Heislee Jean Velasco’s Point of ViewNalaglag ang aking panga, dahil sa kaniyang sinabi. Buong akala ko ay tapos na siya, at hindi na ‘yon masusundan, pero bakit naman sinabi nitong magsisimula pa lang siya?“Darius—”“Shut up!” mariin nitong wika nang makarating kami sa mismong gate.“Nakahanda na po ang dinner niyo, sir,” pahayag ng butler.Pinili ko na lamang ipikit ang aking mga mata, at hindi na nilingon pa ang mga tauhan ni Darius, dahil sa sobrang kahihiyan.Sigurado akong narinig nila ako kanina, dahil nasa open area kami. Pero umakto lang sila na para bang walang nangyari, at wala silang narinig na kahit ano.“Thank you,” mababang boses na sambit ni Darius, habang ako naman ay nanatiling tahimik.Humugot ako nang malalim na hininga, hindi na nagawang magsalita pa. Na kahit gustong-gusto kong kausapin si Darius, hindi ko magawa, dahil may nakikinig sa amin.Kaya tahimik lamang ako, hanggang sa makarating kami sa mansion niya.Ramdam kong nakasunod pa rin naman sa amin ang butl
Baca selengkapnya