“Salamat po, Sir.”Hindi sumagot si Adler, ni hindi man lang tumingin kay Sanya. Pagkasara niya ng pinto, agad umalis ang kotse ng lalaki.Napabuntong-hininga si Sanya nang tuluyan nang mawala sa paningin niya ang sasakyan. Pero habang nakatayo siya mag-isa sa gilid ng medyo tahimik na kalsada, nakaramdam siya ng kakaibang lungkot.Walang alinlangan si Adler nang palayasin siya sa sasakyan. Hindi niya alam kung bakit, pero may bahagyang kurot sa puso ni Sanya.Sa tuwing may kinalaman si Adler sa buhay niya, parang nagugulo ang isip niya. Kaya ang tanging hiling niya ngayon, na sana, hindi na sila muling magkita.Pero tila ayaw silang paghiwalayin ng pagkakataon. Kinabukasan, sinabi ni Ida sa kanya na may bagong order mula sa isang kumpanya.“Sanya! Yung Samaniego Holdings, umorder ng one thousand lunch boxes!” sigaw ni Macey, kitang-kita ang tuwa sa mukha. “Kukunin natin ‘di ba?”“Isang libong lunch box? Ang dami niyan. May order pa tayo sa kumpanya ni Sir Justin,” sagot ni Sanya.Masa
Read more