Hindi ko akalain na aabot sa puntong kahit ang simpleng paglakad ay magiging parang isang malaking challenge, dahil sa limang buwan kong pagbubuntis ay pakiramdam ko hindi lang basta lumaki ang tiyan ko kundi parang may sariling gravity na ito na hinihila ako pababa, kaya bawat hakbang ko ay mabagal, maingat, at may kasamang reklamo na kahit ako ay napapagod na rin pakinggan ang sarili ko.“Dera, dahan-dahan!” agad na sabi ni Lora habang hawak ang braso ko, para bang anytime ay babagsak ako kahit naka-straight lang naman ako sa sidewalk.“I’m walking!” sagot ko, medyo naiirita pero hingal na rin, “this is my walk now, okay? Adjust ka na.”Napailing siya. “Hindi ka naglalakad, beh, parang kang penguin na may VIP pass.”“Wow ha,” sagot ko, pero napatawa rin ako kahit papaano.Sa kabila ng hirap ng katawan ko, isang bagay ang hindi ko inaasahan kung gaano kabait ang mga tao sa paligid namin.Kahit wala kaming malapit na pamilya sa California, parang nakahanap kami ng panibagong komunidad
اقرأ المزيد