May mga kapayapaan na hindi mo agad makikilala. Dahil sanay ka sa ingay. Sanay ka sa intensity. Sanay ka sa pakiramdam na laging may kailangang ayusin, habulin, o intindihin. Kaya kapag dumating ang tahimik na uri ng kapayapaan, minsan hindi mo agad ito mapagkakatiwalaan. Pero habang tumatagal, matututunan mong hindi lahat ng tahimik ay kawalan. Minsan, ito ang pinakabuong pakiramdam. — Isang Linggo ng umaga, si Lea ay nasa garden, nakaluhod sa tabi ng mga halaman. May suot siyang lumang damit na dati niyang hindi isusuot sa labas ng bahay. Ngayon, wala na siyang pakialam. May maliit siyang gunting sa kamay habang pinuputol ang mga tuyong dahon. Tahimik ang paligid. May maririnig lang na ibon at mahinang hangin. Lumabas si Daniel dala ang dalawang tasa ng kape. “You’ve been here for an hour,” sabi nito. “Didn’t notice.” Inabot nito ang tasa sa kanya at tumabi sa maliit na upuan. Tiningnan siya nito sandali. “You look peaceful.” Napangiti siya. “I think I am.” At
อ่านเพิ่มเติม