Jalipa POVIncoming Call...Kreg Molave.Hay naku, kanina ko pa ito hindi sinasagot. Sa totoo lang, mali ako rito. May mission kami sa kaniya, lalo na ako, kaya hindi ko dapat siya binabalewala, ganoon din dapat si Uncle Kenji. Masyado na akong nalilito sa mga nangyayari. Kasalana ito nung halikan namin ni Uncle Kenji, dahil doon ay naco-confuse na ako, nawawala ako sa focus ng mission.Kapag hindi ko pa ito sinagot, baka isipin niyang ayoko na siyang kausap. Baka hindi na ulit siya magparamdam. Kung tutuusin, lucky ako sa nagaganap na ito. Oo, suwerte talaga. Sa milyong-milyong fans niya, for sure, million din ang babaeng nagkakagusto sa kaniya, tapos ako, heto, ilang beses na siyang binabalewala.Nanghinayang ako sa ginagawa kong ito, kaya naman hindi ko na pinatagal pa. Pinindot ko ang accept.Paglabas pa lang ng mukha niya sa screen, agad akong natigilan. Medyo magulo ang buhok niya. Wala siyang suot na formal na polo gaya ng dati. Simpleng kulay puting T-shirt lang at halatang n
อ่านเพิ่มเติม