngayon ang buong T. Empire Hotel? As in buong gusali?” Nasa tapat niy
最終更新日 : 2025-11-28 続きを読む