Nagmamadaling bumalik si Aviana Labrador sa girls' dormitory ng kanilang university. Halos liparin niya ang hagdan dahil sa kaba, pero nang pagbukas niya ng pinto, nakita niya si Hanna na nakaupo lang sa kama at tila iniinda ang kanyang paa."Aviana, okay lang ako. Medyo na-twist lang ang ankle ko habang naglalakad kanina. Medyo namaga siya, pero nilagyan ko na ng pain killer at haplas, kaya gagaling din 'to agad. Bakit ka ba pinabalik ni Luna? Wala lang 'to, hindi naman big deal," sabi ni Hanna.So, na-sprain lang pala talaga si Hanna. Sabi ni Luna sa telepono kanina, may "accident" daw na nangyari, pero hindi niya nalinaw kung ano talaga. Sobra tuloy ang kaba ni Aviana; akala niya ay buhay at kamatayan na ang pinag-uusapan."Diyan ka lang muna, maupo ka at magpahinga. Huwag ka nang kung saan-saan pa gumagala," bilin ni Aviana."Opo, alam ko na," sagot ni Hanna.Sinuri ni Aviana ang namamagang bukung-bukong ni Hanna at nakahinga lang siya nang maluwag nang makitang hindi naman ito ma
Leer más