Pagka-alis nila sa Mall, halos sabay-sabay na umalingawngaw ang sigawan sa loob ng establisyemento. Sa isang iglap, sinisante ng manager ang limang staff—puno ng kaba, takot, at paghingi ng tawad, pero wala silang nagawa. Ang utos kasi ay nanggaling sa pinaka-kinatatakutang pangalan: Demon Villamor. Ilang minuto lang ang lumipas, nasa loob na sila ng itim na SUV. Tahimik. Mabigat ang hangin sa pagitan nila. Habang nakatutok si Demon sa kalsada, bigla siyang nagsalita—garalgal, mababa, pero may bahid ng pag-aalala na kahit siya ay pilit itinatago. “Elicia, aalis ako bukas ng umaga… pero babalik din ako kaagad.” Napalihis ang tingin ni Elicia, parang may kumalabog sa dibdib niya. “Huh? Saan ka pupunta? B-bakit hindi mo nalang ako isama?” tanong niya, puno ng pag-aalangan, nanginginig ang boses kahit pilit niyang pinatatatag ang sarili. Sumulyap sa kanya si Demon, saglit lang, pero sapat para maramdaman niyang parang tinuhog ng kilabot at init ang puso niya. Matalim ang tingin, per
最終更新日 : 2025-12-03 続きを読む